13

12 3 0
                                    


Xyrone's POV

"Albano, ano ba?! Focus, focus! Ayusin mo ang laro mo, captain." Sita sa akin ni coach pagkatapos ng pagpito niya. Napabuntong hininga ako. Ilang beses na akong napituhan ni coach at mukhang nababanas na rin sa akin.

"Hey Xyrone! Just chill, okay? Hindi 'yan ang laro mo ngayon ah? May problema ba?"

Hindi nga maayos ang paglalaro ko ngayon. At hindi ko rin ma-lead ang teammates ko.
Halos maghapon na kami sa pagpa-practice. Bakit ba kasi nila kami tini-train eh alam na namin ang gagawing strategy and tactics? Alam na namin ang gagawin, sadyang wala lang ako sa wisyo ngayon kaya pumapalpak.

"Gusto ko nang magpahinga, nakakainis kasi si coach. Hindi pa tayo bigyan ng time-out." Inis kong sabi kay Bryle habang pinapasa sa kanya ang bola from the throw-in pass.

"Parusa mo 'to, bro. Damay lang kami." Tawa niya pagkatapos ay drinibble na palayo ang bola.

"Relax lang, bro. Intindihin na lang natin si coach. Alam mo namang next week na ang game di'ba?" Sabat naman ni Aldre na nasa gilid ko, ginagwardiyahan ang isa sa opponent.

"Tsk. Ano pa nga ba?"

"Xyrone!" Tawag ni Bryle sa akin sabay hagis ng bola sa akin na mabilis ko namang nasalo. Pero kaagad akong nagwardiyahan ng tatlo. Ayaw akong papuntusin ah.

"Sorry, captain. Seryosohan ito kahit practice game lang." Maikling tawa ng isa sa teams. Good job. Ngumisi lang ako, about to do a jump shot but I saw Vincent na free from tight guard and immediately passed it to him. Lahat napatingin sa kung saan tumama ang bola nang may marinig na parang nabasag pati na rin ang car's alarm. I faked a shot, pero mukhang napeke rin ako dahil sa iba ang tumanggap ng bola.
Hindi si Vincent, pero isang sasakyan.

Oops! Uh, oh!

"Lagot ka Xyrone! Hala ka" pang-aasar ng mga teammates ko.

"Mahina lang kaya iyon." natatawang sabi ko.

" Albano!" Sigaw ni coach. Nagkibit-balikat lang ako. Eh sa hindi ko naman sinasadya eh. "Kanino iyon?" Dagdag pa.

"I don't know, coach." Kibit-balikat ko. Napasapo lang sa ulo ang coach.

"Go and see it. Move!" Utos niya. Kaya mabilis na pumunta roon ang ibang team mates ko.

"At ikaw naman, Albano. Bakit naman kasi nilakasan mo pagpasa mo? Dapat sakto lang. Ano ba?! Bakit hindi kayo nagsiseryoso?!" Galit na sabi ng coach.

"Sorry, coach." Bryle bowed his head.

"Sorry, coach." Ethan

"Bad news coach, iyong kotse mo nadali!" Announced ni Vince at ni Aldre nang makalapit sa amin.

"Ano?! Anak ng...!" Sigaw ni coach. Kaya lang, bigla na lang tumawa nang malakas sina Aldre kasama ng ibang teams. Natawa na rin kami dahil alam ko na nagpapaka-prankster na ulit si Vince.

"Joke lang, coach." Tawa pa rin nila habang si coach ay nagngingitngit na sa galit dahil sa ginawa nya.

"Decanooo!" Sigaw na nya kay Vince na dahilan ng kanyang pagtakbo mula kay coach.

"Chill ka na coach. Kotse ng isa sa estudyante po ang nadali ni captain." Sabi ng isa.

"Sige, umuwi na kayo. Maaga kayo bukas, understood?"

"Yes, coach!"

"Kayo naman, hanapin nyo kung sino may-ari ng sasakyan na nadali mo Albano. Ayusin niyo ito. Isama mo na rin iyong dalawang iyon." Turo sa amin at sa dalawang loko loko.

"Kay Balbuena pala iyon." Iling na sabi ni Aldre nang makaalis na si coach. Napangisi lang ako nang marinig ko iyon. Sa kanya pala ah. Hmm?! Hindi ko na kailangang maglakad sa buong campus para hanapin kung sino may-ari. Ang galing talaga ng lokong Aldre na ito.

It's Official! (Oh Is It?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon