A/N;Pagpasensyahan niyo na if may mga error kayo na nababasa, hindi pa kasi ito naeedit kaya ganun but i'll try my best to fix it thanks!
This is work of fiction. All the name that are in this story was from my own mind. If you find out that it has similarity in real life or in other story, i didn't mean that.
Plagiarism is a crime so please DO NOT copy or adapt any scenes, story titles, name and lines.
This installment has sensitive topics please allow the characters and the theme to progress. Enjoy reading!
— SIMULA
They said isa sa masayang parte ng buhay ng tao ay mapunta sa langit, dahil tanging saya lang ang mararamdaman mo hindi katulad sa mga taga lupa na kung ano-anong problema ang nararanasan mo, ako nga pala si adeline patay na ako dahil sa isabg aksidente
Isa lang akong anak kaya mas nasasaktan ako sa nangyari dahil alam kung lubos na nasasaktan si Mommy sa nangyari sakin pero kapag oras mo na talaga oras mo na.
Masaya naman manirahan dito sa paraiso dahil kasama ko ang mga kaibigan kong namayapa na katulad ko, mga kamag-anak ko.
Kung inaakala mong isa akong mabait, mahinhin na anghel pwes nagkakamali ka, ako lang naman ang ubod ng likot dito kung saan dahilan para mainis sa akin si Pinuno. Si pinuno ang nakakatandang anghel sa amin kung saan siya ang nagbibigay ng misyon sa mga kapwa ko anghel, hindi pa ako nagkakaroon ng misyon pero hephep ayaw kong magkaroon ng misyon dahil parang gusto ko ng mamatay kahit patay na rin ako.
" Adeline, tawag ka ni Pinuno, parang galit yata " narinig ko namang tawag ni Bianca ang pangalan ko, si Bianca ay kaedad ko lang kaya naging magbestfriend kami dito sa paraiso.
" May ginawa ka na naman 'no Adeline? " Sabi ulit sakin ni Bianca habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi saken ni Bianca, alam ko namang sesermunan na naman ako ni Pinuno, ano bang magagawa niya eh ganto talaga ugali ko.
" Adeline naririnig mo ba ako? "
" Hoy Adeline!!"
" Adeline, diyan na si Pinuno yari ka " agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa tenga at umasta na parang inosente, nakita kong papalapit si Pinuno kung saan ako nakatayo.
" Adeline "
" Yes po Pinuno " sagot ko naman
" Ginawa mo ulit yung kasalan mo kahapon, ilang beses ko bang sasabihin sayo Adeline na wag na wag kang maglalaro sa ulap, lumalabas ka na naman dito "
Wala namang mali dun ah, nakipaglaro lang naman ako sa mga ulap at tsaka yung mga kapwa anghel ko pinangbato ko ng ulap, eh hindi naman masakit yun ah
" Ano po kase pinuno uh- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Pinuno
" Dahil diyan may parusa kana " nanlaki ang mga mata namin ni Bianca nang marinig ang sinabi ni Pinuno, parusa? Arghhh
Ha? Hatdog parusa nahh, hindi maari ako si Adeline at tsaka walang parusa pagdating saken noh.
" Pinuno, magpapaliwanag po ako " sabi ko naman sabay lapit kay pinuno
" Hindi mo na kailangang magpaliwanag adeline, nakailang paliwanag kana, mga 100 plus na nga diba at dahil sa ubod ng likot mo bibigyan ka na ng parusa, hindi naman sa parusa pero ito ang pinakamahirap na misyon "
Parusa daw tas naging misyon aba tanga kausap ni Pinuno ah, kaloka toh ha.
" MISYON? HAAAAAAAAAAA? " sigaw ko habang nakatakip ang kamay ko sa tenga, ang pinakakatakutan ko misyon, eh ayaw ko na nga dibang bumalik sa mundo ng mga tao dahil nasasaktan lang ako, paano toh? Paano tulungan niyo naman kase ako parang di friends ah.
BINABASA MO ANG
Spy Of Tomorrow
RomanceAdeline Claire Rovale is a naughty angel where she is lowered into the sky to do her first mission in the world of humans, until she meets a man with whom she mass would like to be with and never return to where she came from.