CHAPTER SIXTEEN

444 39 64
                                    

Year 2019 . . .

“MOM! Bilisan n’yo na. Ang bagal n’yo, e!” narinig kong sigaw ni Ashley sa labas.

Lumabas ako ng bahay at marahan akong napangiti na makita ang mga anak kong excited na umalis sa bahay namin. Pinagmamasdan ko ang ngiti nitong malalapad sa kanilang mga labi.

Isa-isa nilang ipinasok sa loob ang mga kailangan naming kagamitan para sa aming pupuntahan. Basket na puno ng prutas, tsitsirya, picnic mat, at iba pang pagkain.

Nakita ko ring ngumiti si Rod nang makita niya akong pinagmamasdan ko silang ipinasok ang mga kagamitan kaya tumugon na rin ako ng ngiti dito at saka tuluyang lumapit sa kanila.

Nang matapos na sila ay binuksan na ni Rod ang van at isa-isa nang pumasok ang mga anak ko. Ako ang huli at inalalayan naman ako ni Rod papasok sa loob, katabi ng driver’s seat kung saan siya magmamaneho.

Nasa loob na kami ng sasakyan nang biglang magreklamo si Ashley.

“Faster, Tito! Kanina pa naghihintay si Daddy,” reklamo ni Ashley.

Lumingon kami ni Rod at nakita kong naka-cross arms si Ashley habang nakabusangot.

“Ayan na po, Kamahalan,” pabirong sagot ni Rod sa bata.

Natawa kami nina Benedict at Bianca sa tugon ni Rod.

Kaagad na pinaandar ni Rod ang makina ng sasakyan at nagsimula na kaming umusad. Habang nagmamaneho siya ay masaya lamang na nakukulitan ang dalawang dalaga sa loob, habang si Benedict ay naglalaro sa cellphone nito.

Nagpatugtog na rin si Rod para hindi masyadong mamayani ang katahimikan sa paglalakbay namin.

Habang palapit kami nang palapit sa lugar na pupuntahan namin ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ko na makikita kong muli ang asawa ko.

Huminto na si Rod nang marating namin ang lugar.

Naunang bumaba ang mga bata dala-dala ang basket at picnic mat. At lahat ng kagamitan ay pinagtulong-tulungan na naming kunin sa trunk. Inalalayan ako ni Rod na buhatin ang isang folding table at dinala namin kung saan naglapag ng picnic mat ang mga bata.

Inilapag nina Ashley at Bianca ang mat sa tapat ng puntod ng kanilang ama. Kaarawan niya ngayon kaya pumunta kami ditong kompleto para i-celebrate ang birthday niya.

Isang taon mahigit na ang nakalipas nang mawala si James. Last three months lang din noong nakalabas ako sa ospital galing sa therapy. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni James doon sa isla. Hindi na niya nakayanan pa at nalagutan talaga siya ng hininga sa gitna ng dagat.

Naalala ko pa ang huling mga salita niyang ibinigkas.

***

“Pa . . . alam, Bia,” saad niya.

Ito ang huling iwinika niya bago siya nakadilat na nalagutan ng hininga.

Hindi ko pa rin mabitiwan ang kaniyang kamay na hindi na gumagalaw. Hindi rin ako makagalaw nang makitang nakadilat na lang ang kaniyang mga mata. Ilang segundo akong tulala sa mabilis na pangyayari.

Hindi maaaring mawala ang asawa ko. Napaupo ako nang maayos para i-check kung humihinga pa siya. Pero . . . isang bangkay na lang ang kaharap ko.

“James? James?” Para akong baliw na niyugyugyog siya.

Ayokong maniwalang wala na ang asawa ko. Hindi maaari . . . buhay pa siya . . . makokompleto pa kami, hindi ba?

“James! Hindi ito maaari. Mabubuo na tayo! ’Wag mo akong iiwan.” Humagulhol na ako.

𝗗𝗶𝗻𝘂𝗿𝗼𝗴 𝗠𝗼, 𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗞𝗼 [Publish Under Dream Catchers Plume]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon