CHAPTER 10

6 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong yakapin ng lalaking yun at bimitaw agad. Pagkatapos ay umalis na parang walang nangyari.

Nakauwi rin kami and buti na lang dahil naniwala sina Dad at Mama sa palusot ko.

Paguwi ko rin kahapon ay hindi pa tapos kaka-stream si Lory. Pati TV sa sala, sa kwarto ni Ate, sa kwarto nina Mama at lahat ng gadgets na nakikita niyang pwede sa youtube ay ginamit niya.

And nagtagumpay naman daw siya kasi 500M views agad wala pang 24 hours yung MV.

Ngayong araw ay papasok ulit ako. 4am pa lang ay gising na ako. Sabay lang kami ni Ate na nagising.

Pagbaba ko ay may naghahanda na si Nanay Mina ng breakfast namin. Sunod na nagising si Papa at Mama. Si Lory raw ay sinusulit ang tulog kaya baka tanghali na magising.

"Sure ka ba na papasok ka? Hindi ka ba nahihilo?" Tanong ni Mama kaya umiling ako at ngumiti.

Habang nakain ay nagulat kami dahil biglang may nag-doorbell sa labas.

"Ha? Ang aga naman masyado para may pumunta dito. Mag-5am pa lang ah." Takang tanong ni Dad.

"Jungmin Ahn daw po ang pangalan." Sabi nito na ikinagulat ko.

"Jungmin? Naka-uwi na siya? Papasukin mo." Sabi ni Mama. "Kailan pa?"

"Kahapon lang po yata, Ma. Nakita ko siya nung uwian na." Sabi ko kaya napatango siya.

"Hello po. Good morning po." Bati nito na dumiretso sa dinning area.

"Hijo, welcome back!" Lumapit naman si Jungmin kay Mama at nag-mano then nakipag-beso.

"Nakabalik ka na pala di ka manlang dumaan rito kahapon. Sabi kasi ng Mommy mo ay hindi pa raw ngayon ang balik mo." Sabi ni Dad, nagmano naman sa kaniya si Jungmin.

"Sorry po. Nawala kasi sa isip ko and hapon na rin po ako nun naka-uwi dumiretso ako sa K.U" sabi niya kaya tumango naman sina Mama.

"Okay lang. Buti napadalaw ka. Bakit ang aga mo yata?" Tanong nanaman ni Mama.

"Maaga po kasi pasok ko eh. Pareho lang sa oras ng pasok ni Reina so naisip ko po na daanan na lang siya. Para maka-dalaw rin po ako dito." Sabi niya pa.

"Ahh kaya pala. Kumain ka na ba? Kumain ka na muna diyan. Tulog pa si Lory eh. Ikaw na lang muna ang kumain diyan sa tabi ni Reina." Yaya ni Mama kaya nahihiyanh naki-upo na lang rin siya.

"Thank you po." Sabi niya pa kaya umiling si Mama.

"Nako wag ka na mag-thank you. Wag ka rin mahiya, best friends kayong dalawa ni Reina di ba? Lagi ka rin naman na nandito noon kaya sanay na rin kami since wala noon si Lory." Mama said at sinundan pa ng tawa kaya natawa rin si Jungmin.

Nilagyan rin siya ng maid ng pagkain kaya nakikain na rin siya.

After kumain ay may isang oras kalahati pa naman akong natitira para maligo at mag-bihis.

"Diyan ka muna magaayos lang ako. Maaga pa naman eh." Sabi ko kaya tumango siya at binigay ko muna ang remote sa kaniya para manood sa TV.

Agad naman akong naligo at nagbihis ng uniform. And then yung sapatos na suot ko ay may 2.5 inch na taas na Gucci ankle boots na puti. Yung sapatos ko kasi kahapon ay may ilang tulo ng dugo kaya pinalabhan ko.

Tapos yung buhok ko ay ni-braide ko. Dikit anit na braide yata tawag sa ginawa ko. And then nilagyan ko lang ng mga maliliit na designs like flowers at clip. Basta may kaunting design lang ang buhok ko.

Tinignan ko rin kung halata pa ba ang bukol ko and buti na lang kasi hindi na. Mabilis lang kasi na nalagyan ng ice bag kaya nawala na. Naglagay lang ako ng cream kasi may kaunting gasgas, para di rin magiwan ng scar.

Pagkatapos ko mag-ayos ay kinuha ko na yung bag ko na pinalitan ko rin. Napahiran ko kasi ng dugo yung harap nun kaya pilabhan ko rin.

Backpack pa rin naman ang dala ko Chanel nga lang and pink na may white yung color.

Bumaba na rin ako nang makuha ko na yung phone ko na chinarge ko.

"Let's go na." Sabi ko kay Jungmin nang makita siya na naka-abang na.

Sina Mom and Dad ay nanonood ng balita. As usual di nanaman nawawala ang apelyido ng limang pamilya. Triggered nanaman nito sina Julia.

Si Ate ay nakaalis na nung pagkatapos namin kumain.

Hindi dinala ang sasakyan ko dahil sabi ni Jungmin ay ihahatid rin daw niya ako mamaya. 4pm ang dismissal namin eh kaya minsan ay plano ko pumunta sa mall para mag-ikot lang.

Speaking of mall ay pupunta pala ako later sa book store para bumili ng mga coloring materials for my designs sa notes ko.

Paglabas namin ay sumakay na kami sa itim na sedan ni Jungmin.

"Pwede mo ba ako samahan mamaya sa mall pagka-dismissal? May bibilhin lang ako sa national book store." Sabi ko kay Jungmin nang nasa daan na kami.

"Sure. Para makapag-ikot rin ako." Sagot niya kaya ngumiti ako.

Dumaan rin muna kami sa Starbucks kasi di talaga ako makakatulog kapag hindi ako naka-inom ng kahit ano na mayroon sa Starbucks. Strawberry Frappuccino ang lang naman ang inorder ko at ice americano kay Jungmin.

Sinabi ko rin sa kaniya na mamayang lunch break ay pupunta kami ng school ko noon para kunin yung gamit ko sa locker na di ko nakuha last week.

Pagdating sa room ay sinalubong ako ng mga kaklase ko tinatanong kung okay lang ba ako. Nginitian ko lang sila at sinabing okay na okay.

Pagupo ko sa upuan ay ito namang magkapatid ang lumapit.

"May masakit ba sayo? Yung ilong mo baka tumabingi na tangos pa naman. Natamaan ka raw sa tiyan mo ayos ka lang ba? Yung ulo mo? Nahihilo ka ba? Tell me." Nagaalang tanong ni Dayeon.

"Ayos lang ako. Well kanina nakaramdam ng hilo at parang magkakasakit pa ako pero hindi naman natuloy." Nakangiting sagot ko.

Kinapa naman ako ni Daehyeon sa noo at napasinghap siya.

"Tanga! Sinisinat ka eh. Tara sa infirmary uminom ka ng gamot." Sabi ni Daehyeon na ikinagulat ko.

"Ha?" Kinapa ko ang noo at leeg ko at hinawakan ko rin ang noo ni Dayeon and confirm, may sinat nga ako.

"Tara sasamahan ka na namin." Sabi ni Dayeon at pinatayo na ako.

Palabas na kami nang may makasalubong kami na mukhang kaklase pa yata namin.

*Pak!*

Napasinghap ako nang marinig ang malakas at malutong na sampal na iyon ni Dayeon kay Julia.

"This is all your fault. Ikaw at yung mga kasama mo. Hindi naman mangyayari ito kay Reina kung hindi dahil sa inyo. Hindi sakitin si Reina pero may lagnat at nahihilo siya dahil sa inyo. Attention ang gusto mo di ba? Pwes paninindigan ko!" Sigaw nito.

Nagulat kami Daehyeon nang hatakin niya ang buhok nito kaya napasigaw naman sa sakit si Julia.

Hindi siya agad nakapalag dahil una sa lahat ay mabilis na siyang nakaladkad nito. And isa rin na dahilan ay mas matangkad si Dayeon sa kaniya.

"Ito ang gusto mo di ba?! Atensyon mula sa mga tao! K.U students! Watch and learn! Panoorin niyo kung paano mapahiya ang babaeng ito. Ang babaeng nagre-reyna-reynahan at kung makapam-bully sa kahit na sino wagas. Palibhasa kasi walang nalaban sa kaniya dahil sa pwesto na mayroon ang pamilya niya! Pamilya niya na kinakahiya siya dahil sa mga kagagahang pinaggagawa niya kasama ng mga kapatid niya sa ibang bansa! NGAYON SABAY SABAY KAYONG PINATAPON RITO AT AKO ANG INATASAN NG PARENTS NIYO NA DISIPLINAHIN KAYO!"

Maraming nagulat sa nalaman nila. Ganun rin ako. Mas matanda si Dayeon sa kanilang triplets at mas matapang ito. Noon pa man ay si Dayeon lang ang may kaya sa kanila.

They are the trio brats na kahit magulang nila ay hindi sila kaya. That's why Dayeon is the one they talked to discipline their son and daughters.

The fuck! Gyera na ito!

The Brat is Dating The Red Flag GuyWhere stories live. Discover now