29

8 2 0
                                    

"Thanks po, tita!" We thanked Keisha's mom after i-serve sa dining table ang huling breakfast dish na hinanda. Ngumiti si tita and said kumain lang kami.

Eight na ng umaga at nasa iisang dining table kami ngayon para mag-breakfast, dito kina Keisha. Dito na rin kami nag-overnight dahil sa late na rin natapos ang party. At isa pa, hinatid namin si Keisha dahil hindi niya kayang umuwi at maglakad nang straight,  actually silang tatlo, kaya ang ending dito na rin ako nakitulog.

Pupungay-pungay pa ang mga mata nila dahil sa antok at ewan ko ba sa kanila't gumising na sila kaagad.

"Naparami kayo ng inom kaya kung sino-sino na naman kayo nakipagsayaw." Kwento ko sa kanila nang pag-usapan ang mga nangyari kagabi. Tumawa naman sila at sinabing nag-enjoy naman sila.

"At ikaw naman, lakas maka-movie ang eksena niyo ni Kiel kagabi. Like, in the middle of the hype music, andoon kayong dalawa naghahali–"

"Try this soup oh, para sa hangover!" I cut Ales' sentence off by pointing out the soup made by tita. Kung ano man ang nangyari sa akin with Kiel kagabi, ayoko nang isipin pa. Dapat nang kalimutan iyon.

I heard them laugh while I gazed my sight away from them. Nag-umpisa na kaming kumain habang nagsalin naman ng juice sa baso si Cha. Pero si Ales, nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.

"Ales, wala munang gadget habang kumakain." I reminded her and she gestured her hand wait. Nagkibit balikat lang ako; maybe she's composing an urgent reply.

"O-M-G! Look, you guys should see this!" Sabay pakita niya sa amin sa kayang phone ang isang uploaded photo. "It's all uploaded sa page ng supporters niyo, confirming your real scores. Official na raw ang KiaEl... kayo ni Kiel, Kia." Ales said kahit na nababasa na namin ang captions.

"Paanong may ganyan? Sinong may pakana niyan?" Keisha asked.

"Napaka-unethical naman. They should have at least asked you about that. At hindi naman na iyan dapat i-post. Nakakaloka mga chismosa!" Chary said, irritated.

That photo... was that night at a party. Alam kong may mga camera lenses around for the sake of good memories that happened that night. Pero hindi ko naman akalaing pati iyon kukunan and get it uploaded to those pages. They shouldn't have done that. They should not have broadcast those false rumors.

Broadcast. Bigla ko siyang naalala. Bigla kong naalala ang reaction niya when he saw us in that open field, thinking we're broadcasting our relationship to the public. Now, there's a possibility that he will learn about it. At hindi ito magiging maganda.

Hindi ko maintindihan kung bakit mas nag-aalala pa ako sa magiging reaction niya kaysa sa taong nasa paligid ko. Napapikit na lang ako sa frustrate dahil hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin kapag nagkita kami.

-


4 pm nang umuwi ako sa amin after some girl stuff. Out of context, nag-road trip na lang kami and went to some tourist spots in Manila only to buy time before I went home. Sinadya ko na talagang umuwi sa ganyang oras dahil ayokong makita si Xyrone. I'm confident he'll go there para lang awayin ako, dahil sa photo na iyon.

Nakakapagod kasi eh. Magbabati kami para mag-away ulit. Nakakasawa.

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman mula kina manang na hindi dumalaw si Xyrone sa bahay. Mabuti na lang talaga at sana wag na muna siyang pumunta rito. I went upstairs, sa kwarto para maligo dahil ang lagkit ng katawan ko. Habang nasa tub ako, bigla ko lang naalala ang sinabi ni Keisha sa akin kanina that really hits me so hard.

"Bakit ka ba nag-aalalang baka magalit siya sa picture na iyon? I mean, hindi ba't kayo na rin nagsabi na you can date whoever you want to?"

"Yeah, but, hypothetically, Kiel and I are not dating."

It's Official! (Oh Is It?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon