Nag dedate kami ngayon ni Paul, binilhan niya ako ng paborito kong pagkain. Ice cream, Donut and Shawarma. Nandito kami ngayon sa Favorite place namin, kung saan dito kami palaging pumupunta.
"May susunduin lang ako Ley ah?"
Um-Oo na lang ako, sino kaya susunduin nun? Hay nevermind.
Humiga na lang ako then I look at the sky. Feeling ko nasa heaven na ako, ang sarap ng simoy ng hangin.
(a/n Tigil tigilan yung pagkakatol Hailey)
Maya maya, dumating na si Paul at may kasama siyang babae, nakakapit sa braso niya.
Hindi ako tumayo sa kinahihigaan ko, parang nakakaramdam na ako ng sakit.
"Hailey siya nga pala --- Girlfriend ko"
Tangina.
Ha? Panaginip? Tssss. Panaginip lang pala. Bat hanggang dun nadadala yung taong yun este hayop na yun.
(a/n Bitter)
Natural na sakin yun no? Hay. Bat ba kasi napakababaero ng mga lalaki? Bat ba kasi hindi sila marunong makuntento sa isang tao? Gusto pa dalawa o tatlo? Ang lalandi.
*56 msg received*
Puro kay Paul lahat yung text. Ano pa bang sasabihin nito? Wala!
Dinelete ko lahat ng message niya pero may nabasa akong ibang pangalan sa inbox ko.
Hey, 2pm uwi mo ngayon diba? Let's go somewhere pretty please?
From: Dylan
5am palang pala. Ang aga kong magising, nawala na antok ko pero ayoko pa tumayo sa kinahihigaan ko. Magrereply na lang ako kay Dylan.
Sure. I'll text you later
To: Dylan
*Message sent!*
Nabwibwiset talaga ako sa panaginip ko. Sign na talaga na wag ko ng babalikan si Paul. Para saan pa yung effort na ginawa niya? Tsss . Alam ko namang mahal niya ko pero ang landi niya.
Oo, sobrang galit ako sa malandi. Yung nanliligaw nga kay Mia nun eh. Nakita ko sa Luneta Park na may ka holding hands, inaway ko talaga kahit ang daming tao. Buti hindi sinagot ni Mia kung Oo panigurado mararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.
Galit, sakit at inis sa sarili. Ganun pala ang epekto ng naloko.
Gusto ko ng kausap, ayoko si simi simi baka mabaliw lang ako. Si Mia maaga pasok nun, magkaiba kami ng school eh.
Ay alam ko na!
*Calling Cmate.Patricia*
"Hello beks!"
"He-hello?"
"Ay! Nasira ko ata pagtulog mo. Sorry"
"Aga aga naman kasi, ano ba problema mo sa buhay mo ah?"
"Gusto ko kasi ng kausap, punta ka dito ngayon please? Magdala ka na lang pamasok mo mamaya."
"As in ngayon? May panis na laway pa ako dito"
"Hahaha. Malamang mag aayos ka muna abnormal"
"Osige sige. Kung hindi lang kita mahal ---"
"Oy hindi tayo talo. Magayos ka na, dito ka na rin kumain"
"Sige na, text na lang kita"
"Sige thank you bye"
*Call ended*
Hihintayin ko muna dumating si Patricia bago ako bumangon dito.
•••
"8am na , hindi ba kayo malelate sa klase niyo?" Narinig ko na si mama sa baba."Pababa na po kami ma!"
Ako na yung unang bumaba, nagulat na lang ako sa kasama ni Mama.
"Wha-what are you doing here? Diba sabi mo mamaya pang 2pm?"
"Pwede naman siguro makipagkwentuhan kay Tita ng ganitong kaaga diba?" and he smile.
"Oh okay"
"Sisteeeeer!"
Bumaba na rin si Patricia sa hagdan at tumingin kay Dylan.
"Sis sino naman yang Hottie na lalaking yan?"
"Siya si Dylan. Siya yung kinekwento ko sayo"
"Ahhh. Ang gwapo pala tala-"
Tinakpan ko yung bibig niya. Ang daldal din talaga nitong baklitang to.
"So let's go"
"Thank you sa kwentuhan Tita, til' next time po ulit"
"Sige, ingat kayo."
Nakipagbeso na ako kay mama.
"Ang gwapo niya naman. Swerte mo pag nakipagbalikan sayo yan"
"Shatap. Patrick"
"Who's Patrick aber?"
"Ako ata?" Sarcasm na sabi ko.
Nandito na kami sa kotse ni Dylan. Sa sobrang friendly ni Patricia kinakausap niya si Dylan. Syempre si Dylan kinakausap niya rin si Patricia kaya ang kinalabasan Out of Place ako. Ang saya diba?
"Alam mo bang nagbreak sila ni Paul at Hailey? Ayy"
Napatingin ako ng masama sa kanya. Kailangan pati yun ikwekwento niya kay Dylan? Nakakahiya tuloy.
Nakangiti si Dylan, parang mas pabor pa sa kanya yun.
"Nandito na tayo. So study hard guys. Haha"
"Thank you for the ride pogi Hihi"
Parang sira to . Syempre close na sila parang sila ang magbestfriend . Bestfriend agad diba? Hahaha.
"Hailey, mayang 2pm ha? Sunduin kita" Ngumiti siya sakin.
Ang hilig niya magpacute. Pero infairness ang gwapo niya talaga . Hay erase erase erase
"Oo sige, Thank you"
Umalis na rin si Dylan.
Naglalakad na kami ni Patricia. Biglang may nagsalita sa likod namin.
"Uhm Hailey I need to talk to you, Gusto ko lang ng maayos na usapan."
"Para saan pa? Para saktan ang bestfriend ko? No way! Kung ako sayo wag mo n-"
"Okay lang Sis, kakausapin ko ng matino"
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko, kahit na sinaktan niya ako. Haaay bahala na.

BINABASA MO ANG
Chance
Teen FictionLahat tayo nagbibigay ng chance para sa taong na minsan nagkamali . Eh pano kung pauulit ulit ang ginawa? Mapapatawad mo pa ba? Eh sa taong biglang bumalik para lang tuparin ang pangakong binitawan? Pagbibigyan mo ba? Ako nga pala si Hailey Ashton...