See is to believe

2 0 0
                                    

"3 points for Dela Rosa"

Nandito ako ngayon sa Court namin sa school. Laro nila Paul ngayon kaya nanonood ako, actually he don't know na nandito ako. Nagdahilan kasi ako na pupunta kami ng Baguio kahit sa Sunday pa yun Hahaha wala lang gusto ko lang siya sorpresahin.

*1msg received*

Hey Hailey, nagset ako ng gala natin nila Dylan para sa Friday. Shet! Na surprise ako nung pumunta siya dito sa bahay. Basta ah! Friday bes.

From: Mia

Speaking of Dylan, I really missed him pero hindi pwede kasi may boyfriend ako, siguro as a friend na lang. Dahil nga marami kaming memories.

"Huy! Nandito ka pala friend. Akala ko ba pupunta ka sa Baguio?"

Si Jane, isa din siya sa close kong classmate. Hindi ko nga lang siya madalas makasama dahil sobrang busy talaga siyang tao, top student siya sa room namin.

"Ah - eh Sa Sunday pa talaga yun eh."

"Ah Gusto mo siya sorpresahin no?"

"Exactly" Nagsmile na lang ako.

3....2....1......

*Eeeeeeeeeeeng*

Panalo sila Paul , 89 - 73 score at ang MVP ay si Paul . Akalain mo kahit di siya captain lagi siyang MVP sa team nila .

Siguro lapitan ko na lang si Paul tapos yayain ko na rin siya mag dinner? Okay na yun.

Nang papalapit ako. Parang biglang kumulo dugo ko na ewan, hindi talaga maganda yung nakikita ko. May nagpupunas sa kanya ng towel?! At akalain mong nakahawak pa siya sa beywang ng babae? Ganto ba ginagawa niya pag alam niyang wala ako?

"Great work Lions!"

"Nice Game Guys!"

Naririnig ko sa team nila Paul. Pero nakatutok lang ang atensyon ko sa kanilang dalawa? At aba! May kiss sa forehead pa. How sweet naman.

"Hi Mr. Dela Rosa, Congratulations sa game niyo! At oo nga pala. Stay strong sa inyong dalawa."

"Ha-Hailey I thought you were ---"

"I'm sorry Paul. Ayoko na, ayoko na talagang magpakatanga, ayoko na please tigilan mo na ako kung sasaktan mo lang din ako." Umiiyak na ako this time

Nakatingin na lahat ng tao saamin, pero wala akong pakeelam. 3times na to, ayoko na. I already give him a chance, it's already enough.

Nilapitan na ako ni Patricia at ni Jane para umalis na ako sa pwesto ko.

"Please Hailey, let me---"

"Wag mo nang hintayin kumuha ng kutsilyo sa canteen to. Kukunin ko lang din naman at baka ako na sumaksak sayo."

Napaka sarcastic din nito ni Patricia, buti pa to. Kaya nga gusto ko maging friend ang gay dahil alam kong kaya ka nilang ipagtanggol sa ganitong sitwasyon.

"Let's go na girl, akala mo matino . May pa effort effort ka pang nalalaman sa kanya , che !"

Nakita ko mukha ni Paul, parang wala lang sa kanya. Para lang siya sinesermunan ng nanay pero hindi nakikinig. Habang ako, depressed na talaga as in suko na ako sa pang gagago niya sakin.

Inaalalayan nila akong dalawa palabas ng gym namin. Iyak ako ng iyak habang kinekwento ko sa kanila yung nakita ko kanina.

"Dapat pala sa simula pa lang di mo na sinagot, babaero din pala yung hayop na yun"

Medyo kumalma na ako kaya gusto na umuwi.

"Thank you guys. I just want to go home na. "

"Sige hatid ka na namin ni Jane sis"

"Hindi okay lang, gusto ko lang naman makapag isa"

"Sure ka teh ah ? Basta mag iingat ka."

"Ingat ka Hailey"
•••
Naglalakad ako ngayon mag isa sa isang kalsada. Walang nadaan kaya talagang tahimik talaga.

Nagulat ako biglang nag ring yung phone ko. Alam mo yung feeling na nasa tahimik kang lugar tapos biglang may tutunog? Mini heart attack.

*Calling Unknown*

Sino kaya to? Sinagot ko na lang din.

"He-hello? Sino to?"

"It's me Dylan. Where are you now?"

"Pauwi na. Bakit?"

"Where exactly are you now?"

Iniisip ko kung kanino niya nakuha yung number ko, baka siguro kinuba niya kay Mia.

"Hailey?"

"Ha? Ay. Nasa Rose st. na ako"

"Wala ka ata sa sarili ngayon, wait for me okay?"

"Wag n-"

Bigla niya ng binaba. Ganto talaga tong Buang na to, hindi ka pa tapos magsalita bigla kang puputulin.

Wala pang 5mins dumating na siya, nakamotor kasi . Agad siyang bumaba at pinuntahan ako sa kinauupuan ko sa park.

"Hey, what's wrong? Are you okay?"

"I'm fine. Just nothing"

"Look it's already 11pm . Hindi ka pa nauwi sa inyo, baka nag aalala na si tita sayo nyan"

"Eh ikaw kasi eh, pauwi na kasi ako tapos sabihin mo hintayin kita tapos sasabihin mo di pa ko nau-"

Tingnan mo to, ayaw talaga ako patapusin nito.

"Sorry Hahaha, I'm just concerned. So what's the true reason eh"

3 beses pa lang kami nagkikita ni Dylan pero feeling ko parang ang tagal na namin magkasama. Sinasabi niya palagi na aagawin niya talaga ako kay Paul , mas gwapo siya dun, mas attractive daw siya. Totoo naman Hihihi.

"I'm okay. Iuwi mo na lang kaya ako diba?"

"Okay, tara na"

Wala pang 5mins nandito na kami sa tapat ng bahay, nakaabang si mama.

"Anak ginabi ka na ng uwi, bat hindi ka kasi nagpaalam. Teka si Dylan ba yan? Ang laki ng pinagbago mo nak"

Mula nung umuwi dito si Dylan sa Pinas, hindi pa nakikita ni mama, kaya ayan.

"Magandang gabi Tita. Hinatid ko lang po si Hailey"

"Dito ka muna anak, anong oras na rin naman"

"Hindi na po ta, next time na lang din po. Sige po alis na din po ako."

"Ah sige ingat ka Dylan ".

"Thank you JD ah, ingat ka"

JD ? Nickname niya , John Dylan yung pangalan niya kaya pinaikli ko na rin

After umalis ni JD at kausapin ni mama, nagpalit na rin ako ng pantulog na nagpahinga na rin ako , napagod din ako ngayong araw .

At ngayon ko lang napagtanto na I am officially Single.

ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon