Sa Wedding parin ng pinsan ni Lea hahaha
----------------Chapter 4: Meet Mr.Muhlach
Naisip niyang patulan ang kalokohan ng mga ito.
"Mayaman ba?" tanong niya
"May rancho siya sa Bulacan at dalawang yate" sagot ni Gerard "Mansiyon din ang bahay niya. Okay na ba ang mga yon?"
"And he's still single?" hindi makapaniwalang tanong niya "Hindi kaya berde ang dugo niya?!
Ngunit bago pa makasagot ang mga ito ay nakita niyang biglang nagkagulo sa loob ng simbahan. Dumating na pala ang bride. Umeksena na ang wedding coordinator at pinaghanda ang lahat. Siya naman ay pumila na sa dulo ng aisle kasama ang ibang bridesmaids. Hindi nakaligtas sa kanyang pinsan ang napakasayang ekspresyon sa guwapong mukha ng kanyang pinsan habang pinagmamasdan nito ang bride nito
"I'm happy for you,coz"
Tumugtog na ang wedding march pero wala parin ang partner niya. Hindi na bale, kaya pa rin naman niyang mqg-shine sa okasyon iyon nang siya lang mag-isa
"Aga, Sir, dito po kayo"
Aga? Paglingon niya upang tingnan sana ang lalaki ipinagmamalaki ng grupo ng kanyang pinsan ay tumama ang mukha niya sa isang katawan (taba kasi hahaha charrot macho po)
"Oops. 'Sorry," narinig niyang hingi ng paumanhin nito.
Mabuti na lang at naalalayan siya ng mga braso nito. Kung hindi, malamang ay natumba siya dahil saglit din siyang nahilo dahil sa pagkakasalpok ng mukha niya sa katawan nito. When she looked up, she was greeted by one of the most handsome faces she had ever seen ib her entire life (wohoo.. English hahahahah)
He had light brown hair, golden brown complexion and a model- type body ( oi oi...model type daw hahaha charr)
Sa kabila ng kulay nito ay kitang-kita pa rin ang pamumula ng makinis na mga pisngi nito. To put it simply, the guy was certified beach hunk.
Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa nang pumuwesto ito sa linya ng mga groomsmen. Nahalata yata nito ang ginawa niyang pagmamasid dito dahil nilingon siya nito.
"Yes?" sabi nito
"Are you Aga?"
"Yeah, why?"
Mula hanggang paa niyang pinasadahan ito ng tingin
"You don't look gay to me"
Gumuhit ang pagkainis sa gwapong mukha nito. Ganunpaman, wala naman siyang naramdamang threat mula rito kaya nanatili lang siya sa kanyang kinakatayuan.
Hinarap siya nito ng tuluyan "Bakit mo naman nasabing miyembro ako ng third sex?"
"Naisip ko lang. Nasabi kasi ng mga kaibigan mo na ikaw na lang ang nag-iisang single sa kanila"sagot niya
"At palatandaan na iyon na iba ang sexual preference ko?" sabi nito na medyo na iinis na
"Well, wala ka naman dapat ikahiya kung sakaling gay ka nga. Sa japan, sa bansa namin, maluwag ka naming tatanggapin."
"I'm not gay" matigas na wika nito
"Sure. Kasi, hindi bagay sayo kung sakali."
"Thank you," nakangiting wika nito. Nabaling ang atensyon nito sa likuran kung saan ito nakaharap. "She's the prettiest bride I've ever seen."
Hindi niya alam kung guniguni lang niya iyon pero nakita niyang tila naglaho ang kislap sa mga mata nito habang pinagmamasdan nito ang bride. Nang mapansin marahil nito na pianagmamasdan niya ito ay bahagya siyang tinanguan nito saka umayos na sa pwesto nito.
Nagsimula na silang magmartsa sa aisle sa saliw ng wedding march.
Habang naglalakad siya ay naiisip niya si Aga. Naiintriga sya rito. He looked like he was hurting or something. Lihim na pianagmasdan niya ito. Despite his broken aura, he was still the most handsome single guy inside the church.
P.s Sorry guys kung sa tagalan sa pag update ngayon ko lang kasi nakita toh at nag ka phone
P.p.s isang star naman jan at comment para alam ko kung mag uupdate pa ba ako
Enjoy love you guys
BINABASA MO ANG
My Fake Husband
Non-FictionI won't Let you go that has been my promise since I fell in love with you