Pauwi ako ng bahay nang may napulot akong kapiraso ng papel na nakalukot.
"Babangon ang araw, araw dapat ng pagbangon
Layag ng Adarna'y sa rehas magpa-ampon
Pakpak ay tinanikala sa peligrosong kahon
Bakit nagpa-ampon sa Buwayang namamanginoon?" ma-drama kong pagkakabasa sa mahinang boses.Sinuyod ko ang paligid, nagbabakasakaling mahanap ang may-ari ng papel na may lamang tula. Walang mga tao kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na unawain ang kahulugan ng tula.
"Tama!" sambit ko sa paghanga sa piyesa.
Napaisip ako ng malalim. Unti-unti na ngang nawawalan ng halaga ang upuan ng bayan dahil sa ang gahaman ang iniluluklok sa kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Mga Dagling Pinanday sa Isip
Short StoryAng mga dagling tampok ay masusing hinabi sa pamamagitan ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan...