Day 5: Final Examination (Part 2)

111 5 0
                                    

Gumising na ako dahil may exam na naman kami. Nagreview ako kahapon matapos kong pagpantasyahan si Roberts. Ewan ko lang kung may natutunan ba ako sa mga binasa ko kagabi kasi hindi ako gaanong nakaconcentrate. Peace tea. Ang lakas ng tama sa akin ni Roberts. Shit. Nakakainis lang. Sino ba naman kasing hindi ma-fa-fall sa kanya. Eh, kung siya kaya nag-hi sa'yo? Hindi ka ba ma-fa-fall sa kanya? So ayun na nga, gumising na ako nga maaga kahit antok na antok pa ako. Bumaba na ako para kumain at mag-ayos ng everything. Hindi ko na idedetalye kung anong pag-aayos ang ginagawa ko dahil alam ko naman ginagawa niyo rin ito kada umaga tuwing may pasok. Umalis na ako sa bahay at nakasabay ko na naman si Melissa. Pinag-uusapan namin ang nalalapit na Foundation Day.


"Hay, nako, nakakainis, wala namang gagawin sa Foundation Day eh. Maglalaro ka lang naman do'n eh. Kung wala lang sanang attendance eh! At saka, kailangan kong suportahan ang section ko noh. Huling performance na nila 'yon." sabi sa akin ni Melissa. Sumagot naman ako sa mga sinabi niya.


"Buti ka pa nga eh. Manonood ka lang. Ako, magmamanage pa ako ng booth namin. Wala pa kaming gaanong nauumpisahan. Masyadong pabigat ang mga kasama ko. Tapos yung ibang mga president – ay, ewan! Nakaka-stress." sabi ko kay Melissa.


"Ano ba booth niyo?"


"Jail booth."


"Naku, mahihirapan kayo diyan. Sa dami ba naman ng tao sa school natin? Naku, dios mio! Sana makayanan niyo 'yan." sabi ni Melissa. Sana nga magawa namin. Sumakay na kami ng tricycle ni Melissa at nagkwentuhan pa kami. Nagpalit kami ng topic at tungkol naman sa periodical test ang usapan namin. Kinakabahan daw siya sa test kasi hindi daw siya gaanong nagreview. Well, ako naman, sinabi ko sa kanya na nakapagreview ako. Pero hindi ko sinabi na hindi ako nakapagreview nang maayos dahil kay pisting Roberts. Dagdag isyu pa kapag sinabi ko iyon. 


So moving on, nakarating na kami sa school at pumasok na kami sa kanya-kanya naming room. Nagrereview na sila at ako ay nagreview din sa mga nahihirapan na subject. Matapos ang 30 minutes, dumating din ang adviser namin. Nagsimula na ang exam. Nakakapanuyo ang test. Ang sakit na ng likod ko matapos kong tapusin ang unang test. Kinuha ko na ang pangalawang exam. Nangangawit na ang pwet ko nang matapos ko ang pangalawang test. Nag-bell na. So ibig sabihin, recess na. Tinawag na naman ako ni Summer. Lumapit ako sa kanya at tinanong niya ang tungkol kay Christopher.


"Totoo ba yung nababalitaan ko tungkol kay Christopher?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. Tinanong pa iya ulit kung naka-move on na raw ba ako. Hindi rin ako nakasagot sa tanong niya.Pinaka-ayoko talaga sa lahat ang nagiging hot seat. Kainis lan oh. Inamin ko kay Summer na may crush ako kay Christopher. Tapos sabi niya na gagawin niya ang lahat para daw maging kami. Wow. That escalated so quickly. Saktong pasok naman ni Christopher. Si Summer din ang pakay niya. Iniwasan ko siya ng tingin. Nagulat na lang ako ng bigla akong tinawag ni Summer. 


"Oh my gosh! Kristelle, ito nga pala si Christopher bestfriend ko. Christopher, ito nga pala si Kristelle." Nagkamayan kami at nakaramdam ako ng kuryente. Basta yung feeling na sumakit ang palad mo na parang may tinutusok na ewan. Basta ang weird ng feeling. Nagtagal ito ng 10-20 minutes or 30 minutes. Basta gano'n katagal. Natapos na ang recess. Kinuha ko na ang pangatlong exam. Sobrang saya ko nang matapos ko na ang lahat ng test.Kumain na ako with my friend Louise. Napag-usapan namin ang nobela namin. Tinatanong kasi niya kung makukuha ba namin iyon. Sabi ko sa kanya, tatanungin ko si Ma'am mamaya. Inubos na namin ang pagkain namin at hinintay na niya ako. Bumaba ako at tinanong ko iyon kay ma'am at sabi niya ibibigay niya raw ito. Umakyat na ako at inannounce ko ito sa IV - Austria.


"Mga nobela people, ibabalik daw yung mga nobela natin! Mga next week." 


"Enebeyen. Next week pa." sabi ni George na halatang kakatapos lang lumandi .Tss. Ang haliparot ng bakla eh. Inirapan ko lang siya. Sinabi ko naman iyon kay Louise. Habang ako ay nakikipag-usap kay Louise, nakita ko na naman siya at papalapit siya sa pwesto ko. Tinapos ko na ang pakikipag-usap kay Louise. Naglakad na ako papunta sa room ng IV - Brazil. Tumingin ako sa likod at sinusundan niya ako. Pumasok ako sa room ng IV -Brazil kasi pinapatawag ako ng Journalism adviser namin. Bumati na naman siya akin.


"Hi, Kristelle."Nagcecelebrate ang aking inner goddess. Naghihiyawan na ang aking mga obaryo sa isang simpleng hi niya. Nakaramdam ako ng kuryente all over my body. Lumingon ako sa kanya at ngumiti siya. Shocks. Nakakain-love ang mga ngiti niya. I fell to his charms already. Bumati rin ako sa kanya. 

"Hello!" Alam na naman ng madlang pipol ang bwiset na lovelife ko. TAENA. May nang-aasar sa akin sa IV - Brazil. Peace tea. Nakakainis lang. Hindi nila lubayan ang lovelife ko. Hindi tuloy ako nakaconcentrate sa mga sinabi ni Ma'am. Kaya tinanong ko si Diego. Sabi ni Diego, siya daw ang gagawa ng lahat. Taga-edit lang daw ako ng article. Oh, well. Matapos nito, umuwi na ako at hindi na umalis sa aking isipan ang lahat ng mga nangyari kanina.


Author's note: Dahil may nagrequest, kaya nag-update ako ng 13 Days of Love. So thank you po sa walang sawang support sa 13 Days! Thank you. Pakibasa na rin ang iba ko pang stories, nasa profile ko lang. Salamat! :) ^_^ 

13 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon