Chapter 2

102 7 15
                                    

Bea

Teka, naguguluhan pa din ako! Di maabsorb ng brain cells ko.

"Anong ako si Ayessa? Bea po ang pangalan ko mister hindi Ayessa." may halong pagkainis ang tono ko.

"Miss Ayessa, maupo kayo dito. Ipapaliwanag po namin sa inyo." sabi nung mukhang butler.

"Don't you dare call me Ayessa again." sinamaan ko siya ng tingin. Gah! Parang wala na akong manners kainis.

Hinila naman ako ni papa at pinaupo katapat nung butler.

"Bea, anak makinig ka muna ng mabuti ha? Basta para maintindihan mo ang lahat." sabi pa ni papa. Ano pa ang iintindihin ko? Seryoso, gulong-gulo na ang utak ko!

"Mr. And Mrs. Manalili, mas mabuti po siguro kung kayo na ang magpaliwanag kay miss." habang pinupunasan niya yung salamin niya.

Tumango naman si mama at tumabi sa akin.

"Bea, gusto namin ng papa mo na sana intindihin mo lahat ng sasabihin namin ha?" habang inaayos ni mama ang buhok ko. Tumango lang ako bilang sagot.

"Bea kasi hindi ka talaga namin anak ni papa Leo mo." tapos nakita ko nalang na may pumatak na luha sa mata ni mama.

"Ma ano ba! Seryoso naman tayo dito oh. Wag niyo ko biruin ng ganyan!" nangingilid ang mga luha ko. Alam ko anytime ay babagsak na.

"Ma, Pa. Baka nasa gag show tayo di niyo sinasabi sakin. Nagmu-mukha na akong tanga dito. Okay na, nahuli niyo na ko. Labas niyo na yung camera." natatawang ewan ako habang hinahanap yung camera na yun. Wow ang galing ng acting nila, swear! Napaniwala na ako.

"Bea, totoo ito. Hindi ka namin tunay na anak." seryosong sambit ni papa.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Naririnig ko pa nga na tinatawag nila ako pero di ako huminto. Tangna! Bakit ganun? Bakit ngayon lang nila sinabi? Ang sakit kasi eh.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makaabot ako sa central park malapit sa subdivision namin.

"Hay buhay nga naman." naupo ako sa swing. Makulimlim? Nice sige damayan mo lang ako.

Pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko. I totally feel empty. Sa buong buhay ko akala ko anak nila ako. Anak pa rin naman nila ako e! Di lang tunay. Ang saya p*ta!

Natawa ako habang umiiyak. Tinitignan na nga ako ng bata sa harap ko. Baka akala niya baliw na ako. Mukha naman talaga akong baliw ngayon.

Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sa akin.
"Ate bakit ka po naiyak?" ang cute niya. Ang sarap pisilin. Hay!

"Inaway mo kasi ako e. Ayan tuloy umiiyak na ako." tapos biglang tumulo na naman yung luha ko. Namumugto na siguro ang mata ko. Mabilis lang kasi mamugto to e.

"A-ate, hindi n-naman kita inaway eh!" tapos bigla siyang umiyak. Lumapit ako sa kanya tsaka pinunasan ang basang pisnge niya.

"Joke lang. Hindi ikaw yung dahilan. Don't cry na." ako tuloy naiiyak ngayon. Sabagay kanina pa naman ako umiiyak e.

"Eto ate oh. Sayo nalang para di ka na sad." tapos inabutan niya ako ng lollipop. Ang ganda ng lollipop mukhang mahal? Ang laki kasi e.

"Sayo yan eh. Baka hanapin sayo yan." sabi ko pero pinipilit niya akong kunin ito. Wala din akong nagawa kundi kunin nalang. Mapilit eh! Tumabi siya sa kabilang swing. Ang cute niya tignan, gumagaan yung loob ko.

"Tyler, andyan ka lang pala. I've been looking for you. You made me nervous." biglang may lumapit na lalaki sa kanya at lumuhod sa harap nung bata. Tyler? What a nice name.

Instant HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon