Chapter 1

103 8 12
                                    

Bea

Nagising ako dahil kailangan ko ng pumasok. Napuyat ako kakagawa ng paper works kagabi. Sipag ko no?

First year college na ako. Akala ko madali lang mag-college. Yun pala akala ko lang talaga. Dahil nakaka-stress!

"Mama, papasok na po ako." pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko. Nakita ko naman si Mama at Papa na kumakain na.

"Ano? Halika muna dito. Kumain ka muna. Wag kang papasok ng walang laman yang tyan mo." tumayo si papa at hinatak ako para kumain. Okay lang, hindi pa naman ako late e.

"Papa naman eh. Wag niyo na po ako i-baby." tumawa naman si mama at ginulo naman ni papa ang buhok ko. Aish!

"Hay nako, Bea kahit malaki ka na. Ikaw pa rin ang baby namin ng papa mo." nakangiting sambit ni mama.

Ngumiti nalang ako. Nang matapos ako kumain ay nagpaalam na agad ako sa kanila. Kailangan ko pa bumiyahe para makarating sa school. Medyo malayo din kasi.

Nang makarating ako sa school, sinalubong naman ako ng ka-blockmate ko. Mukhang hingal na hingal? Bakit kaya?

"Uy Bea kanina ka pa hinahanap ni Sir Capia. Yung report mo daw mamaya na." Ay shete. Oo nga! Buti nalang na-ready ko na kagabi.

"Ah oo. Okay na yun." nginitian ko siya at parang nakahinga siya ng maluwag. Ganun? Mas kabado pa siya sakin? Sabagay medyo masungit kasi si Sir Capia.

Sabay kami naglakad papunta sa room. Buti nalang magka-block kami sa first subject.

"Nga pala, Bea nabalitaan mo ba kagabi?" tanong niya sa akin.

"Ang alin? Hindi e. Kasi ginawa ko yung report ko." curious ako e. Mahalaga ba yun?

"Ay. Wag na! Hahaha. Nevermind nalang Bea." tumawa tawa siya. Eh?

Pumunta na ako sa upuan ko. Bandang likuran siya e. Sayang di ko katabi si Pams.

Pumasok na yung professor namin. Nako! Bigla akong kinabahan sa report ko mamaya. Fil pa lang naman kami kaya ko to!

-

Hindi ko alam kung ako lang o sadyang ang bilis ng oras? Kung kailan namaaan.
Mabilis akong naglakad papunta sa next class ko. Dapat may one hour break ako ngayon e. Jusme! Kakaba talaga.

Napatigil ako kasi nakita kong parang nagkakagulo sa dadaanan ko. Anong meron? Lumapit ako para tignan sandali.

Nakita madaming malalaking mama doon at parang mga M.I.B na nakaharang sa pinto ng office ng school admin.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Hmp! Kala ko may gwapo kaya sila nagkakagulo. Hala Bea kailan ka pa natuto maghanap ng gwapo? Problemahin ko nga muna yung report ko. -_-"

Pagpasok ko, Err. Nasaan sila? Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.

"Oh? Bakit ka nandito Bea?" Ah! si blockmate. Sorry di ko matandaan yung name.

"Ha? Bakit anong meron? Nasaan silang lahat?" nakakapagtaka naman. Bakit ngayon pa sila wala?

"Pinauwi na. Nagulat nga ako nandito ka pa." napakamot siya sa ulo.

"Pinauwi? Bakit pinauwi?" andami kong tanong ngayon ko lang na-realize.

"Nagkaroon daw ng emergency meeting ang faculty pati school administrator kasama yung bisita." Oh. Kaya pala ang daming tao sa office. Gets ko na.

"Ah sige. Uuwi nalang din ako. Ingat."

"Ikaw din Bea, Ingat." nag-wave siya sa akin at tumakbo.

Instant HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon