PANG-PITONG TALA

7 0 0
                                    

"Are you okay? May masakit ba sayo?"

Dahan-dahan akong kumilos at ilang na nagpa-alalay sa kanyang tumayo. Agad kong inayos ang sarili ko at umatras ng kaunti. Hindi ko sya makita dahil sobrang dilim na ng paligid.

"May sugat ka ba? Wala bang tumama sa ulo mo?"

Naramdaman kong bahagya niyang hinaplos ang ulo ko pero inalis nya rin iyon agad. Dahilan para mas mapa-atras ako. Niyakap ko rin ang sarili ko dahil alam kong nadagdagan ng punit ang damit ko ngayon. Kung nakikita lang niya ako ng malinaw, malamang pagkamalan niya kong isang buwang walang ligo. kaasar!

"O-okay lang ako. S-sino ka?" Tanong ko habang pilit paring inaaninag ang itsura niya. The only thing I can see is the blue shirt he's wearing.

"D-don't worry. I'm harmless. I won't hurt you"

Napatulala ako ng marining siyang magsalita ng ingles. If he's speaking the same language as I, then definitely tama nga ang sinabi ni Acarya. This place is like the earth.

"I was asking for your name" Muli kong banggit sa kanya.

"I'm Gab-

"And how did you see me? How did you know I'm here?" Medyo kinabahan ako. Madilim na ang paligid at malayo ang kakahuyang ito sa mga kabahayan at mga taong nakita ko kanina. And it's impossible that he's just wandering around this place. Ano hobby niya maglakad sa dilim kasama ng mga damo at ahas? He might have been looking out for me kanina pa, I guess? Ang creepy.

"So-sorry. Actually, we were-

"See? Nauutal ka. Ano may balak ka ba saking masama? Gusto mo sumigaw ako dito?"

"What?"

"Alam mo wala kang mapapala sakin. Wala akong dalang yaman dito, may leukemia ako, niloko ako ng boyfriend ko at higit sa lahat, muntik na kong patayin ng sarili kong kapatid. Kung dadagdag ka pa sa malas ng buhay ko, aba maawa ka naman sakin!"

I'm trying to make him feel bad. But seriously, natatakot ako. Kasi out of nowhere, biglang may sumulpot na tao. Diba? Ano pa bang maiisip ko eh ahas lang naman ang ineexpect kong pwedeng kumain sakin ng buhay dito!

"Really? Are you serious? I was just tryin to help"

"Who knows? Malay ko ba kung may iba ka pang motive. As if I can read minds like Acarya."

"Look. I just tried to save you sa kung anuman yang humahabol sayo. H-hindi ka ba magpapasalamat?"

Ramdam ko ang pagtaas at pagtataka sa boses niya. 

"You thinking I'm a rapist?" Mas lalo siyang nagtaas ng boses.

Dahil madilim naman ang paligid, sinubukan kong umupo ng bahagya at mangapa ng kung anumang pwede kong maitusok sa mata niya in case na kumilos siya ng kaduda-duda. Trust issues. Yun ngang may liwanag, naloko ako. Ngayon pa kayang madilim? Not anymore!

"You're unbelievable!" Sabi niya ng wala siyang nakuhang sagot mula sakin. "Sa tingin mo kung hindi ako dumating, edi kung ano na sigurong nangyari sayo dyan. Why can you just thank me and say you're glad I've came--

"Excuse me? Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Obvious na obvious na napipilitan ka lang tumulong."

"Gabriel? Gabriel!"

I suddenly stopped.

Narinig ko mula sa malayo na may paparating na tao. Nakita ko ang dala niyang lampara na tanging liwanag na naaninag ko ngayon. 

"Gabriel nasan ka na ba? Kanina ka pa namin hinahan-- Gabriel, ikaw ba yan?"

Nang makarating siya malapit sa kinatatayuan namin, agad akong umatras at bahagyang nagtago sa likod ng mayabong na damo. Nahiya ako bigla. Para kasing pamilyar yung boses niya at isa sya sa mga taong nandun kanina sa bukid kung saan ako nagising.

Soul of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon