Back to normal?

13 0 0
                                    

"Class Dismissed"

Nagring na yung bell, Hay salamat naman . Muntik nanaman ako makatulog sa discussion ng Math teacher namin.

"Huy ! Sister kamusta naman? May naghahanap sayo sa labas"

Siya si Patricia este Patrick pala. Beki kasi siya. Siya yung pinaka una kong naging close dito sa room. Actually siya yung pinaka first na beki na naging friend ko sa buong buhay ko.

"Ha? Si Paul?"

Sino si Paul? Ay. Hindi ko pa napapakilala sa inyo. Sabihin ko muna kung pano kami nagkakilala

Ehem ehem

[Flashback]
Before 2years.

(Late ako sa klase nun. Kaya naalala ko Hahaha)

Nagmamadali na ako hanggang sa papasok ng school .

"Hindi ko mahanap ID ko. Nasan na kaya yun? .......... Aray!"

May bumangga saking lalaki. Grabe ah! Ang laki na ng daanan tapos babangga pa!.

"Ay sorry miss. Nagmamadali din kasi ako"

Sabay pasok sa gate.

Sarap niyang.. Argghh! Kalma Ley . Pumasok ka na ! Late na late eh.
•••

Recess na! Nandito kami sa Canteen ngayon. Nakain ako ngayon ng Piattos na green.

Biglang may kumalabit sakin.

"Teka ikaw yung..."

"Uhhm Sorry kung hindi na ako nakapagsorry kanina ng maayos, Ako pala si Paul Jacob Dela Rosa. Varsity ako dito sa school, nalate kasi ako kanina."

[Flashforward]

Tumango si Patricia.

"Ayokong lumabas" Eh sa ayaw kong makita talaga.

"Dito siya gagawa ng eksena . Sige ka!"

"Teh. may kasama siya tropapits dun sa outside"

Sa totoo lang, dito ako nahawa sa taglish na pinagsasabi nila . Lakas talaga maka influence eh Hahaha

"Wala akong pakeelam , bahala sila jan" Pag mamaang - maangan ko

Maya maya may pumasok na ibang estudyante sa room namin tapos.... Si...... Watda? Seryoso? Gagawin niya talaga?

Yung mga inaasahan kong di niya kayang gawin? Ginawa niya!

Sing & Dance ampeg! Parang nanghaharana pero nasayaw .

(Yung totoo Ley? Parehas lang yung sinabi mo . Inlove ka lang kaya ganyan ka)

"Rare yung ganyang lalaki Hailey"

"Pogi talaga mg Boyfriend mo Ashton."

"Kung pwedeng siya na lang boyfriend ko eh . Forever ko na siya."

Jusko. Landi talaga nito ni Vannesa , sarap hambalusin ng blackboard. Aba Forever pa nais, WALANG GANUN.

Pero grabe unexpected tong ginawa ni Paul ah. I think I need to talk to him.

"Hailey Ashton , Please can I be with you again? Give me a chance . Alam kong nasaktan ka sa nakita mo nung mga nakaraang araw. I do this for you , I really love you."

"Yieeeeeeeeeeeee"

Ang daming tao dito sa classroom namin. Grabe! Nahihiya tuloy ako. Grabe talaga! Goooooooood Thank you dahil naghulog ka ng gantong lalaki sa buhay ko. As in Asdgnmsvsubsjanlbal yung feelings ko.

"Anong sagot mo Hailey?"

Tila may dumaang anghel. Lahat sila tumahimik, hinihintay nila sagot ko. Ano kaya kung sabihin kong HINDI? Dismayado siguro mga mukha nito Hahaha.

"Uhmmmm."

Hindi ko malabas yung sasabihin ko.

"Papatagalin mo pa ba Ashton?"

"Say yes na! "

"Suportado namin kayo Guys"

"PauLey couple again Hahahaha"

Natawa ako sa PauLey na yun. Okay Ley! Focus ka sa isasagot mo sa kanya. I really appreciate the Effort , dun pa lang bibigay na ako. Gwapo at Varsity Player sa Basketball dito sa school namin.

Back to normal kaya kami? Siguro lahat ng tao talaga pwedeng magbago diba? Epekto ng pagnood ng telenovela.

Mag 1year & 3 months na kami. Syempre sayang yung pinagsamahan namin kung aayaw ako diba ?

Baka naman kasi gawin niya nanaman yung mga ayaw ko . Ay *Erase* yun , think positive na hindi niya na gagawin yun.

"MY GHAAAAD. KINIKILIG AKO SA INYOOOOO."

"Mabuhay PauLey Yey!"

Eto ako ngayon. Nakayakap ako sa kanya. Ibinulong ko na lang sa tenga niya ang inaasam niyang sagot kong OO.

The way he smile, the way he look at me. I really love him.

ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon