Maaga akong ginising ng aking Ama upang sunduin ang aking Ina na sampung taon nang nagbabanat ng buto sa ibang bansa.
Bahagya akong huminga ng malalim bago nagpasyang lumabas ng sasakyan upang sunduin ang aking Ina.
Bagaman natatakpan ang ilong at bibig ng mga tao dahil sa banyagang sakit ay mababakas sa kanilang mga mata ang pananabik at saya.
Nagsimula nang lumabas ang mga pasahero sa eroplano at isa-isa silang niyakap ng mga mahal nila sa buhay. May mga pamilyang magkakayakap habang umiiyak sa saya dahil sa panahong nawalay sa pamilya.
Kaagad na lumandas ang mga luha sa aking mga mata dahil sa kirot. Kirot dahil nakaramdam ng inggit sa mga pamilyang masaya at kumpleto.
Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin ng aking ama upang dumalo sa pag-abot sa garapon kung saan nakalagak ang abo ng aking ina na nabiktima ng pandemya.
BINABASA MO ANG
Mga Dagling Pinanday sa Isip
Short StoryAng mga dagling tampok ay masusing hinabi sa pamamagitan ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan...