Day 12: The Announcement

59 4 0
                                    

Gumising ako ng maaga kasi ngayon na ang big announcement. This is it! Ito na ang araw na pinakahinihintay ko at ng lahat. Ang announcement ng honor students. Pumasok na ako ng school na may ngiti sa mukha ko. Pagkapasok ko ng school, ang ganda ng aura ko. OMG! Nakita ko siyang nag-aayos ng upuan. Ang gentleman niya talaga! OMG! Pumunta ako sa IV - Brazil para pag-usapan naming mga magkakaibigan ang tungkol sa magiging college life namin. Iba-iba kami ng paaralang pinasukan. Matapos nito, nagsimula na ang praktis ng graduation. At dahil diyan, huli na naman kami. Habang nagprapractice kami, hindi ko mapigilang tumingin kay Chris. Ang pogi niya talaga. He is so hawwttt. May pakanta-kanta chenes pa kaming nalalaman sa graduation. Andaming kanta; may national anthem, may doxology at iba pang kanta. Nakakapagod kayang kumanta tapos nakatayo pa. Matapos nito, nagsimula na rin ang bigayan ng "diploma" kuno namin. Eh, dahil pilot section kami, kami ang mahuhuli. Natunaw na yung pwet ko sa upuan, hindi pa namin natatanggap ang aming inaasam na diploma. Matapos nito, tinawag na ang pangalan ng section namin. Sa wakas, nakuha na namin ang aming diploma! Matapos nito, may break time kami. Sabay kaming kumain ni Lizza. Hindi kasi sumabay samin si George, may bagong "boyfriend" na naman ang bakla. 

"Beh, pakain ng baon mo ah." sabi ni Lizza sakin. Sanay na ako na lagi kaming hati ni Lizza sa pagkain. Busy kasi siya sa pagiging model niya. Why "underground model" ang tawag ko sa kanya? Kasi mga small modeling agency ang pinapasukan niya at hindi sikat ang mga modeling agency. May mga copies siya ng mga minodel niyang produkto pero ayaw niyang ipakita kaya pagod na pagod talaga siya at wala na siyang time para mag-ayos ng pagkain sa sarili niya. Thank God, makakagraduate na siya. Tahimik lang kaming kumain. Matapos nito, nag-usap na kami ni Lizza. Close friend ko si Lizza. 

"Beh, sana kasama ka sa honor student." yan ang sabi niya. 

"Oo nga. Umaasa din ako beh. Pero, may side din ako na ayaw na niyang umasa." sagot ko sa kanya. Tumango-tango ako sa kanya. 

"Beh, kamusta na lovelife mo?" tanong ni Lizza. Sobrang busy kasi niya eh sa pagmomodel kaya siya nahuhuli sa balita. 

"Ito umaasa pa rin." sabay titig kay Chris. Ang pogi niya talaga. Hindi ko malilimutan yung halik niya sa pisngi ko nung prom. XD 

"Hay naku be, if I were you, patuloy na magpapakita ako ng motibbo sa kanya." sabi ni Lizza. Alam kong tama yung point pero...

"Hindi pa ba sapat na alam niya na may gusto ako sa kanya? Okay na ako dun." sabi ko kay Lizza. Umiling-iling siya at sinabi sa akin ang advice niya. 

"Hindi. What I mean is.. did you eat lunch with him? Di ba hindi? So, kailangan dapat, bigyan mo siya ng mga hindi makakalimutang mga experience para nang sa gayon, ligawan ka niya at hindi ikaw ang manliligaw sa kanya. Di ba?" Tumpak! Tama nga si Lizza pero hindi ba ako magmumukhang desperado nun? 

"Uy, baka mag-mukha naman akong desperada kapag ginawa ko yun." sabi ko sa kanya. Umiling siya.

"No, kaya nasasabi mo yan kasi hindi mo pa nata-try. Natatakot ka kasi. Just like me, dati, takot akong mag-modeling. Ngayon, kinasanayan ko na. Siyempre, sa umpisa may doubt at takot ka pa. Kapag na-try mo na, mawawala din yan." Na-touch ako sa mga nasabi ni Lizza. She's my one true friend. Talagang umaalalay siya sa'kin kapag nahihirapan ako o di kaya may problema ako. Naiiyak na ako kasi malapit na kaming grumaduate. Niyakap ko siya.

"Sa tingin ko ba sobrang late ko nang nagmahal para sa kanya kaya naging ganito yung mga sinabi mo?" maluha-luhang sabi ko sa kanya. 

"Bakit ka umiiyak? Hindi. Wala sa oras iyan kung magmamahal ka ng isang tao. Kundi nasa dinaramdam mo yan kapag nagmahal ka. Shhh. Tahan na." inalo na ako ni Lizza. 

"Thanks, be." 

"You're welcome." 

Matapos kaming magdrama, bumalik na kami sa venue ng practice namin ng graduation. Nagsalita na ang aming butihing principal. Nanahimik ang lahat ng mga 4th year na naroon na sa venue. Naiiyak na ako. Ito na ata ang anouncement ng honor students. 

"Magandang umaga sa inyong lahat. Narito na sa aking mga kamay ang 10 mag-aaral na siyang nagkamit ng mga karangalan." naghiyawan ang lahat ng mga estudyante. Nanlamig ako. Ina-announce na ang 8th Honorable Mention. 

"The 8th Honorable Mention is no other than George Cruz." tumalon-talon si bakla. May patalon-talon pang nalalaman. Ang drama talaga ng bakla but I'm happy for him. That's why I love him so much. Okay, fast forward to 3rd Honorable Mention kasi wala naman na akong paki. 

"The 3rd Honorable Mention is no other than...." may pa-suspense effect pang nalalaman ang principal namin. Kinakabahan ako. Sana ako na nga, it's me. it's me. it's me. 

"Kristelle Diaz!" tumalon-talon ako sa tuwa. Umakyat na ako ng stage at nakipagkamayan na ako sa butihin naming principal. Nakita ko ring tumalon si Christopher. Oh may gash, is this true? Tumalon siya para sa'kin. Masaya siya para sa'kin! Nakakakilig naman si Chris. Matapos nito, kumpleto na kaming honor students. Habang bumabalik sa dati naming pwesto, binati niya ako. 

"Congrats." bati niya sa'kin. OWMAYGASHKLFDSKJFGKLDSNGKLGSDFJGKLDFJZ. Kinikilig ako. 

"Thanks." ngiting sagot ko sa kanya. Nakaayos na ang upuan naming honor students. Nakaupo ako at hindi ko inaasahang magkatapat kami ng upuan. OMAYGASH. Nakakakilig naman. Tapos pinapaypayan pa niya ako ng pamaypay sa likod ko. Kinikilig ako. Hihihihi. Ang ganda talaga ng mood ko ngayon kapag nandiyan siya. Nakakakilig. Umiikot lang ang mundo ko kay Chris kapag nandiyan siya. Siya lang ang nagbibigay ng kulay ng buhay ko. Emeeeeeeeeeeee. Kinikilig ako. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang mga araw ng buhay ko. Ang mapalapit sa kanya. 


Nota Bene:

Ito na yung update sa 13 Days With Him! Isang chapter na lang at malapit nang mamaalam sina Chris at Kristelle. Pakibasa na rin yung iba kong stories! Salamat! :D  

13 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon