Chapter 4-It sure can't..

20 0 0
                                    

"Zi, asan ka? Sge na gala tayo ba?"

Kung sasabihin ko baka puntahan nya ako. Di rin ako medyong assuming no?

"Andito ako sa GMall. Ksama ko mga classmates ko eh.."

"Sge na kukunin nalang kita jan" patay na ayoko, ayoko, ayoko. Brain work please make some alibi.

"Hoy loko ka talaga, manunuod kami ng sine. Wag na, susunod nalang ha?"

"Ano ka ba, libre kita ng sine kung gusto mo. Sige na! Pupunta ako jan. Bye."

(Call ended)

Lintik na. Anong gagawin ko? Kinakabahan ako ng sobra. Ba't ba ako ganito hindi naman ako ganito aaah. Bwesit talaga yung lokong yun. Aaaaaaah! ano bang gagawin ko! Nanarattle na ako. 

"Kulot okay ka lang ba? Sino ba kasi yun?" 

"HOY! Kulot!? Anong problema mo ha?" 

"Ano ba sophie! Namimihasa ka na ah...  " gulat ng gulat ako. Pinapalakas pa lalo kaba ng dibdib ko!

"Anyare ba kase sayo? Ba't ka pawis na pawis jan at tila hindi mapakali? ha?"

"eh kasi yung Friend ko na huli kong nakita nung bata pa kami ay pupuntahan daw nya ako dito.."

"Ha? Sino? Babae? Lalaki? Lalaki?! Gwapo ba? May girlfriend na ba? ha? "

"Teka lang naman, hinay hinay lang sa tanong... Oo lalaki, at for your damn info may girlfriend na sya si Ynes.."

"Eh kung ganon ba't ka pawis na pawis jan ha? Friend mo lang pa la eh? Nako kilala kita Ziandra Zaira Preston, may crush ka sa kanya no????"

"HA? CRUSH??? ANO KA BA? MAY GIRLFRIEND NA YUNG TAO TAPOS KAIBIGAN PA NATIN! CRUSH? HINDI NO? HINDI NAMAN SYA GWAPO. EWWW!"

"Nako Zaira! ba't ang defensive mo ha?...Wag munang e'deny kitang kita jan sa kilos at pagmumukha mo ngayon oh? Kinakabahan ka ano?"

"WALA! WALA AKONG FEELINGS. STONE AKO STONE!"

"HAHAHAHAHA! Ewan ko sayo kulot. Oh anong gagawin mo, libre tayo ni Dawn ng sine tapos aalis ka?"

"Yun nga ang problema eh.. pano ba 'to?"

"Oy, guys tara na heto na yung ticket. Nakabili na rin si Lovely ng pagkain natin sa sine.." Si Dawn.. nako pano 'to

Wala akong nagawa kundi sumama. Nakakahiya naman at tatangihan ko yung grasya diba?

Habang nasa sine..

From: Keith

"Loka, andito na ako sa Gmall. san ka ba?" patay na talaga! isip Zaira. Think!

"Andito ako sa Cinema 1, nanunuod.."

"Ha? Lumabas ka jan .. papunta na ako sa 4th floor." LOKONG BAKLA! ANONG  GAGAWIN KO?

"Sira ulo ka ba? Hindi pwede nagstart na, at tsaka libre lang to. Nakakahiya sa kaklase ko ano ka ba.." agad kung reply sa kanya..

"Andito na ako, labas kana please wala kasi akong kasama eh.." Nakoooooooo... ewan ko! Naawa ako sa kanya pero. HINDI NO NOT NEGATIVE!

"Sorry Keith, pwede next time nalang. Sorry talaga" reply ko sa kanya

"Andito na ako loka, sgi na. nageffort pa akong puntahan ka dito." 

"Ay gagi ka! Sino bang may sabi sayo na pumuta ka dito ha? Loko ka talaga Keith! E'text mo si Ynes.. e'text mo girlfriend mo oy..." 

"Sge na.kasalanan ko na! Enjoy the movie. Ingat ka." Huling text nya .. hindi ko narin sya nireplyan.

Hay salamat! napahinga ako ng malalim.. Pero parang tinutusok yung puso ko sa pagtanggi ko sa kanya. Totoo ba tung narararamdaman ko? How I wish panaginip lang. 

-end

Itutuloy .

------

Comments po .. pleaseeee

Sorry, nagmamahal lang ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon