Marumi, malumot at nangingitim na building ang nadatnan ko. Walang ingay ng kahit na ano kung hindi ang hanging may binubulong sa tenga ko. Nakatayo sa labas nito at pagala-gala ang mga mata ko sa paligid. Madilim ngunit may kaonting liwanag mula sa ilaw na nakasabit sa mga posteng kinakalawang.
"Albano, Albano. Mabuti naman at dumating ka. Akala ko naman nabahag na buntot mo." That voice echoed through the building, enough for me to hear from outside. Lumabas siya mula sa pader at doon sinindihan ang sigarilyong nasa bibig nito.
Ngumisi ako. "Balbuena. Mabuti naman at nasisikmura mo ang lugar na 'to. Ah, sa bagay, home represents its owner's characteristics."
Nawala ang ngisi niya sa labi. Itinapon nito ang sigarilyong nasa bibig niya sa kung saan at bahagyang humakbang palapit sa akin.
"Sinasabi mo bang..."
"Ikaw may sabi niyan." Pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin. Yumukom ang kamao niya. "Tapusin na natin 'to. Tumupad ako sa usapan. Ngayon, tigilan mo na ang kabulukang ito."
Lumakas ang kanyang pagtawa, umalingawngaw sa paligid. "Tumupad ka nga ba?" Sumipol ito, pagkatapos ay lumabas ang mga kasamahan niyang hawak sa balikat sina Bryle. Napapikit ako. Malakas pala talaga pang-amoy ng mga unggoy na 'to kahit anong tago pa ng mga kasama ko.
"We're fine, don't worry." Bryle mouthed when we met glances.
"Pero sige, pagbibigyan pa kita, total wala naman na kayong laban sa amin." Usal nito, kasabay nito ay ang paglabas pa ng ilan pang kalalakihan, may dala-dalang tubo at dos por dos ang ilan. Hindi na ako nagulat sa paglabas ng mga ito dahil alam ko namang traydor ang hayop na ito. "Pero sa oras na malaman kong may kasama kang mga pulis, hindi ko masisigurado ang kaligtasan ng minamahal mong Kianna."
Ngumisi lang ako na parang wala nang pakialam. Yet deep down in my heart, I do.
Naningkit ang mata nito. "Hindi ka natatakot?" Hindi makapaniwalang tanong. "Ah, oo nga pala, you just cut her out of your life. Bakit? Para ba tigilan ko na siya at hindi na idamay?" Muli siyang humalakhak. "Ibang klase ka, Albano! Nice thinking, huh? Pwes! Tignan na lang natin ang mangyayari sa oras na magkaharap kayong dalawa."
Natigilan ako. "What are you trying to do?"
"Granting your heart's wish. You might be missing her so much. I am just a considerate person here, wanting you to have a mini-reunion before one of you bids goodbye."
"Huwag mo siyang idamay rito. Wala siyang kinalaman dito." I uttered, trying to compose myself.
"Damay na rin siya, Albano! Sinira mo ang lahat sa akin! Kinuha mo ang dapat meron din ako. Kaya sisirain ko rin kung anong mahalaga sa'yo. Hindi ako papayag na ako lang ang may miserable ang buhay sa ating dalawa." Sa bawat salitang binibitawan niya ay may diin.
"Let's stop this! It's only between me and you, huwag mo na siyang isali sa gulong 'to. Stop pestering her."
Isang malakas na tawa ulit ang narinig ko mula sa kanya. Nabaliw na ngang talaga ang unggoy na 'to. "Nakadepende 'yan sa ikikilos mo..... Ano nang balita sa mga bata natin? Nagawa ba nila ang misyon nila?" Sabi nito at tsaka bumaling pagkatapos sa isa niyang kasama.
Naningkit ang mata ko nang mapansing napalunok ang lalaki at lumingon-lingon sa iba pa nilang kasamahan. Lumapit pa rin ito kay Balbuena at may ibinulong. Hindi ko alam kung ano ang pinagbubulungan nila, but the way Rocky changes his expressions, I think I got an idea. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Nanginginig ang panga at nagmumura. Tumigil na lamang siya nang tumingin sa akin.
Smirk drew on my face to irk him, getting the idea of his failed plan. Now I have nothing to worry about. She would not be here.
"Mapupurnada ang reunion niyong dalawa ngayon, pero huwag kang mag-alala, magkikita rin kayong dalawa dahil isusunod ko siya sa'yo."
BINABASA MO ANG
It's Official! (Oh Is It?)
RomanceKianna Angelique is an obedient, good, and loving daughter who is secretly in love with their campus heartthrob, Kiel, who is also into her. As she was assigned a task by her professor as a tour guide happening on their campus, she then met this bra...