After some hours ay nakauwi na rin kami.
Sinalubong nila su Lory pero syempre he's tired so pinagpahinga na muna.
And si Ate Leila ay nag-volunteer na siya na ang bahala sa pag-transfer ni Lory. Mabuti nga raw at dinala ni Lory yung mga files na kakailanganin galing sa school sa Japan kaya di na daw mahihirapan pa si Ate.
Ako naman ay matutulog na rin since napagod ako sa pag-da-drive.
Chineck ko muna ulit ang uniforms ko and may mga name tag na iyon sa baba lang ng logo.
Shin, Reina Adelle M.
What a beautiful name isn't it?
Chineck ko rin ang school na papasukan ni Lory and pagaari rin pala iyon ng Kim.
Medyo may kalayuan sa school ko pero madadaanan naman pala namin kaya pwede namin idaan si Lory pagpasok niya if same lang kami ng sched.
Well, same lang naman ang oras ng pasok namin ni Ate Leila eh. Same lang rin ang oras ng uwian.
Ay hindi pala, 6am ang pasok ni Ate Leila and yung sakin is 7am.
Nag-shower lang ako at umidlip na.
PAGGISING ko ay bumaba na ako for dinner. Kumpleto na ulit kami and ang dami ring kwento ni Lory about sa experience niya sa Japan as a student and as a fan.
Dad even gave him a black credit card so he can buy everything he wants and ito namang si Lory ay lalong na-excite. He said na habang hindi pa siya makakapasok ay u-unti-untiin na niya ang pagbili.
He can also sell it din daw but he doesn't want to. It is part of his life na raw kasi and part na rin ng happy memories niya kapag nabili niya ang mga gusto niya.
Dad doesn't give a fuck about money naman. He wants us to be happy while they are still alive pa nga raw.
After some chikahan ay niyaya ko si Lory na mag-night road trip saglit sa Baguio.
There's a night market kasi here in Baguio. There's also some foods rin kaya baka mag- food trip na rin kami.
7pm pa lang naman. Uuwi kami mga 9 or 10pm siguro. Malapit lang naman yun kaya di matagal ang byahe.
Nagdala na rin siya ng camera for memories daw.
Since malamig na sa gabi ay dobleng jacket ang suot ko.
Light brown na hoodie, beige color na trench coat, medyo mas dark na brown na jogging pants and white na ankle boots na walang heels and mini bag lagayan ng wallet ang phones.
Nagpaalam lang kami kina Mama at Papa kanina na aalis saglit at pumayag naman sila.
Hindi ko rin muna gagamitin ang car ko kasi kaka-car wash lang nun kanina nung pag-uwi namin and ayaw ko namang madumi yun bukas ng umaga.
Manghihiram na lang muna siguro ako ng sasakyan kay Dad.
Pagbaba ko ay nasa sala na si Lory, prenteng naka-upo sa sofa habang nagcecellphone. Masyado siyang mahilig sa IG kaya marami rin siyang followers.
Naka-suot siya ng color beige na turtle neck long sleeve, black trench coat, black pants and black converse shoes.
Sa edad niya ay marunong na siya pumorma. Sabi niya ay dahil raw yun sa kaka-kpop niya at kdrama kaya marunong na siya. Pero kahit anong damit naman yata ay babagay sa kaniya kasi gwapo talaga siya at lapitin ng babae kahit na mas matanda pa sa kaniya ng kaunti.
Ako naman ay since model ako marunong na talaga akong mamili ng susuotin. And I also have Pinterest din naman and ang raming magagandang pormahan doon.
"Let's go?" He asked nang makita ako kaya tumango. Tinago naman na niya sa bulsa niya ang cellphone niya.
YOU ARE READING
The Brat is Dating The Red Flag Guy
FanficWhat if, a spoiled brat and the red flag guy dated each other, what would be the consequence? Can there be a good result for the two of them? Or their situation and behavior will only worsen? ~*~*~*~ START: 03.21.22