Day 4: Hello!

118 4 0
                                    

Gumising na ako ng maaga para kumain. Ang sarap ng tulog ko nagyon kasi wala na kaming proproblemahin. Ang Foundation Day na lang ang proproblemahin ko dahil sa susunod na araw na ito gaganapin. Nakakainis nga eh. Sa ibang mga clubs ang gaganda ng mga booth nila. Sa Science Club, marriage booth tapos sa Mapeh club, kiss booth. Sa Filipino Club, dedication booth. Ang A.P. club? Wow! Jail booth! Katuwang ng A.P. club ang ESP club, Interact at GAD club. Tapos ang aking IV -Austria at IV - Brazil ni Christopher ay magtatanghal para sa Foundation Day. May pageant pang maganap. Edi wow. Magprapraktis na naman sila. Ako, sumuko na ako at gumawa na lang ng nobela. Nakakapagod din kasi na araw-araw na lang lagi ang praktis. Hindi na carry ng aking sexy body ang mga pamatay na praktis. The usual pa rin ang drama dito sa bahay. Nagluluto si mama, nagcocomputer si Papa at ako naman ay nagbabasa ng story sa Wattpad. Nakakatouch ang story na "If You Don't Mind". Kinikilig ako sa mga moves ni Jill Henry kay Czarina Cheska. Sana ganyan din ang gawin sa akin ni Christopher.


Oo, aaminin ko na na-fall ako sa kanya. Ang hot niya. So hot like pandesal. OMG! I'm so malandi na. Tama na nga. Kumain na ako ng tanghalian at nagsulat na ako ng aking sariling story. Nakakainspire kasi at nailalabas mo ang feelings mo.  Maya-maya, may nagtext sa akin. Si George. May tinatanong siya about sa booth namin. Lumalabas ako at hiyang-hiya ako sa suot ko. Naka-WHITE SANDO ako with shorts at kita ang medium sized na aking hinaharap. Nakakahiya na talaga. Pumunta ako sa unang tindahan at wala daw silang loading business. Pumunta ako  sa kabilang tindahan. Habang ako'y nagloload, may bumati sa akin ng...


"Hello!" 


Malaki at malalim ang boses nito. Alam ko kung kanino ang boses na iyon. Lumingon ako at nakita ko ang dalawang taga-IV-Brazil. Nag-hello ako sa kanilang dalawa. Asan siya? Lumingon pa ako at nakita ko na ang kanyang gwapong mukha. Nakangiti siya. Those smile that captivated my heart. His smile is very bright like the clouds in the sky. His face that made me fall for him. His everything - he's so hot like a raging star from the space. Matapos nito, unti-unting nawala ang kanyang mukha sa aking paningin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko siya ng daan. Bumalik ako sa Earth ng sigawan ako ni manang.


"Hoy! Ayaw mo bang tanggapin ang sukli?" Kinuha ko na ang sukli at naglakad. Nakita ko siya. Naka-violet na t-shirt at white na pants/tokong na may design na linya. Nakakahiya ka! Nakasando ka lang! Nakita na niya 'yang boobs mo! sabi ng inner goddess ko. Ngayon ko lang na-realize. Oh, my gosh. Dumating na ako sa bahay namin. Umakyat na ako hanggang ikulong ko ang aking sarili sa kwarto ko. Doon na ako lalong na-fall kay Chrstopher. Oh, I will do everything for him. I love him. I love him. Paulit-ulit kong naririnig ang hello ni Chris. 


Nagising ako sa ulirat ng tumawag si George.


"Hoy! Anong meron sa'yo? Seen zone lang ang peg mo ngayon, ha? Anong balak sa jail booth?" 


"Magpapameeting ako bukas. Ang hirap kayang mag-isip na wala sila." sagot ko kay bakla.


"K payn (K fine). Ano ginagawa mo?"


"Kausap ka malamang. Ano pa bang ginagawa ko?" pang-aasar ko kay George.


"Che. Don't tell me pinagpapantasyahan mo si Fafa Chris!" sabi ni bakla. Nagulat ako sa sinabi ni George kaya sinigawan ko siya.


"HOY, HINDI NOH! BAKA IKAW! IKAW ATA MAY GUSTO KAY CHRIS EH." 


"Aray ko, eardrums ko beh. Ansakit–" Tinapos ko na ang tawag dahil ayoko nang makigulo pa kay bakla. Pagpapantasyahan ko na lang si Roberts. Pero bakit ako na-guilty nang sinabi ni bakla na pinagpapantasyahan ko si Chris?  


AUTHOR'S NOTE: Ito na ang update para sa 13 Days of Love! Please read, vote, comment and support it! Thank you very much! 


Happy birthday to the man who became an inspiration to this story - 13 Days of Love. May God show you the way to your success in your career. May He guide you in your studies in college and may He give you strength and power to overcome such challenges in life. 

13 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon