Chapter 7

56 6 27
                                    

Ayessa


"Anong ginagawa niyo?" napatigil kami ni Darrel sa pagtitig sa isa't isa at sabay kaming tumingin sa nagsalita.


"Hindi ka ba marunong kumatok ha?" naiinis na tanong ko pa. Walang manners!


"Bakit naistorbo ko ba kayo?" tinaasan niya pa ako ng kilay. Nakakainis talaga tong isang to. "Akala ko si Lucian lang. Tapos ngayon si Darrel naman. Tsk!" napasinghap naman ako sinasabi niya. Ano bang problema niya?!


"So?! Anong pinapalabas mo ngayon ha?"


"Na-flirt ka. Hindi ka lang gold digger, flirt ka pa." walang emosyon niyang sambit. Tangna! Grabe siya makapag-salita sa akin ha? Ganun ba tingin niya sa akin porket di ako mayaman katulad niya?!


"A-ANONG SABI M-"


"KUYA TAMA NA." Natahimik kaming dalawa ng biglang sumigaw si Darrel. Napayuko nalang ako.


"Tsk." tapos lumabas na ng kwarto si Cyril. Puta! Ang sarap niya talaga patayin.


"Ayessa, pasensya ka na sa sinabi ni kuya ah?"


"Hmm. Okay lang Darrel. Masasanay nalang siguro ako dyan sa menopause mong kuya." napatawa naman siya. Menopause baby siguro yung Cyril na yun kaya ganun ang ugali.


"Intindihin mo nalang siya Ayessa ha? Hindi kasi siya sanay na may babae dito sa bahay."


"Ahh."


"Tara magluto nalang tayo ulit."


"Sige." saka ako ngumiti sa kanya.


Natapos kaming nagbake ng èclair ni Darrel. Ang kulit niya talaga! Paano ba naman nakikipagtalo pa sa akin kung chocolate o vanilla. Gumawa kami ng marami kasi sabi ko sa kanya na bibigyan ko si lolo.


"Tara na." ayan na naman! Naka-ngiti na naman siya. Ikennot Darrel!


"Ha? Saan na naman tayo pupunta?"


"Sa puso ko."


"ANO?"


"Joke lang. Tara na nga."


Ayy sayang akala ko naman totoo na napupunta kami sa puso niya. lol! Sige Ayessa pagkasyahin mo sa puso ni Darrel. Imba ka talaga!


Habang naglalakad kami ni Darrel, may isang bagay pa ako na naalala. Hindi ko din kasi ito natanong kay Lucian kanina at nakalimutan ko din tanungin si Butler John kanina.


"Darrel, pwede ba magtanong?" medyo sinabayan ko siya maglakad. Ang bilis naman kasi niya maglakad e. Parang hinahabol ng kabayo. Tsk!

Instant HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon