Chapter 9

21 0 0
                                    



Nagising ako at ramdam kong wala nang mabigat sa balikat ko, at nakahiga na ako. Teka?? Asan ako? Ba't may dextrose ako? Asan si Keith? Napagtanto ko andito pala ako sa ER. Anong nangyari kanina?

Parang ang sakit-sakit ng dibbdib ko? Tsaka parang lutang na lutang utak ko.

May lumapit na nurse. "Oh gising kana pala Miss.. yung boyfriend mo umalis muna para bumili ng pagkain mo at gamot narin.."

Ha? Boyfriend? "Nurse teka, ba't andito ako at bakit meron ako nito?" Tanong ko sa nurse sabay turo sa braso kong may dextrose.

" Miss wala ka bang naaalala? Inatake ka ng sakit mo at nahimatay ka, buti nalang andito ka lang sa hospital premises at mabilis kang naidala ng boyfriend mo dito sa ER"

Inatake ulit ako? Boyfriend ko? Teka? Baka si Keith yung tinutukoy niya.

"Ahh nurse di ko boyfriend yun.. kaibigan ko lang .."sagot ko sa nurse

"Ay sorry Miss yun kasi sabi nya nung tinanong naming sya.." Gago yun aaa.

"Ganon ba. Hahahah sira yun.."

"Sge miss maiwan na kita, pahinga lang kailangan mo .." Bilin ng nurse

"Sige salamat po"

Ilang minuto lang ay dumating narin yung Gago.

"Oh gising na pala girlfriend ko... Kamusta kana okay ka lang? Kinabahan ako sayo kanina! Ba't hindi mo sinabi sakin na may sakit ka sa puso? Ha? Ha?" Sumbat niya sa agad sakin.

"Hoy! Hoy! Hoy! Keith Ocampo! Manahimik ka nga, anong GIRLFRIEND GIRLFRIEND yang pinagsasabi mo ha? Di mo ako girlfriend!" Sigaw ko sa kanya

"Shhhhh wag kang maingay Zai.. may natutulog oh ano kaba" sagot niya

"Eh ikaw kasi ay may girlfriend-girlfriend ka pang nalalaman..." pero aaminin ko ring kinilig ako dun sa sinabi niya, sana nga totoo yun. Hay nako! Zaira keep on dreamin!

Di na ako umimik at tinalikuran ko nalang sya. "Hoy Zaira you have some explaining to do, tsaka eto oh kumain ka muna .... Spaghetti at may C2 alam ko paborito mo 'to."

Hinarap ko sya at kinuha ang spaghetti at c2 .. "thank you " sabay talikod

"Wag naman ganyan Zai, nataranta ako kanina... I think I deserve an explanation"

Heavy breaths, "Haaaaaaaaaaaay oh sya sige. Pero promise mo sakin na hindi magbabago pagtingin mo sakin tsaka kung anong gusto kong gawin hindi mo ako pipigilan.."

He nodded. "Okay. I promise."

"Good..."

I told him everything. Lahat ng kailangan niyang malaman tungkol sa sakit ko.

"So okay na ba yun? May tanong ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Unfair mo naman eh, pinagpromise mo ako na walang kaalam-alam.."

"Ngayon may alam kana, hahaha!"

"Teka, nasabihan mo na ba si Iz at ang pamilya na andito ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo, punta sana dito si Iz pero walang maiwan kay Lolo mo, bumisita narin si Tito umalis narin sya nalaman niyang okay kana, may aasikasohin pa daw sya sa nurse station."

"Ahhh ganun ba? Ba't ikaw nandito pa? Di kaba hinahanap sa inyo?" Ayaw ko namang umalis sya, pero nag-aalala lang ako kasi 4pm na at hindi pa sya umuuwi.

"Wala naman ibang tao sa bahay kundi ako, yung katulong at driver namin.., pero tinawagan ko si ate cheng na andito ako.. wag ka nang mag-alala"

"Asan ba mga magulang mo?"

"Ahhh sila? Busy sa sakahan namin sa probinsya .." deretso nyang sagot.

Isang oras din kaming nag-usap pero hindi ko muna tinampok yung kanila Ynes, kahit curious na curious ako. Sure naman ako na iiwasan nya mga tanong ko kaya minabuti ko nlang hindi muna. Sinabihan ko syang magpapahinga muna ako, kasi inaantok ako sa gamot na binigay sakin.

Pag gising ko, nakatulog narin sya sa tabi ko. Ang ganda niyang pagmasdan, pagod na pagod na siguro sya, kawawa naman. Tinignan ko relo nya 10 pm na pala. Haba ng tulog ko, hayssss. at wala na pala dextrose ko. Salamat naman.

Hahaplosin ko nasa buhok niya, ngunit nagising ko ata sya ..

"Oh gising na pala si Sleeping beauty.. sabi pala ng nurse pde ka nang madischarge pagkagising mo..."

"Talaga? Tara na? I miss my bed. Tsaka gutom na ako." Gutom na gutom na talaga ako, naaamoy ko yung burger sa kabilang bed.

"Ah! Dumaan nga pla yung kapatid at tita mo kanina .. minabuti narin nilang hayaan kang matulog muna, nakauwi narin si Iz sa inyo hinihintay kana niya.."

"Tara.."

Hinatid niya ako sa bahay, pero bago kami dumiretso sa bahay nag drive thru muna kami, gutom ako eh, syempre libre niya. Hahaha! Nung nakarating na kami sa bahay, pinapasok ko muna sya pero umayaw. Pagod na siguro.

Nasa kama na ako, parang hangover pa ako sa nangyari. Tsaka lutang parin ng utak ko, lakas makatama yung gamot.

1 message received

Keith

"Zai, nasa bahay na ako? Okay lang pasyente ko? May masakit pa ba sayo? Matulog kana ha? Goodnight Z!"

To Keith

"Good Night Keith, salamat ng marami sayo. Babawi rin ako sayo, asahan mo yan. Thank you talaga. Alam kong pagod ka, sleep tight Dr. K ;)"

Itutuloy

nc8cbQEd

Sorry, nagmamahal lang ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon