Zaira's POV
Summer 2014
1 message received
Keith
"Hey Zai, pahingi nga number ni Ynes ?Reply ka naman kahit ngayon lang, importante kasi.." Kahit kalian talaga tung lalaking 'to pati number ng Gf niya sakin pa hinihingi.
"Hoy pinakamabuting Boyfriend sa balat ng Earth, ba't mo sakin hinihingi number ng gf mo?! Memorize mo dapat yun!" agad kong reply ko sa kanya.
"Obvious ba? Di ko nga alam kaya ko nga hinihingi sayo! Tsaka di na kami nun" I gasped sa reply nya. Ano kayang nangyari?
"Anong di na kayo? Ha? Anyari????!" dali-dali kong reply. Hindi ko gustong maniwala baka another prank na naman 'to. Nang tumunog phone ko, kinakabahan akong buksan sms na galing sa kanya. SHEETSOFPAPER ba't ba akong nagkakaganito?! *Inhaaaaaale* Exhaaaaale* (Medyo OA pero malalaman nyo kung bakit:))
"Long story Zai, I don't wanna talk about it muna, bigay mo nalang sakin number nya please." Haaay! Mga lalaki talaga! Bugled ako masyado.
Nang matapos kong binigay number ng kaibigan kong si Ynes, agad naman syang nagpasamalat.
------
Ay oo nga pala, Ako nga pala si Ziandra Zaira Preston A.K.A "Zai" "Zi" and of in legal age na. Namumuhay at humihinga sa Pangalawang Most Progressive Cities of the Philippines, Cagayan de Oro City also known as "The City Of Golden Friendship". I'm the eldest daughter of Mon and Melisa Preston. At si Izre Fe Preston, nakakabatang kapatid ko at obvious naman sa pangalan niya babae rin sya. 1 year nga lang gap namin kaya kung titignan sa "malayo" kambal kaming tignan (NOTE: SA MA-LA-YO GETS?) At ako'y nag-aaral sa pinakamapagmahal na unibersidad, mapagmahal dahil ang Foundation Day nito ay Valentine's Day as in February 14 at pulang-pula ang uniform namin. Masyadong in-love ang nagmamay-ari nito damay lahat pati nga buildings may tint of red at ito ang Capitol University and I'm a 3rd-year Bachelor of Science in Computer Science student. Kasalukuyang nag-strustruggle sa course ko, anhiraaap eeh napupuno na ng programming utak ko, nga pala ako'y isang journalist and one the staff writers of the student publication of Capitol University. Galing noh? Di ko nga alam ba't ako natanggap. HIHIHIHI
Well anyway, so much of that boring intro. Yung katext ko kanina ay si Keith Ocampo, classmate ko sa Grade 3. Description? Isa lang, napakamabungangang lalaki! Di naman talaga kami close ng classmate ko nay an tsaka once lang kami nag-classmate sa elementary. Naging Girlfriend nya kasi ang isa sa pinaka matagal kong kaibigan na si Kyle Ynes Delos Santos. Halos sabay lang kaming lumaki batch sila ng kapatid ko, whenever she has troubles, confusion at lahat ng bagay na hirap na hirap sya sakin sya lumalapit. Syempre mabait talaga ako. Hihihi! Kaya nung nagkaboyfriend eh sakin din lumalapit. Eto namang ako kahit walang alam sa ganyan eh advice ng advice tuwing magkakaproblema sila. Di naman talaga kailangan ng experience para mag-advice, SENSE lang okay na, kasi nga naman lahat ng taong in love ay tanga! Kailangan lang may kunting untog sa ulo para mataohan sa katangahan, minsan nga kulang pa eeh. Ay ewan ko sa mga in love, di ko naman itatanggi na nainlove ako di nga lang yun happily ever after. So much about me.
----
2months ago..
1 Sunday morning ay, lumapit si Ynes sakin at agad niyang binulong sakin na may boyfriend na daw siya at kitang-kita sa mukha niya na masaya siya. Hay love, kailangan pa ang akin PapaLord? Nga pala churchmate kaming dalawa ni Ynes.
"Zi, pero feeling ko hindi niya ako siniseryoso." Ay ano bato, kanina ang saya ng pakasabi niya na may bf na sya then biglang nag-iba aura niya.
"Aaah ee, bakit mo naman nasabi yun? Wait. Ilang months naba kayo?" tanong ko sa kanya, din man sa nakikichismis ako pero she spilled na may bf na sya might as well she'll spill more. Hahaha!
"Kasi marami syang textmates at katext, magto-two months na kami Zi.."
"Ay ganon ba, baka bored na sya sayo"
I don't want to kill her with the reality pero mas mabuti yun mas maaga, less sakit sa puso diba? Tsaka base sa sinabi niya parang ganun na nga. Mag2 months palang dapat sweet pa yun. At walang ibang katext kundi yung mahal nya. Aga-aga nabobored na sya. Kapal! Nako biglang umiinit ko ulo ko. Pffft!
Buntong hinga ni Ynes "Teka, sino ba yang boyfriend mo?" sunod kong tanong sa kanya.
"aa oo nga pla, sya si Keith" sabay bigay ng phone nya na may picture nito.
Teka teka, wait a minute, the-who?, sandali. Familiar tung lalaking to aah, tsaka talgang napaka familiar ng pangalan nya like I have heard of it before. Parang kilala ko tung gagong to. Sheeet! Di na naman ako makakatulog nito sa kakaisip.
"Familiar sya sakin Yn, at parang kilala ko sya. I just forgot kung saan kami nagkasalimuha nyan" sabi ko.
"Siguro nga Zi, kasi West City Central School din sya nag elementary at tska batch kayo" Oo nga pla, mas matanda ako kay Ynes ng 1 taon. So sguro nga , kaya familiar..
" aaa, ganun ba.. kaya nga siguro Yn ..ahmm sige Ynes a-.." I was gonna end our convo kasi baka hinahanap na ako ng Papa ko ng ..
"Zi pwedeng humingi nang favor? .." singit niya. Dahil mabait akong tao, tsaka curious ako sa favor niya, tsaka di na rin sya na iba sakin.
"hmm sge. Ano bay un?" ngiti kong sabi sa kanya
"e'textmate mo boyfriend ko." Ha? Ano daw? Di nagsink in sakin sinabi nya.
"Ha?" Ha? Ha? Ha? Ano?
"Textmate mo sya, ikaw na ang bahala. Paaminin mo sya, at kung aaminin ba nyang may gf ba sya o wala. Ikaw na bahalang dumeskarte Zi.. I wanna know if he's faithful to me."
"Teka?"
"Please Zi, for me.. text mo nalang ako kung anong reply nya. Pleaaase..." Nagdadalwang isip ako kasi pano ko ba yun gagawin? At baka mabuko ako pero at the same time I wanna help her with it at curious ako bakit familiar yung lalaking yon.
" Aaah, ahm sge2 Yn..."
"Yay! Salamat ha? Ang bait-bait mo talaga Zi."
"Ito pala number nya..salamat talaga ha? Text mo lang ako." Agad akong nag-nod sabay save sa number ng bf nya
"No problem, Sge alis na ako hinahanap na ako ng papa ko ehh" sabi ko
"Sge2 Zi, mag-ingat ka" sabay hug sakin.
--------
end
BINABASA MO ANG
Sorry, nagmamahal lang ..
Non-FictionLahat naman ata ng mamahal ay tanga, lalo na yung mga taong salat at kulang sa pagmamahal. Zaira is just a typical girl who experience love sa panahon na hindi niya inaasahan. Subay-bayan ang kanyang kwento ....