Chapter 10
Pag gising ko sa umaga, ramdam ko parin ang side effects ng meds na nainom ko, chineck ko agad ang phone ko. Alas dyes na pala ng umaga pero inaantok parin ako.
'Iz!' tawag ko sa kapatid ko. 'lika ka nga muna'.
"Ano ate? May masakit ba sayo?" Tanong nya sakin
"Wala naman, mabigat lang pakiramdam ko, pdeng sumuyo? Pedeng patipla ng coffee, please?" sabay ngiti.
"Ate naman! Alam mo naman bawal sayo yun diba? Tigas-tigas talaga ng ulo mo. Gatas nalang" sagot nya sakin.
"Eh gatas, para naman akong bata nyan. Gusto ko narin bumangon eh, inaantok parin ako."
"Bahala ka jan, mas mabuting magpahinga ka nalang muna baka atakehin ka na naman. Ipagluluto nlang kita ng brunch mo para magkalaman yang tyan mo.."
Yan, jan magaling kapatid ko. May point rin naman sya, kaya wala narin akong magawa.
Pagkatapos kong kumain, hinanap ko phone ko at tinext ko si Keith.
To: Keith
"Good morning Keith, gising kana?"
Nag intay ako ng ilang minuto at wala pang reply, tulog pa ata yun napagod nga siguro.
So I decided to go back to sleep kasi ang bigat pa talaga ng pakiramdam ko. Sana okay na ako mamaya, pra naman mkagala na ako. Hahahahaha!
Pagkagising ko sinilip ko agad phone ko.
I've got 4 message lahat galing kay keith.
"Hi Z, sorry ngaun lang ako nagising.."
"Zi"
"Kumusta na pakiramdam mo?"
"Pst. Sge pahinga ka muna.."
To: Keith
"Keithhh? Sorry kakagising ko lang ulit. Hahaha. Okay na ako, tara gala tayo!"
At nag reply agad sya. "Gaga, pahinga ka muna pasyente ko. Meds mo? Nainom mo na?"
Ay KJ ng loko. Matawagan nga..
"Oh hello Loko!
"Ano?"
"Taray naman ng baklang 'to."
"Sinong bakla ha? Lalaki to no!"
"Hahaha biro lang, ano na? tara na, gala na tayo!"
"Sinabi nga diba ng doctor mo, magpahinga ka muna. Tigas ng ulo nito!"
"Galit sya oh, sge na please. You promised me!"
"Okay fine! I'll drive. Pick you up at 5pm."
"Yey! Youre my life saver! Literally! Bored na ako dito eh.."
"Oh na. Alam ko at gwapo pa, diba?
"Oo na nga, baka magchange pa decision mo. Thanks Dr. K, see ya later.."
"See ya Zi, bye."
Call ended.
Agad akong bumangon para magbihis. Sa wakas makakagala narin ako, parang tagal ko na hindi nkalabas at nkapunta ng mall. Hahaha!
From Keith:
"Zi, di kita masusundo may dadaanan pa ko, utos ni mama sorry."
Tinext ko sya na okay lang at sa Centrio Ayala Mall kami magkikita sa may bench.
Ewan ko ba, gusto kong mag ayos hahaha. Naka casual dress at doll shoes ako, at tsaka complete makeup. Eh gusto ko maganda ako eh, matagal narin akong haggard sa everything sa buhay ko.
Tinignan ko one last time sarili ko sa salamin. "You're worth it!"
"EWWWW!" sambit ng kapatid na nsa likod lang.
"Wag ka nga, ganda ko no?" Hahahha sagot ko sa kanya
"Ah basta eww, may date ka ano? hindi ka talga mapermi dito sa bahay, basta wag masyadong magpagod kakagaling mo lang sa ospital eh!"at pinagalitan na naman ako.
"OPO MAAM! wag mo nang sabihin kay papa ha? Labyu!"
"Bahala ka sa buhay mo. Bleeh"
"Okay byeee, aalis na ang maganda baka mahawa pa sa kapangitan mo. BYE!" Sabay alis, sarap kulitin ng kapatid ko. Parang sya tuloy ang panganay.
---
Nang nasa taxi na ako, tinignan ko yung phone ko at may 3 messages.
Keith:
"Asan ka na?"
"Andito na ako hoy!"
"ZIANDRA ZAIRA!"
Natawa lang ako, pero bakit ako kinakabahan.
"Maam andito na po tayo." Naspace out ako bigla.
"Ay sorry manong, ito na po yung bayad. Thank you"
----
END
BINABASA MO ANG
Sorry, nagmamahal lang ..
Non-FictionLahat naman ata ng mamahal ay tanga, lalo na yung mga taong salat at kulang sa pagmamahal. Zaira is just a typical girl who experience love sa panahon na hindi niya inaasahan. Subay-bayan ang kanyang kwento ....