"Sheena!" Tinakpan ko agad ang tainga ko dahil sa malakas na sigaw ng kaibigan kong si Kailee.
"Seriously, Kai? Hindi porke ikaw ang S.A dito sa library ay sisigaw ka na nang malakas!" I hissed. Wala naman kasing kontrol sa pagsigaw ang babaeng 'to. Walang pakialam kahit pagtinginan siya ng ibang tao.
"Wapakels ang beauty ko sa sermon mo, Mother Sheena." Hinawi niya ang bangs niya sabay irap sa akin. Minsan natatanong ko ang sarili ko kung paano at bakit ko naging best friend ang babaeng 'to? We're totally opposite in everything.
"Bakit ka ba kasi sumisigaw?" I asked before I turned my sight to the book I am holding.
"Oh well, I have a good news to 'ya!" Halos takpan ko naman ang bibig niya dahil ito na naman siya sa pagsasalita nang malakas.
"Utang na loob, Kai. Ang laki-laki ng sign na observe silence, o! Mahiya ka naman sa ibang estudyante. Kapag sinumbong ka nila kay Miss Tina, aalisin ka rito, sige ka."
"E kasi naman! I am just happy!" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin patayo sa upuan ko at lumabas kami ng library.
"So here, pwede na ba akong mag-ingay?" Napasinlantik na lang ako dahil sa sinabi niya. This girl is really out of her mind.
"Ano ba kasing sasabihin mo?"
"It's about Gino," said she. Bigla akong natahimik nang marinig ko ang pangalan ng lalaking lihim kong minamahal.
"What about him?" I asked.
"According to my source, Gino and Gelly broke up yesterday!" replied she. Halos tumalon pa siya sa sobrang saya pero ako, hindi ko magawang maging masaya sa nalaman ko.
"Sinong nakipaghiwalay?"
"Si Gelly. Ang alam ko, pinagpalit niya si Gino kay Mark. Hindi naman na mahalaga 'yon, 'di ba? What matters is, Gino's single now. Pwede mo na siyang ma-"
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ko pero hindi ko na hinintay na sumagot si Kai nang makita ko si Gino na nasa likuran ng punong Mangga at tinatanaw sina Gelly at Mark.
"I'll go ahead," I said before I went down to go near him.
Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo. I am not sure if he's fine seeing the one he loves with another guy or he's just strong enough to bear the pain?
Gino doesn't know me. In his world, I don't exist. Sa mundo ko lang naman mayroong Gino pero sa mundo niya, walang Sheena.
I am afraid to take one step closer to him. What if he turn me down? Baka hindi ko kayanin kung sakaling makarinig ako ng masakit na salita mula sa kanya.
Kaya naman, pinili kong tumalikod. Lalayo na lang ako. Mas malayo, mas safe. Tingnan ko man siya, hindi niya malalaman. Hindi niya mapapansin.
"Miss," someone said and I don't know why I automatically turned my back to face him. Laking gulat ko na lang nang makita si Gino, just few steps away from me. Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo.
Thoughts started to run in my mind. Iniisip ko kung napansin niya bang sinusundan ko siya o kung alam niya bang siya ang pinuntahan ko rito?
"Hindi. Hindi kita sinusundan. May kailangan lang kasi akong kunin na ano…" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang kumunot ang noo niya.
"What are you saying?" he asked. Agad akong napalunok ng laway ko dahil sa tanong niya.
"Ha? A, e, kasi…. Wala naman." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa pagkapahiya. Ito ang unang beses na nakausap ko siya at hindi ko alam kung anong iaakto ko.
BINABASA MO ANG
Shots of Love
Historia CortaDifferent one shot stories about different meanings, dimensions, and purpose of LOVE. :)