Hindi major subjects yung apat na last subject namin kaya di gaanong mahirap.
Kaya nga lang ay minsan lumulutang ang utak ko.
After ng last subject ay nauna ako kina Daehyeon at pumunta ako sa field dala ang gamit ko.
Dumaan na rin ako kanina sa cafeteria para bumili ng snack.
Habang nagmumuni-muni ako ay may tumawag sakin.
"Hoy, Reina Shin!" Tawag niya sakin.
"Grabe, hanggang dito ba naman." Sabi nung isa.
"Dito na nga lang kami napaguusapan dumating ka pa. Nawalan nanaman kami ng papel sa mundong ito."
Sino sila?
Sila yung mga anak nung 6th to 10th families. I mean 7th - 10th lang pala kasi di ko nakita yung isa.
Bakit ko sila kilala?
They were my friends. Actually kaming lahat kasama sina Daehyeon. Magkakaibigan kami mula pagkabata.
Sina Jerome Wang, Julia, Julce &Joyce Rome, Maureen Lee and si Alfred Santos.
Si Jerome Wang ay only child ng ika-pito na wealthiest family.
Si Julia, Julce at Joyce ay ang magkakapatid na Rome, ang ika-walo.
Si Maureen Lee ang only child rin ng ika-siyam.
At si Alfred Santos na bunsong anak ng ika-sampu.
Pero nang umalis ang isa ay sunod-sunod na sila. At ang masakit dahil ako ang naiwan nila. Iniwan nila akong lahat.
Tumayo ako para harapin sila.
Bumaba ako ng bench hanggang sa field.
May mga hawak silang bola at naka-uniform na pang-sports. Mahilig sila sa sports eh.
"Long time no see." Sabi ko pa pero mapait silang natawa.
"Hindi ka na dapat pumunta pa dito." Sabi ni Julia.
"Why not? Kasi para kayong nalalaos sa tuwing kumpleto kaming walo?" Naka-ngising tanong ko.
Hindi naman kasi talaga magka-away ang pamilya namin noon. In fact magkakabarkada pa nga ang parents naming lahat at kami ring mga anak. But then I don't know what happened when they started to treat us like someone else na kaaway nila. Hanggang ngayon naman ay magkakaibigan pa rin ang parents namin pero kami ay hindi na.
Well mula rin nung iwan nila akong lahat ay parang kasabay nun ay ang pagputol nila ng pagkakaibigan namin.
"Ang kapal pa rin ng mukha mo ano?" Sarcastic na tanong ni Joyce.
"Hindi naman kami nalalaos eh sadyang panira ka lang talaga. Pamilya niyo na nga ang most mentioned sa TV pati sa real life eh." Bitter na sabi ni Maureen.
"Kaya kayo nagagalit sakin? Di ba dapat ako pa nga ang magalit sa inyo kasi iniwan niyo ako? Kayo yung makakapal ang mukha. Pagkatapos niyo akong iwan kayo pa itong galit. Wow! Grabe! Bumaliktad yata ang mundo na hindi ko namamalayan." Sagot ko.
Uwian na pero di ko alam kung bakit padami ng padami ang nanonood samin.
"Ang kapal mo!" Sigaw ni Julia at binato sakin ang volleyball na hawak niya pero naiwas ko naman ang sarili pero natamaan pa rin ako sa braso ko natawa pa nga siya.
"Dapat ko bang sirain ang itsura mo? Kasi alam mo, ako yung nasa mataas na modelling agency pero ako itong hindi sumikat eh. Samantalang ikaw na nasa maliit lang na agency sumikat at nahatak mo pa pataas kasama yung agency." Inis na sabi ni Maureen.
YOU ARE READING
The Brat is Dating The Red Flag Guy
FanfictionWhat if, a spoiled brat and the red flag guy dated each other, what would be the consequence? Can there be a good result for the two of them? Or their situation and behavior will only worsen? ~*~*~*~ START: 03.21.22