PANG-APAT NA TALA

11 0 0
                                    

Tandang-tanda ko pa kung paano ko pinagsusunog lahat ng mga gamit na binigay sa akin ni William noon. Wala akong tinira. I was crying a lot that I can hardly see the things I picked up. Pati ata mga personal kong gamit ay naisama ko sa mga nasunog ko nung gabing 'yun. Hindi ko nga rin alam kung bakit kailangan ko pang sunugin lahat ng 'yun kung napag-desisyunan ko din namang aalis ako.

Iniwan ko sa kwarto lahat ng atm at passbook ng mga joint accounts namin ni William. I want him to realize that I can live without his money. Ang sakit-sakit. Nanlalambot ako habang bumababa ng hagdan buhat ang mga gamit ko. Nauubusan na ata ako ng tubig sa katawan dahil sa kaiiyak. Parang kada hakbang ko ay naaalala kong supposedly today is the day that I will treasure forever, the day that I will marry the man of my dreams. Pero biglang nag-iba ang takbo. Sa isang iglap, nawala sa akin lahat.

Gusto kong sumigaw ng malakas pero wala na akong lakas. Gusto kong hintayin si William dito para man lang maka-isa ako ng sampal sa kanya. Gusto ko siyang saktan para kahit papaano makaganti man lang ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong ikikilos ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya at itanong ng paulit-ulit kung paano niya yun nagawa sa akin. I want him to explain to me overnight 'til I get enough reasons to understand him, hanggang sa makakuha ako ng sapat na sagot na magtatanggal lahat ng sakit sa puso ko.

Pero alam kong hindi ko yun kaya. Hindi ko akalain na ganun yun kasakit. At hanggang sa mga oras na ito, hindi nakalimot ang puso ko.

December 15, 2018, I booked a flight going to U.S. May property ako doon na binili sa akin ni Daddy noong gumanda ang takbo ng business niya. Doon ako nagsimula ulit ng buhay. Kahit sobrang hirap. I managed na pagkasyahin lahat ng ipon ko para makapag-simula ulit. Sobrang ilag ako sa mga tao because of the trauma. Ayokong nakikihalubilo sa kahit kanino dahil I knew it would draw me into another set of relationships again. Which I knew would end me up broken once and for all. Nagkaroon ako ng thought na kailangan ko ng protektahan ang sarili ko sa mga tao.

Hindi madaling makalimot. Ang daming beses na gusto ko na lang mawala. There were times I tried to kill myself. I suffered a serious depression that I painfully dealt alone. Ang lungkot-lungkot mag-move on mag-isa but the most painful thing is, kahit anong gawin ko, kahit anong subok ang gawin ko, I still can't forget William. I still can't accept how my sister has stooped down to that level of disowning her family, me as her sister, just for a man. Hindi ko alam kung paano umabot sa ganung point na ang gulo-gulo na.

Sa pag-iisa ko ng ilang taon, naiisip ko madalas na baka kasalanan ko. Masyado ata akong nagpakampante sa pagmamahal nila sa akin. Masyado akong naging masaya and I forgot to prepare for the day kung kailan pwedeng bawiin sa akin lahat.

Ate and William just got married. Sa pagkakatanda ko, ilang buwan akong hindi tinigilan ni William through calls and texts after I flew to the U.S. He even said na gusto niya akong sundan para magpaliwanag sa akin at sabihing ako daw talaga ang mahal niya. Sobrang galit na galit ako sa kanila nung mga time na yun kaya hindi ko siya sinasagot. And then after a year, nabalitaan ko na lang na kasal na sila. Ang galing diba? Mahal niya daw ako pero pinakasalan niya yung ate ko. I was so stupid to think na baka pwede pang maayos ang lahat after kong magpagaling sana because he said na ako talaga ang mahal niya at handa siyang mag-antay sa akin. Ang tanga-tanga ko at umasa ako doon!

November 30 this year, umuwi ako ng Pilipinas. Sinundo ako ni Daddy because he knew from a friend in U.S that I was diagnosed with Leukemia. Yes, sinekreto ko sa kanilang lahat dahil gusto kong mamatay ng payapa. Ayokong malaman nila na napabayaan ko yung sarili ko dahil sa mga ginawa nila sa akin. I don't want them to celebrate because I'm dying.

Pero mapilit ang daddy ko. Umuwi ako ng Pilipinas pero wala akong balak magpakita kahit kanino. Ayoko din magpagamot. I made a deal with dad that I will only go back to Philippines once na pumayag siyang hindi ako magpapagamot. Alam kong masakit kay dad na hayaan lang akong mamatay basta-basta. I said sorry to him dahil I realized na parang nawalan na rin siya ng importansya sa buhay ko. I became so self-centered that I even forget my dad is still here and he wants me alive. Sino nga ba namang magulang ang gustong makitang unti-unting namamatay ang anak niya at wala man lang siyang magawa?

Soul of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon