🖋️ Truelove 🖋️

1 0 0
                                    


Learn to forgive about something and forget about it. Learn to love yourself before others.

" Ay Hala, talaga ba trisha? Love yourself? Seryoso Yang post mo? Eh Hindi mo nga magawa gawa Yan sa sarili mo eh choskoo, bat Kasi naghahabo- nvm." Natahimik naman ako sa sinabi ni angie

Totoo naman kasi, hindi ko na magawang mahalin sarili ko dahil naibigay ko na lahat yon kay Dave, Eh sa Mahal ko eh. Naalala ko naman sya Kaya napangiti na naman ako, he's my source of happiness.

" Oh ayan, naisip mo naman kaya pangingiti ngiti ka d'yan hayy Ewan ko nalang sayo Trisha basta sinasabi ko sayo magtira ka para sa sarili mo" niyakap ko naman sya dahil sa sinabi nya. " Opo tatandaan ko yan, Alam ko namang Mahal na Mahal moko angie eh kaya support moko lagi, labyou best."

She's Angie my cousin and bestfriend, a childhood friends.

" Hanapan nalang din Kita ng ka date sa Feb. 14 Angie haha, para naman di'ka OP samin ni Dave." Tinarayan Lang ako nang gaga aba, umaatitude na naman. Malapit na din Kasi Valentine's day, isang lingo nalang kyaaah naeexcite ako. Kasama ko na Naman boyfie ko.

" Duhh thanks but no thanks, matutulog nalang ako nyan." Tinatamad nyang saad " oh anong oras na? Di'ba pupuntahan mo pa yong boyfriend mo.? Saka ko lang naalala yong oras.

"Ay hala oo nga pala, sige angie una na ako ah. Wag mona ako antayin sa hapunan baka magdate na din kami ni Dave hihi loveyou." Sabay kiss ko sa pisnge nya nagmamadaling umalis

Nakarating ako sa meeting place namin ni Dave, lugar Kung saan una kaming nagkita. Kinikilig pa din ako kapag naalala ko yon.

Pero naabutan ko na may kausap syang babae sa cellphone, Hindi nya  ako napansin dahil nakatalikod sya sakin

At rinig ko pang sinabi nyang 'babe' sa kausap nya, nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero pilit kong pinipigilan ito.

"Dave?" Pagtawag ko sa kanya, Dali Dali Naman nyang pinatay yong tawag.

"Trish?" Kanina kapa d'yan?" Parang kinakabahan nyang tanong " Ah Hindi kararating ko lang din, sorry pinag-antay ata Kita" abot-langit Yong ngiting ibinigay ko sa kanya.

Alam kong mahal nya ako, at ako lang nag-iisang Mahal nya. At Alam kong ako Lang din ang nakakaalam non

" Nauna lang siguro ako ng konti sayo, imissyou Trish."  Sabay yakap nya sakin, Kaya Niyakap ko na din sya pabalik choosy  paba ako.

" Mas namiss Kita dave, netong nakaraan sobrang busy mo Kasi." Natawa naman sya sa sinabi ko at piningot ang ilong..

" Busy ako Kasi para sa future natin yon, tsaka Wala ka'bang tiwala sakin? Lagi mo lang tandaan na Mahal na mahal kita at ikaw Lang mamahalin ko pangako Yan trish."

" Pangako Yan ah? Panghahawakan ko talaga Yan dave, syempre may tiwala ako sayo. Mahal na Mahal din Kita dave." At dumampi ang malambot nyang labi sa labi ko, ang halik nyang hindi ko pagsasawaan.

Buong araw kaming nagkasama kahit saan, binalik balikan ang mga lugar kung saan kami dati tumatambay habang nililigawan palang nya ako.

" Thank you Dave, sobrang saya ko ngayong araw na kasama kita. Sana Hindi kana magiging busy sa mga susunod na araw." Pinisil na naman nya Yong ilong ko amp.

" Masaya din ako Trish, pangako  tatapusin ko lang mga kailangan kong gawin ket araw araw pa tayo magkasama, igagala naman kkta sa lugar na hindi mo pa napuntahan."

"Pangako Yan ah."

Lahat ng mga pangako nya ay pinanghahawakan ko, na nawa'y Hindi mapako. Pero nagkamali ako, mga ilang araw simula nong nagkasama kami bigla nalang sya nanlamig sa akin SA hindi ko Alam na dahilan.

Wala Naman akong ginawang mali, sa naalala ko ako pa Yong oras oras tumatawag at nagtetext sa kanya.

" Oh ano ghinost kana Naman? Puntahan mo na yan sa bahay nila trish, Hindi Yong mukha kang baliw d'yan." Nag-thankyou ako Kay Angie bago umalis..

Pero ang naabutan ko sa labas palang ng bahay nila ay, hindi ko kayang tingnan. Dave bakit? Nahahalikan? Nagyayakapan? Matinong jowa ba yan?

"Dave?" Hindi ko na napigilan kaya sinugod ko na silang dalawa " WALANGHIYAA KANG BABAE KA, PUMAPATOL KA SA MAY JOWA T*NG*NA KA LECHEE KANG MALANDI KA." gigil na gigil talaga ako Kaya sinabunutan ko na Yong babae nya, Ang kapal NG mukha nya. " TRISH STOP IT! Nasasaktan na si Trixie" napatigil Naman ako dahil sa sigaw ni Dave sakin

Nagsiunahan ng tumulo yong luha, natatawa ako dahil waw mas pinagtanggol pa nya Yong babae nya kesa sakin anggaling naman.

" Ano Dave? Mas pagtatanggol mo pa talaga sya kesa sakin? Ano eto ba kinabubusyhan mo?"

" Let's break Up trish"

Biglang gumuho Ang mundo ko sa binitawang salita ni Dave. Akala ko ba Mahal nya ako? Nagpromise pa sya sakin, ano yon joke?

"Biro Lang yan dba Dave? Ano bang nagawa ko? Yong mga promise mo? Yong magksama tayo Wala Lang ba sayo yon?" Pagtatanong ko sa kanya kahit Alam ko na Yong sagot

" Sorry" yon Lang naisagot nya sabay alis kasama Yong babae nya. Napaupo naman ako dahil sa panghihina at doon na umiyak.

" Yan na nga ba sinasabi ko sayo Trish eh, binabalaan na Kita Kaya hindi ko sya gusto para sayo. At alam kong Alam mo na, na dati palang may iba na yang si Dave ayaw mo Lang Kasi tanggapin." Pag-aalo sakin ni Angie

" Ano ba Trish tama na sa pag-iyak, Hindi nya deserved Ang mga luha mo. Tahan na, you deserved someone better Yong pahahalagahan ka at kayang suklian Ang pagmamahal mo." Mas Lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni jarah, isang bestfriend ko.

Pinapangako ko sa sarili ko na huling iyak ko na yon Kay Dave. Mamahalin ko nalang yong sarili, buoin ko ulit eto.

Promises are meant to be broken, thats why  sometimes don't trust too much.

Dahil sa nangyari na lesson learned na din para sakin, marami akong narealize at natutunan. This time it's time to love myself.

Naicelebrate ko pa din Yong Valentine's day, kasama mga bestfriend ko. I'm still happy, siguro nga Kaya d kami pinaabot ng valentines day ni Dave Kasi Hindi talaga kami Yong para sa isa't Isa.

And now I'm totally happy with my new happiness, new boyfriend Nathan. Ibang iba Kay Dave, feel ko talaga Yong pagmamahal nya sakin, dahil lagi syang nag eeffort for me just to make me happy.

" And Think of the future Trish which is me instead of worrying and thinking about your past, you'know I'm getting jelous here damn." Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nya

Napayakap nalang ako sa kanya dahil SA Wala akong masabi, damn I'm so lucky to have him.

Truelove can wait and it's worth it, if your willing to wait. And I'm happy to tell you that I already found mine, and that's Nathan.

END.............

🖋️ CHIE 🖋️

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon