#6 Nang Dahil sa GC (Ryoma&Niia)

797 37 15
                                    

Eow ghuyz! Cowment nio po UN nio! Follow ko kayo basta followback ha? Ito pala UN ko. -jejemonforever

Jusko! Ano ba naman itong nababasa ko sa wattpad group na 'to? Bakit puro ganito? Kakapost ko lang ng story ko 20 seconds ago tapos natambakan na agad ng ganitong klaseng post?! Nasaan ang hustisya?!

Lagi na lang ganito ang nababasa ko. Simula nang matapos ang pasukan ay lagi ko nang nakakaharap ang laptop ko. Sabi ko sa sarili ko, bakasyon na at oras na para tapusin ang mga kwentong naumpisahan kong isulat. Naglipana ang mga wattpad group na kinabibilangan ko sa facebook at talaga nga naman, ang pinakatrending na post ay ang mga nagpapa-follow. Sige lang! Lamunin niyo yang mga followers niyo na pilit!

Ibabato ko na sana ang laptop ko pero bigla iyong naunsyami dahil sa panibagong notification na natanggap ko. Ano nanaman ito?

Ernalyn added you to the group. Ay susme! Panibagong group nanaman. Wala naman akong problema sa ganito kaya lang, nakakainis kapag laging dedma ang magandang presensya ko sa mga wattpad group na sinasalihan ko.

Agad kong tiningnan ang group na ang pangalan ay Wattpad fun and Games. Aba ayos ang pangalan ng group na 'to ah! Mukhang interesting.

Biglang nagbunyi ang kaluluwa ko noong wala ako halos makita na follow-followback na post. Ang nakikita ko ay ang mga entry para sa one shot story contest. Mukhang maganda ang group na 'to. Maayos at talagang organisado. Isip-isip ko. Habang patuloy ako sa pag-scan ng mga post ay bigla na lang akong inadd ni Ernalyn sa group chat. Hala! Group chat agad?!

Hindi ako mahilig sumali sa mga group chat hindi dahil sa hindi ako marunong makipag-socialize. Kaya lang pakiramdam ko ay out of place ako sa kanila. Buti sana kung noong umpisa pa lang ay kasama na ako sa usapan nila 'di ba? Pero nagchat pa rin ako.

Me: Hi!

Ayaw ko naman na masabihan ng kung ano-ano kaya makikipag-friends na lang ako. Maraming nagreply sa simpleng hi ko at sinasabi na welcome to the group daw. Edi nagpasalamat naman daw ako pero 'yon na nga, hindi na ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Ang madalas kong makita na nag-uusap ay sina Ernalyn, Rainlyn, Melrose, Airish at Jari.

Natatawa ako sa usapan nila. Paano kasi, itong si Jari ay nag-aanyong si Kupido at gumagawa ng love team sa group chat. Tawang-tawa ako sa mga reaksyon ng mga ginagawa niyang loveteam. Sina Ernalyn at Brion yata ang pinakamabenta na loveteam na ginawa niya.

Ernalyn added Ryoma. Nakita ko na lang yun bigla sa group chat. Nandito si Ryoma?!

Kilala ko si Ryoma. Paano? Kasi magkaklase kaming dalawa. Aba nga naman, biruin mo at pareho pa kaming kasali sa grupo na 'to? Yang lalaki na magaling mang-asar na yan?!

Ernalyn: Guys! Iwelcome niyo naman si Ryoma.

Yun ang chat ni ate Ern. Sus! Welcome pa kuno. Hindi ako nagrereply pero binabasa ko ang mga chat nila. Magaling mang-asar si Ryoma pero napakaseryoso niya sa ibang tao na hindi niya naman kilala.

Airish: Hulaan ko, lalaki si Ryoma!

Jari: Babae yan!

Seryoso?! Pati gender ni Ryoma pinagtripan nila? Tawa ako ng tawa dito sa kwarto ko. Nako Ryoma, mag-leave ka na sa group na 'to.

Ryoma: Boy

Airish: Tama ako! Hulaan ko rin ang age mo ha? 15!

Itong si Airish na 'to mukhang kalahi niya ata si Madam Auring pero papalya siya sa edad ni Ryoma.

Ryoma: 17

Yes, magka-edad din kami ni Ryoma. Naaaliw ako sa pagbabasa ko sa pag-uusap nila. Inaabangan ko ang mga sasabihin ni Ryoma pero ang dalang niya magchat. Sabi na e. Hindi talaga siya friendly.

Shots of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon