Chapter 5

66 8 24
                                    

Bea

What the? Wag niyo sabihin sa akin na kapatid ko yung mga lalaking yun? Lalo na si Darrel? Hindi ito pwede. Mabuti pa nito ay tanungin ko nalang si Butler John about this. Tama! Ang talino mo talaga Ayessa Marie!

Lumabas na ulit ako ng kwarto ko. Hahanapin ko pa ang kwarto niya. Mukhang mahihirapan ako dahil hindi pa ako familiarized sa mansion na to! Tsk. Nabo-bother talaga ako sa mga yun. Kung sakali puro lalaki mga kapatid ko? Ang hirap nun. Kasi baka i-wrestling lang nila ako ng wala sa oras.

Pumasok ako sa isang kwarto. Woah! Parang hindi naman ata ito ang kwarto ni Butler John eh! What I mean is, masyado kasi itong malaki para maging kwarto niya. Ano naman ang gagawin niya dito? Magsasarili-sarili siya? Pero kidding aside, this room is awesome! As in. There's something in this room that I can't resist.

Hindi sinasadyang na-ibagsak ko ng malakas ang pinto. Ghaaad! Sana hindi magalit sa akin kung sino man ang may-ari ng kwartong to. Nakarinig ako ng mga nagmamadaling yapak papunta sa akin. Pagkalingon ko ay nakita ko si kapre na nakatapis. Half-naked siya ngayon. Uwaaaa! My virgin eyes! Tangna mano-nose bleed ata ako dito ng wala sa oras eh. Yung abs, may abs! Huehue.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" nagulat ako ng bigla niya akong sigawan. Puta! Kapal ng mukha netong kapreng tenga na to sigawan ako ah! Okay kalma Ayessa, bago ka palang dito. Intindihin mo nalang. Patience, patience. Ugh!

"Ay ha-ha-ha. Sorry wrong bedroom." aalis nalang ako dito baka sumabog pa ako sa galit dito. Tsaka hindi naman siya ang pinunta ko dito pwe! Nagkamali lang naman ng punasukan na kwarto eh!

Lalabas na sana ako kaso bigla niya akong hinatak sa braso at isinandal sa pader. OUCH! likod ko yun ah! Bwiset talaga tong kapreng tenga nato. Argh!!

"Kinakalaban mo ba talaga ako ha?" halata ko sa boses niya ang pagkainis. Bakit akala niya ba siya lang ang naiinis ngayon?! Ako din naman ah! Gusto ko na siyang sakalin at putulan ng tenga, swear!

"A-anong k-kinakalaban? A-anong pinagsasabi mo ha?" kinabahan ako bigla. Kasi naman yung tingin niya! Hindi ko pa siya kilala at hindi ko din alam kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. At this situation, bata pa ako!

Napansin ko na palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Ohmy! Ito na ba? Ito na po ba yun? Sa kapreng to ba mapupunta ang first kiss ko? Yung kiss na iningatan ko sa loob ng 17 years?! Napapikit nalang ako. Kayo na ang bahala sa akin.

Lumipas ang ilang segundo pero wala akong nararamdaman na labi na lumalapat sa lips ko. Ay hinihintay ko din ganun? Baliw na ata ako. Idinilat ko ang mga mata ko. Err! Nakita kong nakakunot ang noo niya tapos yung tingin niya sa akin. Yung tingin na parang nandidiri. Ganun?!

"GET OUT OF MY ROOM!" isang nakakabinging sigaw ang bumalot sa buong kwarto. Naramdaman ko nalang na may kung anong mainit sa pisnge ko. Umiiyak ako?

Tinulak ko siya at tumakbo palabas ng kwarto niya. Damn it! I feel humiliated. Ever since hindi ako sinisigawan kahit sila mama hindi ako masigawan pero yung kapreng yun? Ang kapal ng mukha niya sigawan ako. DALAWANG BESES PA! Akala mo na siya ang nagpapakain sakin.

Nakakainis tumira dito! Nagtatakbo lang ako sa hallway, nanlalabo na nga ang paningin ko dahil sa pag-iyak. Natigilan ako sa pagtakbo ng may biglang humarang sa akin.

"Umiiyak ka ba?"

"Tingin mo?! Umalis ka nga dyan!" di niya ba nakikita? Bwiset ah!

Pero di niya ako pinakinggan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagharang sa akin. Sino ba tong pa-epal na to?!

Tinulak ko siya para hindi niya na ako maharangan at nakadaan naman ako. Pero bigla niya nalang ako hinigit sa kamay at kinaladkad.

"T-teka! Saan mo ko dadalhin? Bitawan mo nga ako! Ano ba yu--"

Instant HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon