KABANATA 2

9.2K 201 18
                                    

BELLA

"BELLA ACOSTA. Is this your real name?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Matapos ko kasing ibigay ang resume ay binasa niya ito saglit at nakangalumbaba siya sa harap ko habang titig na titig sa akin.

Seryoso ba 'to? Mukha ngang seryoso, hindi nakikipagbiruan sa akin.

"Mayor, kung ano ang nakikita mo sa resume ko ay ayan na." Hindi ko na mapigilang bulalas kaya kita ko ang saglit na pagkagulat sa mata niya bago ito bumalik sa dati. Ang seryoso pa rin, jusko. At saka ang sarap sampalin ng bunganga ko dahil sa tono ng pananalita ko.

"I'm sorry." Saad ko at nagpatuloy. "That's my real name. I'm Bella Acosta, 27 years old. I didn't finish my college degree because of some personal reason."

Sinungaling!

"Why should I hire you?"

"Kasi hiring kayo." Mabilis kong tiniklop ang bibig ko sa nasabi. Nakakahiya man ay peke akong tumawa para mawalan ang tensyon sa loob ng kwarto na 'to. Miski yata ang paghinga ko ay tumigil dahil napakatahimik at seryoso nitong kausap ko.

Like ngumiti naman s'ya kahit peke lang.

"B-binabawasan ko lang yung tensyon sa ating dalawa. Masyadong kasing seryoso." Pag-amin ko kaya nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya na para bang nagpipigil itong ngumiti.

"It's okay, Ms Bella. I'm sorry for scaring you." Paghingi niya ng paumanhin at muling binasa ang resume ko at ilang dokumento.

"As stated in my resume, I have 3 years of experience in a secretarial role and a proven track record of efficiently managing office operations and communications. My strong organizational skills and dedication to excellence

ensure that I can effectively support you in achieving your goals for our community." Mahabang katahimikan ang nanaig sa aming dalawa matapos kong sagutin 'yon.

"You're hired." Tipid niyang sagot at para yatang nanalo ako sa lotto dahil sa narinig. Magpapasalamat sana ako pero bigla itong tumayo at tinawag yung nag-assist sa akin kanina.

"Tell the other applicants that the position of secretary is now filled. Ingat sila pag-uwi." Saad niya dito kaya tumango ito at saglit akong tinapunan ng tingin para bigyan ako ng maliit na ngiti bago isara ang pinto.

Mukhang mabait naman ang makakasama ko dito.

"Thank you po, Mayor." Pagpapasalamat ko ng muli siyang bumalik sa harap ko. "Kailan po pala ako magsisimula?" Dagdag ko pa kaya tinuro niya sa akin ang katabing lamesa niya na sa tingin ko ay ito ang magiging workplace ko.

Sisiw na lang ang mga ganitong gawain sa akin.

"You can start now. Just wait for Lina to discuss some important matters with you. As of now, ayusin mo 'yung mga schedule ko by next day, week, and months. 'Yung mga importante ay unahin mo." Paliwanag niya na inintindi ko naman maigi.

Itinuro niya sa akin kung saan nakalagay ang mga schedule niya ay tinignan ko ito. Ang dami pala, ang iba ay sunod-sunod pa ang date. Nagpapahinga pa ba ang tao na 'to?

Nang ayos na ay akala ko muli siyang babalik sa pwesto niya pero nagpaalam ito sa akin na lalabas lang siya. Kaya muli akong napatayo.

"Kailangan po bang sumama ako sa'yo?"

"No need. Just wait for Lina. May aayusin lang ako sa baba." Aniya kaya muli akong bumalik sa pagkakaupo at ang narinig ko na lang ay ang pagsara ng pinto.

"Jusko! Buti na lang at komportable itong suot ko ngayon. Mamayang 5 pa naman ang uwi ko." Pagkausap ko sa sarili ko at halos mahilo ako kaka-scroll sa mga schedule ni Mayor ngayong buwan.

"Ganto din naman ang schedule ko dati, pero hindi 'yung ganito na parang wala ng pahinga. Lahat ba ay importante dito?" Sunod-sunod kong tanong at nakakunot na ang noo ko habang binabasa 'to isa-isa.

"Mabuti na lang at ikaw ang napili ni Mayor."

Napahawak ako sa dibdib sa gulat ng may nagsalita sa harap ko. Pagtingin ko kung sino ay ito yung kanina na nag-aasikaso ng mga aplikante. Mukhang ito na si Ms. Lina. Kaya tumayo ako at binati siya na ikinatawa niya.

"Masyado ka namang pormal, Bella. Ate Lina na lang ang itawag mo sa akin. Isa ako sa nag-aasikaso din ng ibang schedule ni Mayor sa labas." Pakilala niya kaya napatango na lang ako at naupo.

"Ang sabi pala ni Mayor ay bababa lang daw siya." Paliwanag ko habang inaayos niya ang ilang papeles sa isang lamesa kaya napatigil ito at muling napatingin.

"Nagpaalam sa'yo si Mayor?" Pagtatakha niya kaya nagaalinlangan naman akong tumango.

"Oo, hindi ba siya nagpapaalam sa'yo?"

"Nagpapaalam naman..." Natahimik ito saglit pero muli naman bumalik sa ginagawa. "Ano naman ang impression mo kay Mayor?"

"Masungit." Wala na pag-aatubili kong sagot dahilan para tumawa siya kaya natawa na rin ako. Mukhang makakapalagayan ko ng loob si Ate Lina. Sabagay, siya pa lang naman ang nakakausap ko dito bukod kay Mayor.

"Alam mo sa lahat ng sagot na narinig ko, sa'yo ang kakaiba. Ang iba kasi ay sasabihin na gusto ko si Mayor, ang pogi ni Mayor. Ikaw naman ay talagang masungit."

"Gwapo naman talaga si Mayor kaso ang sungit talaga. Kanina ay nagbiro ako, wala lang sa kanya. Buti nga ay hindi niya pinalayasa sa kalagitnaan ng interview." Kamot-ulo kong paliwanag kaya napailing na lang siya.

"Mukhang may katapat na si Mayor."

"IT'S lunch time, Bella." Naiangat ko agad ang paningin ko ng katukin ni Mayor ang gilid ng lamesa para makuha ang atensyon. Hindi ko namalayan na busyng-busy na ako kakaayos ng schedule niya para bukas at naabutan ako ng lunch time.

"Ah...opo bibili na ako, Mayor." Mabilis kong pagtayo at mabilis na umalis sa kinauupuan ko para pumunta sa pinto. Sakto ay pumasok si Ate Lina na may dalang paper bag at nakalagay dito ang pangalan ng restaurant.

"Bella, sa'n ka pupunta? Nagpadeliver pa naman si Mayor ng pagkain natin." Masayang ibinigay ni Ate Lina ang isang paper bag sa akin at pumunta kay Mayor para ibigay din ito sa kanya. Kaya napatingin ako dito at nakatingin na ito sa akin.

"Thank you po dito, Mayor. Nag-abala pa po kayo." Nahihiya kong pasasalamat at tumabi kay Ate Lina na ngayon ay inaayos niya na ang pagkain niya.

"Nako Bella, 'wag kang mahihiya kay Mayor. Masanay ka na dito sa amin."

"It's my treat also, since nakikita ko pagod kayo ni Lina sa mga nakatambak na schedule ko." Seryosong paliwanag ni Mayor at tahimik lang itong kumain kaya palihim kaming nagkatinginan ni Ate Lina at kumindat ito sa akin.

"Sabi ko sa'yo be, kahit masungit 'yan ay mabait naman si Mayor."

"Mayor, ito pala po ang schedule for the whole week." Maingat kong binigay kay Mayor Damon ang buong schedule niya kaya tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa akin. Kinuha niya ito at hindi sinasadyang mahawakan niya rin ang kamay ko kaya mabilis akong bumitaw sa hawak ko.

Mukhang hindi naman niya napansin dahil dumiretso agad ito sa schedule at binasa isa-isa. Ang sabi niya ay mga importante muna ang unahin ko kaya ang nakalagay doon ay mga importante talaga.

Habang binabasa niya pa rin ito ay hindi ko mapigilan na pagmasdan siya. Medyo makapal ang kulay, matangos ang ilong at medyo may kaputian din siya. May mole din pala siya sa taas ng kaliwang kilay niya na mas lalong nagpa-gwapo dito. Tama lang din ang pagkakahulma ng mukha niya. Kung hindi ito Mayor ay pasok 'to bilang Model.

"Ngayon alam ko na kung ba't ang daming nahuhumaling sa'yo." Bulong ko at nagulat na lang ako ng biglang umangat ang mukha nito.

"Are you saying something, Bella?"

"Wala po, Mayor. Ang gwapo niyo po pala talaga ng malapitan." 

Damon Callum: Political Duology 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon