Imagination

44 0 0
                                    

Ano oras na kaya? Nakahiga pa rin ako sa higaan ko. Sumanib na naman sakin yung katamaran ko, yung nakatingin ka lang sa kisame tapos biglang maraming papasok sa isip mo.

Bakit kaya bilog ang mundo?

Bakit blue ang langit?

Bat nadapa yung sisiw?

Minsan matatawa ka na lang sa mga iniisip mo.

"Ley? Gising ka na ba ? Tara almusal na tayo"

Narinig ko sa baba, siguro si mama yun. Tuloy pa rin ako sa imagination ko, Bat ganun? Bat ganto? Bat pagdating sa pagmamahal masasaktan ka? Diba?

"Haaaaaaaaaaa!"

Okay napahikab na ko. Tapos eto nanaman parang naiisip ko nanaman na magkasama kami ng boyfriend ko este EX na pala. Eh kasi naman 2 beses ko na siya nahuli na may kasama siyang babae , nung una pinagbigyan ko siya dahil naniwala ako sa mga dahilan niya tapos , Aba! nung pangalawa ko silang nakita naglalampungan pa. Kainis lang. Hindi naman maiiwasang magselos diba? Hay nako! Pero alam ko naman na may feelings pa ako dun. Bat ba kasi kailangan maging TANGA sa pag ibig eh.

Ramdam ko na yung kaluluwa ng kasipagan ko, Makatayo na nga. Syempre maghihilamos muna ako tapos mag aayos na ko ng higaan ko. Malamang kanina pa ko hinihintay nila mama sa baba.

Pagkababa ko , para akong nakapatay ng 20 ipis dahil lahat sila nakatingin sakin, Nakasando at short naman kasi ako diba? Tingin ako sa oras, 7:00am na pala . Infairness maaga gising ko.

"Oh anak, kumain ka na oh. Niluto ko mga paborito niyo ng kapatid mo"

Paborito ko naman kasi Itlog tapos Pancit Canton eh. Mas bet ko gantong pagkain kaysa sa sosyalin , tapos yung sa kapatid ko hotdog at ham. Bongga diba?

"Thank You Ma"

yun na lang naisagot ko. Linggo ngayon kaya walang pasok .

Mag 1year & 3months na sana kami. Kaso wala, Nauna hinala ko kaysa sa paliwanag niya , To see is to believe naman diba ? Siya ang nasa isip ko ngayon. Kung sakaling suyuin niya ko tapos .... tapos ....

"HUY! PHONE MO NAGRIRING!"

Nagising diwa ko bigla. Binigay ng pinsan ko yung phone ko.

*Mia Calling*

"Hello? "

"Hey bes! Libre ka ngayon? Tara gala tayo tapos simba na rin tayo"

"Okay lang bes. Ano oras tayo gora?"

"4:00 pm. Ano? Go tayo?"

"Sige. Go tayo bes. "

"Seeya bye labyu muah!"

"Labyu too muah!"

May lakad ulit kami mamaya ng bestfriend ko :D Buti na lang magsisimba kami may dahilan ako kila mama .

Paubos na yung kinakain ko. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana namin.

"Ano lutang ka pa Ley?"

Panira talaga tong pinsan ko. Eh mas trip kong maging ganto ngayon parang naiisip ko lahat ng gusto ko. Peace of mind ba.

"Ha? Ah... Wala wala. "

"Sabi nila Tita, mamamasyal daw tayo nextweek sa Baguio. Gusto mo?"

"Ah. Okay lang"

Yun na lang naisagot ko. Eh ikaw kaya? Kausapin mo yung taong lutang diba?

Oo nga pala. May lakad kami ni Mia ngayon. Nasan ba si mama? Magpapaalan na nga ako.

"Ma! Nasan ka?"

"Bakit? Nasa kusina ako"

Tinatamad akong tumayo sa kinauupuan ko, Tamad na tamad talaga ako pag nandito ako sa bahay.

"Magsisimba kami ni Mia ngayon! Baka gumala na rin kami"

"Okay lang anak. Basta magiingat lang kayo"

Wow ngayon lang ulit nagsabi si mama ng ganyang ka ikling salita.

Dati...

"San ka nanaman pupunta? Baka gabihin ka nanaman umuwi ah."

"Umuwi ka ng maaga ah dapat 5pm nandito ka na"

Nye nye nye. Ganun Hahaha Pero siguro dahil I'm 17 years old na. Mag 18 na ako sa December. Tatanda nanaman ako kaya tanggap ko naman.
•••
Nandito ulit ako sa kwarto, habang nakikinig sa Linkin Park. Yeah! I like rock pati na rin Paramore. Pop din gusto ko, basta! Music lover din ako.

Nagpost ako sa Twitter.

Boredom.

Buti pa tong Twitter pwede mong kausapin. Tapos lipat naman sa facebook.

May nag chat.

Hayley please talk to me..

Inex ko nga. Pwede wag ngayon? Lilibangin ko na lang sarili ko.

Almost 3pm na pala , magkikita pa kami ni Mia. Makapag ayos na nga.

*1 msg received*

Hi bes. Seeyou in 1 hour. Okay?

From: Mia

Ipupusta ko ng maaga to. Buti pa to hindi Filipino Time, pero minsan Japanese Time, laging advance ng 1 hour.

Tinext ko siya.

"Okay bes. Seeyou muah"

Message Sent!

Nakatingin ako sa isang picture dito sa kwarto ko. Tatlo kami nila Mia.

"Hay kamusta na kaya si Dylan?"

ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon