4

17 3 0
                                    

King Kong.

I called him by name. Ayoko naman sanang patulan siya sa pang-iinis niya, kaya lang hindi lang talaga ako makapagpigil. I know, guests sila rito, and I should treat them well, pero hindi ba dapat rumespeto rin sila dahil unang una wala sila sa lugar nila? They should be thankful na may accomodations pa silang natatanggap. But, yeah, I forgot that not all people know how to. Hindi nga pala pare-pareho ang mga tao.

And it serves him right! I'm just paying back what he did.

"Bwahahaah... tama na yan king kong... este bro. Hahahah.. masyado nang mainit yang bangayan niyo." Tawa no'ng mukhang isang pilyo niyang kaibigan while the other three were holding their laugh. Nagpipigil na rin ako ng tawa because of his reaction. He didn't see it coming, huh? Tumingin siya akin ng masama at ngumisi. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

"Kung ako KING KONG, eh ikaw ano ka?"

Humakbang siya palapit sa akin, lumapit sa mukha ko. Kung anong lapit niya ay siya ring atras ko hanggang sa napasandal na ako sa may pader at mapalapit na siya sa akin. Inches apart ang lapit ng mukha niya sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya.  Hindi ko mabasa kung anong sinasabi nito.

My heart beating unusually. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Oh my, what is this feeling? I hate this feeling.

I swallowed lump on my throat because of what he's doing right now. Sinusubukan kong umalis, pero nakaharang ang dalawang braso niya at nakadikit pa sa pader.

"Payatot"

Napakurap ako ng tatlong beses nang tanggalin niya ang braso niya sa pader. Whew! I thought he would do something against my will! Good thing not.

"Let's go. It's nonsense." Pag-aya niya sa kasama niya. Pero ano? Anong sabi niya? Ako? Payatot? Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sinong hari! King of the jungle naman. You ruined my day, monkey skinny na mayabang!


*


"Oh Kia, anong nangyari sa'yo? Parang nagdugtong na naman yang mga kilay mo." Biro ni Chary

"Eh pa'no ba naman kasi mayayabang at antipatiko iyong mga representative na tinour ni Kia." Sagot naman ni  Keisha. Nilingon ko siya sa gulat.

"How did you know?"

"Well, nakasabayan ko sila kaninang umaga sa canteen at base sa mga kilos at porma nila mga mayayabang. And I heard nagkakasagutan kayo no'ng lalaking pogi."

I scoffed. "Pogi? Sino? Si king kong? Hah!  Pogi mo  na iyon? Ang pangit ng ugali."  I exclaimed bitterly. Talaga ba? Napopogian sila sa lalaking iyon? Ni hindi nga kapogian ang ugali.

"Ang bitter mo ah. Well, sa bagay, sa sigawan niyo pa namang dalawa at dumagdag pa mga sutil niyang kasama eh talagang maiinis ka." dagdag pa ni Keisha

"So pa'no yan? Kalahating araw pa lang ganyan na kayo. What more buong araw?" Tanong naman ni Ales.

Kung kalahating araw pa lang hindi ko na kaya ang kilos ng king kong na iyon, baka mas sumabog pa ako sa inis kung dadagdagan pa ng oras na makakasama ko iyon. But I shouldn't be stressed out to this guy. Akala ba niya papatalo ako sa kanya? Hell, no way!

"Subukan niya lang, at kapag ako talaga napikon hahampasin ko ng bakal ang pagmumukha niya para wala nang ipagyabang." I almost hissed, forming my fist into a punch. Imagine him receiving my punches. Mas maganda siguro suntukin sa mukha.

"Oh, really? I'm scared." I heard the sarcasm sa boses na iyon. It sounded like nang-iinis. Tumingin ako sa kung sino iyon. Automatic na nag-form ng arch ang brow ko.

It's Official! (Oh Is It?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon