A Love Story by somberDoll

257 7 2
                                    

 ENTRY NO. 31 (Click po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

A Love Story

“ Isa kang diwata, ako nama’y isang mortal.

Parang isang panaginip ng makilala kita.

Pero kahit ano pang ganda ng isang panaginip,

Dadating ang araw na kailangang gumising at harapin ang totoong mundo.

Ang napakaganda kong bituin.”                 

17 years old ako nun. 18 years old naman sya. Isa syang bakasyunista na piniling mag-check in sa maliit naming hotel. Unang beses ko pa lang syang nakita, magsisinungalin ako kung sasabihin kong hindi ako na-attract sa kanya. Maganda sya. Hindi matangkad pero hindi naman pandak. Masayahin. Tulad nya ang tipo ko.

Magaan agad ang loob ko sa kanya. Kaya hindi nagtagal naging magkaibigan kami. Palagi nya kong niyayang magpunta sa ilog o kaya nama’y ipinapasyal ko sya sa buong probinsya. Paminsan-minsan, nasa hotel lang kami, nakanta sa videoke machine. Mahilig rin syang kumanta kahit ang pagkanta ay walang hilig sa kanya.

Masaya ko pag kasama ko sya. Sa sobrang saya ko, hindi ko na namalayan ang oras. Ilang araw na lang pala at aalis na sila. Kaya habang nakaupo kami sa tabi ng ilog, kinausap ko sya ng masinsinan.

“ Pano na tayo pag bumalik ka na sa Maynila?” tanong ko.

“ Ano ka ba. May internet na ngayon, pwede tayong mag-chat kahit araw-araw. Hindi ko rin naman malilimutan ang cellphone number mo nuh. Tska kahit makulitan ka sakin,” kinurot nya ko marahan sa pisngi, “ araw-araw pa rin akong tatawag sayo.” Nagkatinginan kami sa isa’t isa. Nakangiti sya pero puno ng lungkot ang mga mata nya. “ Wag kang malungkot sa pag-alis ko. Kasi kahit magkalayo tayo, hindi pa rin kita makakalimutan.”  Kahit isa syang napakakulit at carefree na babae, mahinahon sya, napaka-soft spoken kapag kinakailngan. Siguro isa rin to sa mga dahilan kung bakit nagugustuhan ko sya. Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa dun. Higit pa.

Tumahimik ang paligid makalipas nun. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalaro ang mga binti nya sa tubig. Sa loob ng ilang araw, ang mukha ng taong katabi ko ngayon ay hindi ko na makikita. Sa loob ng ilang araw, iiwan na nya ko. At pag dumating ang araw na yun, ayokong hindi nya malaman ang nararamdaman kong to para sa kanya. Alam kong mabilis ang mga pangyayari, pero totoo ang nararamdaman ko. Hindi to kalokohan o kayabangan. Genuine ang nararamdaman ko para sa kanya. Sya, na nakasama ko lang ng halos dalawang lingo. Sya, na mas matanda sakin ng isang taon pero kung kumilos ay parang pitong taong gulang lamang. Sya, na mahal ko.

“ Magkita ulet tayo dito bukas. May sasabihin ako sayong importanteng bagay.” Matapang kong sinabi ang mga salitang yun, kahit parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Lumingon sya sakin, “ Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?” nagtataka nyang tanong.

“ Basta~” tumayo na ko at nagpagpag ng dahon sa shorts ko, “ Kung gusto mong marinig ang gusto kong sabihin, pumunta ka dito bukas. Alas-kwatro. Importanteng importante to, ok Reych?”

Napalitan ng ngiti ang expression nya, “ Ok. Sabi mo ii.”

Sinuklian ko ng isa ring ngiti ang sagot nya, “ Good. O sya, tara na. balik na tayo sa hotel.”

“ Pero gusto ko pang~~”

Tinalikuran ko sya, “ Bahala ka jan. Basta ako uuwi na ko.”

Narinig ko ang ligalig ng tubig nang umalis na sya. At maya-maya, naramdaman ko nalang ang mga kamay nya, nakahawak sa braso ko.

Your One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon