25

14 2 1
                                    

Pahalumbaba akong nakatingin lang sa may bintana habang nagli-lecture ang instructor namin, napagmamasdan ang mga co-students kong napapadaan sa harap ng room. Hindi ko alam pero lumilipad ang isip ko ngayong araw. Er, Monday na Monday pero ang isip ko pang-Friday na dahil sa sunod-sunod na school requirements, pati iyong sa incoming campus sweetheart by next month. 

"Hoy, Kianna! Tulala ka diyan?" Tapik sa akin ni Chary na ngayon ay nakakunot amg noo sa akin. Napansin ko ring nagsisialisan na mga blockmates namin. "Anong iniisip mo at kanina ka pa nakatingin diyan sa labas? Or, wait, sino?"

Umiling lang ako sa kanya. "Teka, si Kiel ba 'yan o baka naman si Xyrone na?" Tanong niya ulit.

Isa pa ang taong iyon. Ginagambala niya ang pag-iisip ko dahil sa nangyari kagabi. Bakit pa kasi hindi maganda ang pagkakatindig namin pareho eh, 'yon tuloy! We...we... ehh! Ayoko nang isipin! Ayoko na, ayoko na!

"Alam mo Cha, lunch na lang tayo. Treat ko." Pang-iiba ko ng topic dahilan para magliwanag ang mukha niya. Kaya naman niligpit na namin ang gamit pagkatapos ay lumabas na ng room. Dinaanan rin namin 'yong dalawa para sabay na kaming apat. Nasa hallway na kami no'n nang makasalubong namin si Kiel.

"Hi, ladies... Hi, Kianna." Ngiti niya sa amin, ngumiti rin naman kami pabalik.  "Magla-lunch na kayo?... Tara? Sabay na tayo." Sabi niya nang tumango akong magla-lunch na nga kami. Tinignan ko sina Ales, asking kung ayos lang. They agreed naman and so do I.

He volunteered himself to drive us to a mini resto nearby. Sa campus cafeteria sana kaso hindi raw gusto ni Cha at Ales ang dish na andoon.

"Girls, samahan nyo ko saglit sa washroom.  Kia, maiwan ka na lang rito with Kiel ha? Libre na nga niya tapos iiwanan mag-isa dito." Cha said nang makapasok kami sa loob then hinila na bigla sina Ales. Napailing lang ako dahil parang sinadya nilang gawin iyon. Hays, napakabuting mga kaibigan talaga, tsk, tsk. Natawa lang naman si Kiel sa inasta no'ng tatlo. I looked at him with an apologetic smile and he just gave me an assuring one, saying that it's fine.

"Sanay na ako sa kanila." He chuckled. "Tara, order na tayo?" Tanong niya, tumango ako. Tanong siya nang tanong kung ano raw gusto kong dish ngayon. Like, halos lahat sina-suggest sa akin.

"Seafood pasta na lang sa akin." Sagot ko. "Gano'n na rin daw kina Cha." Dagdag ko nang ma-receive ko na ang reply nila nang tanungin ko sila sa text kung ano gusto nila. 

"Okay. 4 seafood pastas, tuna crisp fillet, paella barkada meal. And for the drinks, apple tea." Kiel told the counter. Napatingin ako bigla sa kanya dahil hindi naman iyon ang order na sinabi ko. "And, 4 avocado slushies and 1 strawberry slushie, because that is her favorite." He added, and looked at me when he told my favorite. Ngiting ngiti namang napatingin sa akin ang crew na nandoon dahil sa sinabi ni Kiel. Nag-iwas tingin ako sa kanya dahil pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.

"Uh... H-hahanap na ako ng table to dine in." Awkward kong sabi kay Kiel. Tumango siya sa akin at doon na ako nagmadaling umalis sa tabi niya. Shiz... hindi ko na naman mapigilan ang pagkaba ng puso ko.

Sa bandang dulo, may bakanteng table kaya doon ako pumunta. Agad akong nag-chat sa group chat namin na bilisan nila dahil nagtagal na sila. Sinasadya ba nila o ano?

"So... nagkita tayo ulit." Napatingala ako sa isang unfamiliar voice nang mapansin kong ako ang kausap. I don't know but there's something about him—about them—that made me feel a little fear for an unknown reason. And upon seeing his face, I think I've seen him somewhere before. And I didn't like their auras. They're like a fraternity.

"Pardon? Ulit? Nagkita na tayo dati?" I tried my best to be in a normal state. He laughed... and it cringed me out.

"Oo naman! Ikaw si Kianna, di'ba? Ang fiance ni Albano. Sadly, hindi ko pa naipakilala ang sarili ko sa iyo. Akala ko pa naman maaalala mo ako dahil sa ginawa natin no'n." Ngisi niya. Napakunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito? At ano bang ginawa namin noon? Hindi ko alam kung ano iyon. Ni hindi ko nga matandaan kung saan ko sila nakita or nakilala. And paano nila nalaman ang tungkol sa amin ni Xyrone?

It's Official! (Oh Is It?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon