CHAPTER 1

374 17 0
                                    

"Okay ka lang"

Agad na itinigil ni lea ang pagkakamot sa kanyang exposed na mga balikat saka nginitian ang isang kapwa bridesmaid nya.

"Yeah, I'm okay.Medyo makati lang nag kaunti itong gown natin"

"Oo nga, eh.Pero kung ako sa iyo, huwag mo nalang masyadong intindihin. Kasi baka bago pa mag simula ang seremonya ng kasal, pantal-pantal kana. Sayang ,ang ganda pa naman ng balat mo.Siguradong madaling mahahalata iyan sa mga picture."

Agad na ibinaba nya ang mga kamay.Ayaw yata nyang magmukhang hinalabos na sugpi sa kasal ng kanyang paboritong pinsan. Kasal iyon ni Rob, ang cousin nya na hapon ngunit minahal nang husto ang Pilipinas.kaya hindi na nakapagtatakang doon na ito nakapag-asawa. ulilang lubos na ito at sa kanilang pamilya na lumaki since magkapatid ang ina nito at ang kanyang ama. Pero dala ng pagiging abala sa negosyong kanyang mga magulang, sya na lamang ang nakadalo sa okasyon iyon.

Ayos lang iyon sa kanya. atleast, makakagalaw sya nang malaya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging mahipit sa kanya ang mga magulang nya. Nalaman kasi ng mga ito na malaki ang nagastos nya sa pagpa-party at pagsa-shopping nang nagdaang buwan.

Ano magagawa nya? Sa talagang iyon ang tanging therapy nya pagkatapos nilang mag-breakng herodes na boyfriend nyang hapon na halos isang taondin nya nakarelasyon, ang akala nga nya ay ito na ang magdadala sa kanya sa harap ng altar bago ang kanyang birthday tatlong linggo mula nang araw na iyon.pero ma ibang babae pala ito at talagang ipinagmalaki pa sa kanya ang pagiging "Pure Blood" nito

Peste!! kung hindi lng purong espanyol din ang kanyang ama,mga lolo at lola pati na rin ang paboritong pinsan nyang si rob.baka tinaniman na nya ng atomic bomb ang buong spain..


Vote

Comment

Share

My Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon