CHAPTER 15

6 1 0
                                    

Sabado ngayon at plano ko na gawin na ang plano kong pagpunta sa strawberry farm since maganda na talaga ang season ngayon for strawberries.

Naghahanap ako ng pwede kong isuot sa walk-in closet nang may tumawag sakin.

Si Yohan.

Excited naman ako na sinagot yun. Facetime pala kaya nilapag ko muna yung phone ko sa ibabaw nung drawer ng puro alahas ko na nasa gitna lang ng closet ko. Sinandal ko iyon para di matumba at ceiling ang makausap niya.

"Hi! Oh? What are you doing?" Agad na tanong niya nang makitang may hinahanap ako sa mga nakasabit na mga coat at sweater ko.

"Finding some outfits." Sagot ko pero di ko muna nililingon ang phone ko dahil naghahanap nga ako ng ng isusuot.

"Where are you going?" He asked.

"Hmmm. Sa strawberry farm na alam ko. It's strawberries season so I want to pick some fresh strawberries." Sagot ko.

"I'll come with you. I have nothing to do in here naman so sasamahan na lang kita." Sabi niya kaya agad kong kinuha ang phone ko para kausapin siya ng maayos.

Umupo naman ako sa upuan dito sa loob.

"Really? I mean di ka ba napagod? Kakauwi mo lang kahapon galing Barcelona ah. Wala ba kayong gagawin?" I asked.

"Kahapon naman yun di na ngayon. Tsaka wala rin naman na akong gagawin  pa. May makakasama ka ba?" Tanong niya kaya umiling ako. "See? Sasamahan na kita." He said.

"Pero may dadaanan pa ako. May store kasi na pwede akong gumawa ng sarili kong strawberry jam." Sabi ko.

"Hmmm... Okay sasama pa rin ako." He answered.

"Good! I'll hang up na. Maliligo muna ako and magbibihis."

"Okay. Farm ang pupuntahan natin ah. I know how much you love outfits. Pero simple outfit suits you better." Sabi niya bago ko i-off ang tawag niya.

Pagbaba ng tawag ay impit akong tumili at nagtatatalon-talon pa.

Di ko type mag-sweater kaya kumuha na lang ako ng white croptop fitted shirt, black trouser. And I paired it with high cut converse shoes na white. And black denim jacket if lamigin ako later.

Hindi na ako naglagay ng makeup sa mukha ko. Moisturizer lang and then lipbalm naman na nag-iiba ng color.

Kumuha lang ako ng maliit na shoulder bag lagayan ng phone at lipbalm and wallet na rin.

Tapos yung buhok ko ay kinulot ko lang yung ilalim nun.

"Reina, si Yohan nasa baba sinusun–oh pak! Nagkulot siya. Saan date niyo girl at biglaan yata." Pangaasar naman ni Ate Leila.

I'm currently puting a lotion sa skin ko sa arms kasi tapos na sa paa ko.

"Well he called me kasi while I'm picking some clothes and he insisted na he's coming with me na lang daw so may kasama ako." Sabi ko at tumayo na dahil tapos na ako sa lahat ng routines ko.

"Ahh kaya pala. Pareho kayo naka-white. Pinag-usapan niyo ba?" Pangaasar pa nito pero ako naman ay bahagya pang nagulat.

"Hindi ah." Sagot ko at kinuha na yung bag ko.

"Oy! Meant for each other talaga yata kayo. Walang usap usap. Tignan mo may dala rin yun na black jacket eh. Naka-pants rin siya na black. Nagusap talaga yata kayo o sadyang meant to be lang kayo." Sabi pa niya.

"We didn't really talk about it so maybe we are meant to be talaga." Confident pa na sagot ko.

"Sabaok! Yung akin kasi pa-hard to get eh." Sabi niya kaya natawa na lang ako.

The Brat is Dating The Red Flag GuyWhere stories live. Discover now