#19 Tired of Loving You

335 16 1
                                    


"Pagod na ako. Nakakapagod din palang magpakatanga," I said. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon sa lalaking matagal ko nang minamahal.

"Ano ba'ng sinasabi mo? Nagbibiro ka ba?" Parang gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Gano'n na ba ako para sa kaniya? Oo, joker ako. Palabiro. Dinadaan sa tawa ang lahat kaya ba kapag ganito na seryoso na ako sa sinasabi ko, para sa kaniya biro pa rin?

"Mukha ba akong nagbibiro?" I retorded. Hindi siya agad nagsalita.

Tahimik ang buong paligid. Nandito kami sa sementeryo. Wala e, naisipan ko kasing dito na lang tapusin ang lahat para deretso pagluluksa.

"Bakit? Nakakapagod na ba akong mahalin?" Gusto ko siyang murahin at sabihin na ang gago niya. Na feeling yata niya ay hindi nakakapagod na mahalin ang tulad niyang ang lakas mambalewala.

"Kailan na nga 'yong unang beses na nagkausap tayong dalawa?" I asked. Walang kwentang tanong kung tutuusin pero masakit kapag sinagot niya ng,

"Hindi ko na matandaan. Mahalaga pa ba 'yon?" Sa akin, oo. Mahalaga. Sobrang halaga. At nakaka-leche sa pakiramdam na 'yong mahalaga para sa akin ay balewala para sa kaniya.

"Mahalaga 'yon dahil 'yon ang araw na nakilala kita." Pinakiramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Pinangako ko sa sarili kong hindi ako iiyak ngayon. Tama na 'yong ilang gabi akong umiyak nang hindi niya alam.

"Nakakaloka. Sabi ka nang sabi na hindi mo makakalimutan ang araw na nakilala mo ako pero ano ngayon? Bakit hindi mo na maalala?"

"Ang mahalaga, alam mong mahal kita."

"Gago ka," I replied which makes him to shut his mouth.

"Alam kong mahal mo ako. Alam na alam ko. Pero ramdam? Hindi. Hinding-hindi."

"You are over thinking again, Shamiah," he said. Over thinking. Over acting. Lahat na ng over, ako na.

"Ang sensitive mo. Dapat ko pa bang i-memorize ang lahat ng dates na gusto mo? Bakit? Natatandaan mo pa ba ang unang bagay na binigay ko sa'yo at kung kailan at saan?"

"Hello Kitty hair clip, November 8, 2010. School gymnasium. P.E time," I replied. Bigla siyang natameme. Gago talaga. Akala niya ba hindi ko naaalala ang lahat?

"Sham naman--"

"Lahat alam ko. Tanda ko lahat kasi mahal kita. Ang weird ba? Wala e. Gano'n kasi talaga ako kapag mahal ko. Pinakasimpleng bagay, big deal sa akin. Pero bakit sa'yo, balewala?" Hindi ko na maitago sa boses ko ang pagiging ampalaya ko sa nangyayari sa amin.

"Dahil lang ba diyan kaya ka napapagod?"

"Hindi. Hindi lang doon. Pagod na akong mabalewala mo. Hindi mo yata alam kung gaano ako nasasaktan na nagagawa mong makipag-usap sa iba pero sa akin, hindi. Girlfriend mo ako, Kier. Hindi ko kailangang mag-demand ng oras sa'yo dahil ikaw, bilang boyfriend ko, dapat alam mo na 'yon. Dapat ikaw mismo, naglalaan ng oras sa akin pero hindi mo ginagawa. Mas may oras ka pa sa ibang tao."

"Busy lang ako---"

"Busy? At ako, hindi? Gago ka talaga. Akala mo ba wala akong ibang ginagawa? Kapag nag-cha-chat ka sa akin, kasalukuyan akong gumagawa ng reports pero hindi ko pinaramdam sa'yong busy ako. Hindi mo naramdaman na wala akong oras para sa'yo, 'di ba? Kasi nga, mahal kita at gustong-gusto kong nakakausap ka. Ikaw ang stress reliever ko e. Ikaw 'yong dahilan kung bakit ako nag-lo-load o kaya nag-o-online sa Facebook. Wala namang ibang tao akong gustong makausap bukod sa'yo pero ang sakit naman sa side ko na gusto mong kausap ang iba,pero ako hindi. Baliktad ka," I muttered. Sinabi ko sa sarili ko na makikipaghiwalay ako nang maayos. Iyong mukhang okay ako at hindi nag-ta-transform sa pagiging bitter syrup. Pero lechugas naman. Sino ba ang niloko ko?

Ayaw kong magmukhang nagrereklamo. Alam ko na para sa iba, kapag nagmahal ka, hindi ka dapat humihingi ng kapalit pero nakakaloko lang naman 'yon. Relationship is a game of give and take. It works because of the two persons involve. At hindi nakakagalak ng kaluluwa na malaman na ikaw na lang ang nag-e-effort para sa relasyon niyo. Tipong kapag tumigil ka na, wala na. Tapos na ang lahat.

"Sham, sinusumbatan mo ba ako? Dahil hindi ko nagagawa ang nagagawa mo, napapagod ka na? You're being unfair." Aba hayop! Ako pa ang unfair? Patawa ang mokong na 'to ah!

"Hindi 'yon ang punto, Kier. Parang sa relasyon natin, ako na lang nang ako. Aba, hindi mo naman ako ininform na ako lang pala ang gagawa ng lahat para mag-work ang relasyon natin? Gaano ba kahirap ang maging boyfriend kita? Sobrang hirap ba kaya hindi mo magampanan? Kapag may problema ako, ikaw sana ang gusto kong makausap. Ikaw sana ang gusto kong mapagsabihan pero nasaan ka no'n? Nanonood ng kung anong pelikula sa youtube? Mag-o-online at sasabihing SLR kasi nanood ako ng Naruto? Tingin mo ba, hindi ako dapat masaktan?" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naghalo-halo na ang inis ko sa mga nangyayari.

"Kung hindi mo kayang gampanan ang pagiging boyfriend ko--"

"Ano? Makikipaghiwalay ka? Edi sige. Maghiwalay na tayo. Naririndi na ako sa araw-araw na pag-text at pag-chat mo sa akin. Naiinis na ako sa pag-tag mo sa akin sa mga post mong ang babaduy sa Facebook. Nakakasawa ka na ring maging girlfriend. Ang iyakin mo. Ang OA mo. Bahala ka na sa buhay mo." Napamaang ako sa kaniya habang patuloy sa pag-agos ang luha ko. Wala akong masabing kahit na anong salita.

Gusto ko siyang sampalin pero naikuyom ko na lang ang mga kamay ko habang umiiyak akong nakatitig sa kaniya.

"As what I have thought, hinihintay mo na lang na ako ang bumitaw at umayaw. Hinihintay mo na lang na mapagod ako," I replied as my tears keep on falling. Hindi ko inasahan na ganito pala kasakit 'yon. Noong inimagine ko kasing maghihiwalay kami, masaya ako sa imagination ko. Pero iba na pala kapag nangyayari na.

"Kung ikaw, napapagod na. Ako, nagsasawa na." His reply breaks my heart more.

"Ang kulit-kulit mo. Kailangan na lang ba na ikaw lang ang kakausapin ko? Hindi ko naman sinabi sa'yong ako lang ang kausapin mo kaya bakit mo isusumbat sa akin ang mga nagagawa mo na hindi ko nagagawa? Hindi naman kita pinilit na gawin 'yong mga 'yon--"

"Kasi mahal kita. Ginagawa ko 'yon kahit hindi mo sinasabi dahil mahal kita. Dahil responsibilidad ko bilang girlfriend mo na iparamdam sa'yong ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto kong kasama sa lahat ng bagay. Kahit napakawalang-kwenta ng pinag-uusapan natin pero dahil ikaw ang kausap ko, ayos lang sa akin. Kaso leche naman, Kier. Nagsasawa ka na pala hindi mo man lang sinabi agad," I said. Napaupo ako sa isang nitso na malapit sa pwesto ko at saka ko itinakip sa mga mata ko ang palad ko.

"Hayop ka. Ganyan lang pala sa'yo kadali na makipaghiwalay. Samantalang ako, ilang gabi ko na 'tong iniiyakan. Akala ko pipigilan mo ako. Akala ko sasabihin mong babawi ka. Pero langya, Kier. Lumabas lang ang totoong ayaw mo na at sawang-sawa ka na sa akin." Pakiramdam ko, mauubusan ako ng hangin sa sobra kong pag-iyak. Umasa kasi akong pipigilan niya ako.

Ito ang masakit. Iyon bang akala mong pipigilan ka niya pero 'yon pala, hahayaan ka niya na para bang walang epekto sa kaniya.

"Shamiah, ano ba talaga ang gusto mo? Ang gulo-gulo mo!" Pinunasan ko ang luha ko. Inayos ko ang bag ko at saka ako tumayo at tumalikod sa kaniya.

"Okay. Let's break up as what you want to happen. At least, wala nang mangungulit sa'yo. Sabi mo nga, sawa ka na sa akin, 'di ba? Pwes sige, aalis na ako. Akala ko talaga, pipigilan mo ako, Kier. Pero siguro, gano'n talaga. You get bored at me and I get tired of loving you so it's really a need for us to end this. Goodbye, Kier." Without looking back, I walk away with the fact that in every step I take, together with it is the breaking of my heart.

Shots of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon