"Tama ba magbigay ng chance para sa taong minsan na magkamali?"
"Sa School nyo.."
Eto ako ngayon. Kausap ko si Simi simi, diba? Hanggang sa kanya tinatanong ko kung tama. Kaso wala akong makukuha sa kanya, mababaliw lang ako .
"Ateeeeeeee! Tawag ka ni Papa! May sasabihin ata."
"Sige saglit lang."
Alam mo yung pormahang pambahay? Para akong narape ng dahil sa buhok ko. Pero syempre 101% Virgin pa ako .
Pababa na ako ng hagdan. Habang sila nakaharap sa computer dahil ka cam to cam nila si Papa.
Hindi kasi ako Papa's Girl kaya hindi kami masyadong close ni Papa. Nagtratrabaho siya ngayon sa Canada at dun na siya nakapagtayo ng Business .
"Asan na si Hailey? May sasabihin lang ako"
"Oh andito ka na pala Ley, kanina ka pa hinahanap ng papa mo"
Umupo na ako sa harap ng computer para makita ako ni Papa . Gwapong nilalang din to si Papa, maganda din si mama. Kaya nakapaglabas din sila ng napakagandang nilalang na katulad ko.
(Hailey, you can talk to your papa na. Tama na yung mga pinagiisip mo. Sobra na)
"Hi Hailey, how are you? Tama nga mama mo, dalaga ka na talaga."
Matagal na din kami hindi nakakapag usap ni papa, siguro 6months ganun. Sobrang busy din naman ako sa school tapos siya nagtratrabaho para saamin.
"I'm okay pa, ikaw jan pa? Bat hindi ka na lang umuwi dito para sama sama tayo"
"Hindi ko pwede iwan ang business dito natin anak, Eto lang ang pag asa natin"
Sabagay, tama naman si papa.
"Do you want to manage our business Hailey? Papapuntahin kita dito pag naka graduate ka na sa Senior High School mo"
What?! Pano mga pangarap ko? Pano yung bonding namin ni Mia? Pano si Paul? Feeling ko sa narinig ko kay papa parang kukunin niya lahat ng kasiyahan ko.
"Uhhm, Let me think pa."
Yun na lang nasabi ko.
"It's alright Hailey , Alam ko naman na pag iisipan mo yung offer ko. Kaya sinabi ko na rin sayo habang maaga pa. Nasa 1st year ka na ng Senior High School"
Mahaba habang panahon para pag isipan ko yung sinabi ni papa, Laking Pilipinas naman kasi ako. I have only 1 & half years to think that offer.
"Uhm sige po pa, mag aayos lang po muna ako ng gamit ko. Papasok pa po ako"
"Sure anak , mag iingat ka palagi jan . I love you"
"Kayo din po , I love you din pa"
Tuesday ngayon. Accountancy schedule namin kaya dapat 1:00pm nasa Thomas Jefferson na ako. Pangalan ng School ko yan.
10am pa lang pala. Masyado pang maaga kaya manonood muna ako ng Episode ng One Piece.
Yes! One Piece lover ako. Gomu gomu noooooo! Chareng Hahaha
•••
It's already 12noon na. Nakaligo na ako at nakaayos na rin mga gamit ko. Ready to go na ako. Actually 30mins lang ang byahe kung hindi traffic. Kaya aagahan ko na."Ley! May tao sa labas. Sundo mo ata"
May sundo ako? Si Paul ata yun. Wow ang effort talaga niya. Ayaw niya na talaga ako mawala diba? Sana naman tuloy tuloy na itoooo.
Tumakbo na ako pababa. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat atsaka lumabas.
Hindi ko inexpect yung nakita kong tao ngayon, siya yung taong laging kasama din namin ni Mia.
"Hi Leeeeeey! Kamusta ka na? I missed you. May pasok ka pala ngayon, Sige hatid na kita"
Feeling ko parang ayaw ko na pumasok , ay ano ka ba Hailey Ashton. You need to study hard. Ang OA ko diba? Pero syempre joke lng yun .
"Kailan ka pa dumating dito Dylan?"
"Saturday"
•••Hi guys! My very very first story. Actually matagal ko na gusto gumawa . Hahaha I hope you enjoy my story. First timer lang talaga ako. Okay! Godbless

BINABASA MO ANG
Chance
أدب المراهقينLahat tayo nagbibigay ng chance para sa taong na minsan nagkamali . Eh pano kung pauulit ulit ang ginawa? Mapapatawad mo pa ba? Eh sa taong biglang bumalik para lang tuparin ang pangakong binitawan? Pagbibigyan mo ba? Ako nga pala si Hailey Ashton...