Epilogue - Day 13: On My Own

118 5 3
                                    

Gumising na ako ng maaga. Dahil ito na ang unang araw na opisyal na ako'y honor student. Masaya ang aking mga magulang sa aking natamong karangalan. Mahirap mang paniwalaan pero sadyang binigay sa'kin ang nararapat sa'kin. Napakasaya ng mood ko ngayon. I was smiling while I'm walking to my school. Sadyang sinusulit ko na ang high school life kasi malapit na akong grumadweyt. Malawak ang aking mga ngiti. Napansin nga ito ni Melissa. 

"Uy, bakit ang saya-saya mo naman? Anong meron?" takang tanong niya.

"Wala. I'm just happy for everything that God gave me everyday." sabi ko kay Melissa. Nanlaki ang mata niya na parang gulat na gulat. 

"Wow! At kailan mo balak maging santo, girl?" 

"Wala 'no. I'm just feeling blessed." ako na ang banal! Wala naman na kaming naging gaanong topic ni Melissa pwera na lang sa honor students at sa walang kamatayang hand-written nobela namin. May bali-balita raw na hindi deserve ng isa naming mga kamag-aral ang pagiging honor student niya. Ako, 50/50 ang say ko sa issue na yon. 50% ng aking utak ang nagsasabing totoo ang issue na yun pero 50% hindi, kasi talented naman ang student na tinutukoy. Nang makarating ako sa school, masayang binati ako ng mga kaklase ko dahil sa honor roll na 'yan. Pati nga rin, facebook, marami ring bumati sa'kin. Mga teachers, relatives and friends. Dahil wala akong magawa, nakipag-usap ako sa mga friends ko sa Brazil. The same pa rin ang mga topics. Honor students, college life at pati ba naman ang lovelife ko, hindi pinatawad! 

"Musta na kayo ni Christopher?" tanong sakin ni Emms, babaeng raketera ng IV - Brazil. Mahilig siyang magtinda at mukhang paubos na ang mga paninda niya. 

"Ha? Bakit naging kami ba?" kunwari'y litong tanong ko. 

"Kunwari ka pa Kristelle, alam naming gusto mo talaga si Chris. Sino ba namang makakatanggi  sa kagwapuhang taglay niya?" sabi sakin ni Emms. Napaisip naman ako ng pwedeng idahilan. 

"Oo. Alam kong hindi ko matatanggi si Chris pero sa tingin niyo ba tamang ako lang ang gagawa ng paraan para mahulog ang loob niya sa'kin? Di ba ang panget? Mas maganda kung siya yung lalapit sakin." litanya ko sa kanila.

 Napanganga ang mga kaibigan ko. Pumunta na ako sa mga friends ko sa section ko. Wala namang gaanong pinag-usapan, maliban sa college life at mga papuri  sakin. Nagsimula na ang practice namin. Ganon na naman ang proseso, pero ngayon, mauuna kaming mga may honor. Hehehehehe. Matapos ang mahaba naming pagtayo, pinakanta na kami ng kung ano-anong mga ka-chenes-ang nagaganap. Umupo na kami. Siyempre, may kaunting pagbabago sa pagbibigay ng diploma. Mauuna kaming mga honor students, sunod ang mga homo-typed na sections tapos next na bibigyan ng diploma ang IV - Brazil at pinakahuli ang pinakamamahal kong IV - Austria. Matagal pa ang hihintayin namin bago ang break. Simpleng tinitititigan ko si Chris at nahuli niya akong tumititig sa kanya. Kumaway siya sa'kin at kumaway din ako sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya. Shit, muntikan nang nalaglag ang panty ko. Kristelle! Maghunos dili ka! Huwag kang harot!  sabi ng inner goddess ko.  I know he chuckled when I waved back to him at natapos na ang moment namin ng kinalabit siya ng isa sa kaklase niya. Matapos nito, break time na! Sabay kami ni Lizza na kumain sa canteen. Pagkatapos nito, lumabas din kami. Nakita ko ang grupo nina Chris na parang pinagkakaguluhan ang sound system. Hinayaan na lang namin siya ni Lizza. 

"Uy be. Bilhin mo ang product na to ha," binigay niya sakin na ineendorse niyang product. 

"At kailan ka pa naging model ng mantika?" sabi ko sa kanya. Sobrang ganda ng posing niya kahit mantika ang inendorse niyang produkto. 

"Ngayon-ngayon lang." ngiting sabi niya. 

"Kung ako sa'yo, hatakin mo na si Christopher sa modeling mo---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, inunahan na niya ako. 

13 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon