Chapter 3: First Dare
Taylor Jade's Pov:
Yieeee nandito ako sa mall with my bestie and kambal.
"Bestie, Tyler saan tayo maglalaro?" nilibot ko yung paningin ko para maghanap ng magandang place.
"Uhm sa . . ."
"Aubergine Café nalang tayo" Tyler suggested.
Mukhang di maganda to ah? Aubergine Café- dito lang naman nagme-meet yung mga businessman at businesswoman. Dito sila pumupunta kapag may meeting sila with other company.
"Sige. Tara na!" hinila na ako ni Tyler at Bestie bago pa ako maka-react.
Kung nagtataka kayo kung anong lalaruin namin? TRUTH OR DARE po!
"Game na!" naglabas sila ng dice at nagpataasan kami. Kung sino yung mababa sya yung gagawa ng DARE at yung pangalawang mababa, sya yung sasagot sa TRUTH question. Yung pinakamataas naman, sya yung mag-uutos at magta-tanong.
"Yieee ako ang pinaka mataas hehe" sabi ni Bestie ng tuwang tuwa. Ako binagsakan ng langit at lupa yung itsura.
"Uhm sa Truth muna tayo..." sabi ni bestie na nag-iisip.
"Tyler.. S-sinong crush mo?" tanong ni Bestie kay Tyler. Oo ako ang pinakamababa.
"aahh.. Si ano... Si" pabitin naman tong si Tyler -_____-
"Si-si C-chandelier" buti at nasabi ni Tyler na si Chandelier ang crush nya. Wait si ano daw. . .
"SI CHANDELIER?" apila ko.
"Aish wag ka ng maingay" sabi ni tyler ng namumula yung pisngi. Si bestie naman nagulat ang itsura. Hahaha yieee may loveteam na si kambal.
"O-okay ikaw naman bestie" sabi nya at lumingon sa paligid.
"Nakita mo yung lalaking naka-upo banda sa window?" sabi nya habang nakatingin doon sa lalaki.
"Oh anong meron?" I asked.
"You're going to. . ." sabi nya at binulong sakin yung gagawin ko.
Tinignan ko ulit yung lalaki at pinagmasdan. Clean cut hair, dark brown eyes, proud nose at pinkish lips. Jusko, kawawa naman ako dito huhu.
"Bestie pag umalis na yung kasama lumapit ka na ha? Tapos pag tumayo tsaka mo gawin okay?" tumango-tango nalang ako. Nakakahiya pa man din.
= = =
Chandelier's Pov:Tumayo na si bestie pagka-alis nung mga kasama ni clean cut boy.
"Go bestie. . ." bulong ko sa sarili habang nakatingin kay bestie.
"kawawa naman kambal ko. Tsk! Tsk! Sumalangit nawa ang kawawa nyang kaluluwa" sabi ni Tyler habang nakatingin kay Bestie.
Lumingon ulit ako kay bestie para tignan ang mga gagawin nya. So ngayon ina-antay na lang nya tumayo yung lalaki para magawa na nya yung D. A. R. E.
Pagkatayo nung lalaki, lumundag agad si Bestie. Napatakip ako ng mata sa gulat nung ginawa nya.
"O m g. Maghahanda na akong tumakbo neto" sabi ko sa sarili ko.
Last time kasi na nag TRUTH or DARE kami. Galit na galit yung victim. Pinahabol kami sa guard. Dahil ang bagal ni Bestie tumakbo, ayon nahuli sya. At pinakulong si Bestie. Kawawa nga e. Iyak sya ng iyak non.
"Chan, tignan mo ginagawa nung lalaki oh?" sabi ni Tyler habang nakatingin doon.
"O M G. . ."
~ ~ ~A/N:
Waaahhh ano kayang nangyari kay Taylor? Paki-support naman nung TRUTH or DARE nila. Enjoy reading.
xoxo :*

BINABASA MO ANG
CLINGY GIRLFRIEND
Novela JuvenilTwo person with opposite characters na paglalapitin ng isang DARE. Let see kung paano nila guguluhin ang isa't isa.