Birthday Greeting By TwoFaceDiva

256 4 1
                                    

ENTRY NO. 24 (Click ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa facebook.)

Birthday Greeting

By TwoFaceDiva

Happy birthday to you~

Happy birthday to you~

Happy birthday~

Happy birthday~

Happy birthday Steffi~

“Blow the candle na Sei!” excited na sabi ng isa sa mga bestfriend kong si Zee.

Pumikit muna ako and nag-wish, saka ko blinow yung candle. Yey! It’s my 16th birthday and kumpleto ang pamilya namin kasi umuwi si daddy galing Singapore.

“Happy birthday hija.” Bati sa akin ni daddy sabay halik sa noo ko.

“Thanks dad.” Yumakap ako sa kanya, feeling ko any moment iiyak na ako.

“Oy! Tama na muna ang drama. Kumain muna tayo.” Pukaw ni mommy sa amin. Natawa na lang kami ni daddy.

“Kyaaaaa! Happy birthday Sei-chan.” Bati sa akin ni Suzy, isa rin sa mga best friend ko.

“May gift kami sayo na for sure magugustuhan mo.” Sabat naman ng isa pa sa mga best friend ko si, Krys.

Tinignan ko silang tatlo at parang nakita kong parang nagspa-sparkle ang mga mata nila.

“Oh… kaaaaay… bakit ganyan ang mga itsura niyo?” parang kinabahan ako sa mga itsura nila.

“Eeeeeeh! Basta!” sagot nig Zee na parang kinikilig.

“Maya bibigay namin sayo, pero kumain muna tayo. Ang sarap ng mga handa mo eh.” Napalingon si Krys sa mga nakalagay sa dining table namin.

“Patay gutom ka talaga, Kryssy.”

“Ang sama mo, Steffi! Pero dahil birthday mo ngayon pagbibigyan kita.” Pagkatapos niyang sabihin yun hinila na niya kami papunta sa pagkain.

Nasa veranda na kami ngayon, dito kami kumakain. Kitang-kita ko rin mula rito yung bahay ng kaisa-isang crush ko, si Paulo. Iinvite ko sana siya ngayon kaso nahihiya naman ako.

“Uy Sei! Bakit hindi mo ininvite si papa Paulo?” tanong sa akin ni Zee.

“Ano kasi…” napatungo ako.

“Oo nga, dyan lang naman bahay nila sa kabilang street oh. Ang lapit-lapit lang.” si Suzy.

“Eh kasi… uhmm… nahihiya akong iinvite siya ngayon sa birthday ko.” Kyaaa! Feeling ko namumula ang mukha ko.

“Ayy, kelan ka pa nagkaroon niyan Sei?” gulat na tanong sa akin ni Krys.

“Kanina lang paggising ko.” -___-

“Ahh akala ko naman nabili mo sa tabi-tabi. Bibili rin sana ako eh.” Sagot sa akin ni Krys.

“Huwag kang bibili Kryssy!! Hindi mo bagay magkaroon noon.” Si Zee.

“Sapak gusto mo Zee?” itinaas pa ni Krys ang kamao niya.

“Ayoko nga. Sayang ang beauty ko.” Sagot ni Zee na hinawakan pa ang mukha niya.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon