"Uhm Hailey I need to talk to you, Gusto ko lang ng maayos na usapan."
Makikipag usap ako ngayon kay Paul, actually hindi pa talaga ako move on. I know that I still have feelings for him.
Dinala ako ni Paul sa rooftop kung saan walang tao.
Nakatingin ako sa view kung saan makikita yung mga bundok.
"I just want to say sorry, alam kong sobra kitang nasaktan"
Kalmado lang akong nakikinig sa kanya. Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap sa likod.
"I'm very sorry"
Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin.
"You know? Diretsyuhin mo na nga ako. Ano ba gusto mo? Ayoko na makipaglokohan dito."
"Ju-just give me another chance, I pro-"
Chance? Ilang beses niya ako niloko tapos chance pa? Ganto ba talaga mga lalaki?
"No. No Ayoko na. We're done, pagod na ko . Please"
Pagkaharap ko sa kanya, umiiyak siya. Wow umiiyak nga siya. Ano to drama? Telenovela lang? Tss.
"Pumasok na tayo sa klase, pero..."
Pinunasan niya muna yung luha niya bago niya nasabi ang sasabihin niya.
"Pero pwede ba tayong maging friends?"
Friends? Hmmm. Parang ang awkward naman nun. Ex mo friend mo? Tsss no way.
"Okay"
Bat yun yung nasagot ko? Para akong sira.
"Okay lang talaga sayo?"
Nanigurado pa tong mokong to. Tumingin ako sa orasan at.... 9:30am na!!! Hala. Sobrang late na ako.
"Oo na. Sige na. Takte! Late na ako dahil sayo. Alis na ko"
"Oh sorry, sige na pasok ka na."
"Ikaw?" Ano na nga bang pakeelam ko. Wala na kami
"Di ako papasok. Thank you"
Hindi ko na tinanong kung bakit basta late na ako.
Tumakbo na ako papunta sa room namin kung saan science subject namin and masungit ang teacher namin dun.
Tumingin ako phone ko, puro missed call ni Patricia.
"Hay bwisit .... ngayon lang ako nalate ng ganto"
Kinakasap ko nanaman sarili ko. Ganto na ba ako kabaliw? Hanggang sa makarating na ako sa room na wala ng..... tao.
"Hala? Nasan na sila? Itetext ko na lang si Patricia"
"Gaga! Cut ang klase"
Halos tumalon yung puso ko sa gulat. San lumitaw tong baklang to?
"Grabe ka naman! Para kang nakakita ng panget"
"Nakakita talaga ako. Ginulat pa nga ako eh"
"Tse! Oh kamusta pag uusap niyo nung manloloko? Nakikipagbalikan ba?"
"Actually Oo, pero sabi ko ayaw ko na"
Kinwento ko na lahat sa kanya, namiss ko sa kanya si Mia. Hay, buti na lang magkikita kami bukas nun.
"Ano oras next class natin?"
"Ay teh? Nakalimutan mo agad? Cut nga ang klase"
"Bat ba na cut?"
"Malay ko, basta tuwang tuwa lang kami. "
Sabagay October na kaya wala masyadong ginagawa. Parang Junior Highschool lang din pala to, hay sarap mag highschool.
Nandito kami sa field ngayon. May mga naglalaro ng soccer dito, tapos parang may napansin ako.
Si Dylan ba yun ?
Tinitigan ko nga, gwapo, killer smile tapos gray ang buhok. Oo nga! Siya nga.
"Sister oh! Si Dylan pala marunong magsoccer?"
Napansin niya pala yun. Teka? Alam na alam yung mukha ah? Kanina lang naman sila nagkita -_-
Marunong siya magsoccer since nung mga bata pa kami. Naging varsity nga siya nung elementary eh.
"Dylaaaaaaaaaaaan!"
Hala tinawag niya? Gaga to oh . Napatingin si Dylan at ngumiti, nakakatunaw nung ngiti niya. Mas gwapo talaga siya kay Paul. Hala nababaliw na talaga ako , 3 months rule Hailey 3 months rule .
Lumapit si Dylan kahit na naglalaro sila, tumingin nga lahat ng player samin eh -_-
"Buti cut klase niyo no? Ano tara?"
"Teka? Bat ka nandito? " Nakakapagtaka naman diba?
"Niyaya ako ng mga tropa ko, syempre namiss din nila ako kaya naglaro ako"
"Dito talaga sa school namin?"
"Nagpaalam naman sila eh"
"Pare . Pagod ka na ba? O... Si-siya yung kinekwento mo sakin pre?"
Hindi ko siya kilala pero parang matagal na sila magkakilala ni Dylan.
"Oy Peter. She's Hailey and Patricia. Siya nga yung kinekwento ko sayo"
Tumingin si Peter kay Patricia, parang alam ko iniisip nito.
"Seriously pre?"
"Hahahahahahaha!"
Tumawa kaming lahat maliban kay Dylan, hindi niya pa ata mareach yung tinutukoy ni Peter Hahaha.
"Hindi ako ah. Eto oh! Katabi ko, masyado naman akong maganda"
"Ay hindi ba? Sorry. Nagbibiro lang naman ako"
"Wala ka pa rin talagang pagbabago pre . Hahaha Hindi ko nagets yun"
Abnormal din eh no. Pero sa mga sandaling ito parang I feel comfortable. I feel have no problem. I wish na nandito si Mia para malaman niya na masaya ako
Were Finally Done, Nagbreak kami ng maayos. All I need is to move on.
BINABASA MO ANG
Chance
Teen FictionLahat tayo nagbibigay ng chance para sa taong na minsan nagkamali . Eh pano kung pauulit ulit ang ginawa? Mapapatawad mo pa ba? Eh sa taong biglang bumalik para lang tuparin ang pangakong binitawan? Pagbibigyan mo ba? Ako nga pala si Hailey Ashton...