Day 6: Foundation Day

82 4 0
                                    

Gumising ako ng maaga. Siyempre, mas maaga ang gising ko kaysa sa pangkaraniwan kong gising kasi nga kailangan ko nang asikasuhin ang jail booth. Siyempre, ginawa ko na ang mga dapat kong gawin kapag umaga. Pagkatapos nito, nagsuot na ako ng P.E. uniform at sumabay kaming dalawa ni Melissa sa pagpasok. Napag-usapan namin ni Melissa ang tungkol sa Foundation Day. Ganoon lang naman ang forte namin ni Melissa. Sinabi sa akin ni Melissa na wala siyang ganang pumasok. Susuportahan lang naman niya ang IV - Brazil. Ako naman,  prinoproblema pa rin ang jail booth. Wala pa kaming nabubuo kahit ni isa. Buti pa ang ibang booth, maayos na ang ready to operate na. Teacher kasi ang nag-aayos dito. Sa amin kasi, kami mismong mga estudyante ang mag-aayos. The teachers are very dependent on our ability. Sa amin na nga ang idea at concept, kami pa ang magdedesign at fortunately, kami pa ang mag-ooperate. Ang saya, di ba? 


Next, sumakay na kami ni Melissa sa tricycle. Halos wala na kaming mapag-usapan ni Melissa bukod pa sa Foundation Day at practice ng dalawang section. Matapos nito, nakarating na rin kami sa school. Pagpunta ko sa location ng jail booth, kaming dalawa pa lang ni George ang naroon. Kasama namin si Lyzzy at ang boyfriend niya. Buti na lang at naroon din ang speaker na binilin ko sa ESP club. Maya-maya dumating din ang Grade 9. Matapos ang isang oras, dumating na rin ang mga Grade 8. Both grade levels are members/officers of AP club. Tinanong ko kay Ma'am kung okay na ba ang location ng jail booth. Sabi niya, wala pang location dahil ayaw ng aming butihing principal sa proposed location namin. So, ayun na nga. Nag-assist muna kami ng mga ititinda ng AP faculty. Actually, samalamig o drinks ang tinda nila. Tapos sa kanila pa ang kikitain ng booth. Nakakainis lang. Maya-maya nag-set up na rin kami. Lalo pa akong nawalan ng gana dahil sa isang nagmamagaling na grade 8 student. Sobra. After nito, isa pang nagmamagaling ang sumingit. At kaklase ko pa, sino pa ba? Si Bobby na mataba at well, ayoko nang magbanggit pa ng mga bagay na nakakasisira sa beauty ko. After nito, nagcelebrate muna ng misa para sa foundation day. Sa four years kong itinagal sa eskwelahang ito, ngayon lang nagkafoundation day. After 1 hour, officially, nag-start na ang fair ng foundation day. Isa na itong signal na pwede na kaming mag-operate ng booth. 

So, ang grade 9 na ang nag-umpisang mag-operate. Taga-kolekta lang kami ni George. Lima kaming 4th year na nasa AP club. Ang isa ay SSG so hindi na niya kailangang makiapid pa sa operation jail booth namin. Ang isa naman ay IV - Brazil, busy siya kakapraktis. Ganoon rin naman ang isa pa naming kaklase ni George na busy rin sa praktis. After ng ilang mga oras, nag-break muna kami. Marami rin kaming nahuli. Pero may isang problema, nawala ng kasama ni Bobby ang susi ng posas. Yep, tunay na posas ito. Alam ko naman ang ugali ni Bobby na palaiwas sa problema. Putang ina lang. Kumain muna ako kasama ang mga grade 9. Nag-usap kami ni bakla. 


"Bessy, may napansin ka ba kanina?" tanong ni George.


"Oo. Wala ang grade 8 kanina." walang buhay na sabi ko.


"Hay, nako. Nakakainis lang." matapos nito. Nag-operate na kami. Ang grade 8 ang nag-operate. Matapos ang ilang oras na nakakastress, mukhang malaki ang kinita ng booth namin. Taena. Bad news, nasira ang sound system at idinaan na lang sa pagsigaw. At 2pm, natapos na rin ang booth. Nakakamatay talaga.


Sobrang laspag na ang itsura namin ni George. Kinuha ko ang box na nilalagyan ng pera na kinita ng booth. Kumuha kami ng 50 pesos ni George. Ahahahaha. Pamatid pagod din ito. Haissst. Mga 1,300 ang kinita ng booth minus 100 para sa share namin ni George beki. Gusto ko sanang manood ng performance ni Christopher at ng buong IV - Brazil pero pagod na ako at may problema pa akong dapat bigyang solusyon. Dahil gulong-gulo ang aking isipan,pumunta ako sa tatay ni Cristina na close friend ko. Pagpunta ko roon, malugod nila akong tinanggap at sinabi ko kay Tito (tawag ko sa tatay ni Cristina) ang problema. Sinabi niya na huwag ko raw pabayaan ang problema kaya naman, bumalik ako sa school at kinausap ko si kuya guard. Sinama ko rin si Grade 9 student na nakawala sa susi ng posas. So ayon, set na ang usapan. Babayaran namin ang susi ng posas. Wala na akong problema.


Gusto ko sanang panoorin ang last at nakakatawang performance ni Christopher pero wala ako sa mood para manood kahit kumonti na ang tao sa covered court. Ang init pa. Ahhhh. I'm so exhausted. Nakabalik ako sa bahay ng 4pm na sobrang pagod. Humiga na ako sa kwarto ko at natulog. Never thinking of the guy I fell in love with. 

13 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon