Chapter 4

89 7 19
                                    

Bea

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. 7 o'clock pa lang naman ng umaga pero bumangon na agad ako. Gusto ko pumunta sa bahay. I mean sa bahay nila mama, miss ko na agad sila. Kapag nagpaalam kaya ako kay lolo papayagan niya ko?

Nagderetcho ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi pa rin ako maka-move on sa banyo na to! Ang laki-laki kasi. May jacuzzi pa sa loob. Halos pwede na tirahan kahit sa cr lang.

Lumabas na ako at pumunta sa isang kwarto. Hindi ko pa siya napapasok since yesterday kaya hindi ko alam kung anong meron sa loob. Binuksan ko yung pinto at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang laman. Ano to? Department store? Puno ng mga damit, bag, sapatos at kung ano pa yung room. Isa tong walk-in closet. Katabi lang siya ng cr.

Namili na agad ako ng damit at lumabas na. Gusto kong libutin yung mansion kaso baka maligaw na naman ako! Hmp. Ang laki naman kasi.

Wait may naalala ako! Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni lolo. Kumatok ako agad ng makarating ako. Binuksan ito ni Butler John.

"Oh! Ayessa apo, gising ka na pala." nakangiti na naman si lolo. Nag-bow naman si Butler John sa akin.

"Lolo may pasok pa po ako ngayon." Oo yun ang naaalala ko. Kasi nga may report ako mamaya sa Management. Shiz!

Nakita ko na ngumiti na naman si lolo. "Don't worry apo everything is settled." Ha? Anong settled? Settled ang alin?!

"Eh? What do you mean lolo?"

"Na-enroll at na-transfer na kita ng university." nalaglagang panga ko dun.

"Pero lolo kasi---"

"No buts Ayessa. Its final."

Nagpaalam na ako kay lolo. Kainis naman! Di ako na-inform eh. Lumabas ako ng mansion pero sa labas lang talaga kung saan ako pumasok kahapon. Nakakita ako ng dalawang kotse na naguunahan sa pagpark. I mean para silang nagre-race! Ang cool. Isang ferrari at lamborghini.

Nagpark ito sa tapat ng bahay. Bumaba sa kotse ang mga di pamilyar na mukha. Isa lang kasi kilala ko. Si Darrel lang!

Naglakad sila paakyat ng hagdan. Fck! Ano to? Para silang mga model! Parang mga greek gods from Athens! Ang popogi. Ulam na ulam na. Pahinge nga ng kanin!

"Stop drooling." sheet! Napasobra ata ang pagtingin ko. Nabalik ako sa katotohanan ng may isang kapre ang huminto sa harap ko.

"S-sorry." feeling ko namumula na ang mukha ko.

"Hi Ayessa." napatingin naman ako agad doon sa bumati sa akin. Napakunot ang noo ko. Para siyang babae! Hindi ko siya kilala. "Lucian by the way." sabay abot niya ng kamay sa akin. Nakipag-shake hands naman ako. Para naman hindi bastos tignan.

"Tsk." sabi nung kapre. Problema neto? Aga mangbwiset. Inirapan ko lang siya.

"Hello Yessa." napatingin na naman ako sa bumati sa akin. Si Darrel. Naka-eyes smile pa siya sa akin. Ang cute niya! Ugh. Ikennot!

Yung isang kasama nila mukhang bakla. Gosh! I'm just stating the obvious bruh. Tinignan niya ako mata sa mata. Tapos bigla siyang nagiwas ng tingin. "I'm Brice." tapos nun naglakad siya papasok ng mansion. Tapos sunod na pumasok yung kapre at sumunod ulit yung Lucian.

Lumapit sa akin si Darrel at niyaya na akong pumasok sa loob. Nagulat nga ako kasi inakbayan niya ko. Nakakailang lang. Ayoko kasing inaakbayan ako!

Nung nahalata niya na naiilang ako sa pagakbay niya ay agad niyang tinanggal ang kamay niya sa akin at nag-sorry siya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Darrel ano pwede manghinge ng favor?" nagaalangan pa ako. Kasi di kami close? Bakit patanong, eh hindi naman talaga kayo close. Tsk!

Instant HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon