Hukom

5 1 0
                                    

Naalimpungatan ako mula sa aking malalim na pagkakaidlip dahil sa alingawngaw ng ugong-trumpeta. Sinulyapan ko ang bintana at tumambad sa akin ang nagkakagulong sanlibutan. Takbo rito, takbo roon. Iyak dito, iyak doon. Sigaw dito, sigaw doon. Kanya-kanyang salba ng sarili mula sa bolang apoy na walang tigil sa pagbagsak mula sa kaitaasan.

Mabilis kong isinuot ang aking tsinelas at ginising ang aking Ina. Kaagad naman nitong kinuha ang munti nitong santo at pinosisyon sa kanyang bisig. Niyakap ng mahigpit.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang maliwanag na pintuang binabaybay ng karamihan. Nakipagsiksikan kami ng aking ina hanggang sa matagumpay akong nakapanhik sa Paraiso habang ang aking Ina ay hinarang ng mga kerubing nagbabantay sa pinto habang nakatingin sa rebultong tangan ni Ina.

Pinilit kong magmakaawa na pagbuksan si Ina ngunit wala akong nagawa. Wala akong nagawa habang unti-unting nilalamon ng apoy ang aking Inang maling sisidlan ang pinaglagakan ng kabanalan. Maling panginoon ang pinanginoon.

Mga Dagling Pinanday sa IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon