T H R E E

4.5K 44 0
                                    

Michelle

NAGISING ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Bumangon ako sa kama at inayos ang pinaghigaan bago ko naisipang mag ayos ng sarili.


Pagkapasok ko sa banyo para naghilamos ay hindi ko parin mapigilan na di humanga sa ganda at lawak ng banyo na 'to. Toilet, shower at bathtub sa loob. Nang matapos maghilamos ay nagsipilyo ako gamit yung lagi kong dala dala na toothbrush at toothpaste. Habang nagsisipilyo ay napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.


Halata sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Buntong hininga nalang ang kaya kong gawin dahil wala na akong magagawa dahil nangyari na. Pero di ko mapigilang hindi makonsensya dahil pakiramdam ko niloko ko si Mathew kahit hindi ko naman ginusto yon. 


Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang lokohin si Mathew kaya kahit aksidente man yung nangyari o sinadya ay hindi ko maiwasan na hindi matakot lalo na kapag nalaman iyon ni Mathew. Even though Tito missed Mathew's mom, his action last night was never justified. At kahit na lasing pa siya. Dapat hindi niya ako hinalikan lalo't fiance ako nang anak niya. Madiin kong kinuskus ang labi ko gamit ang kamay ko.  


Ano ba Michelle, Huwag mo na nga isipin yon para hindi masira ang araw mo.  


Binilisan ko na ang pagsisipilyo at bumababa para mag almusal. Pagkarating ko sa dining area ay nakita ko si Nanang Ester na nag aayos ng kanyang niluto para ngayong almusal. 


"Good morning po Nanang Ester" bati ko rito. Bumati rin ito pabalik. Nagtanong ako kung ano pwede kong maitulong ang sabi sakin ni Nanang ay ayusin ko nalang daw ang mga plano at mga kubyertos. Habang nag aayos ay nagpaalam ito na tutungo muna sa may kusina para kunin ang natitirang pagkain na niluto nito na naiwan sa kusina. Nang matapos ay umupo ako sa isa mga silya. 


Nakarinig ako ng yabag galing sa sala papunta rito.


"Good morning, everyone." napasimangot ako nang marinig ko kung sino ang nagsalita. E' di sino pa ba? si Mathew lang naman ang magaling kong fiance, akala niya ba mapapatawad ko siya sa pag iwan niya sakin. Hindi na nga siya uwi kagabi tapos di man lang naisip na tawagan ako o sagutin ang tawag ko.


Nakangiti itong lumapit sakin pero inirapan ko lang ito. Naiinis ako sa kanya.


"Babe I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo at hindi rin ako nakatawag sayo" hinawakan nito ang balikat ko at yumuko para silipin ang mukha ko. Nakasimangot parin ako dahil sa inis ko sa kanya pati hindi niya ako madadaan sa paganyan ganyan niya. Naramdaman ko nalang ang paghalik nito sa pisingi ko hanggang sa leeg at balikat habang mahinang binibigkas ang salitang 'Sorry'. Umirap ako sa hangin dahil ginamit na naman niya ang kahinaan ko para mapatawad siya.  


Napabuntong hininga na lamang ako "Forgiven, but please next time tumawag ka sakin o hindi kaya ay sagutin mo yung tawag ko para naman di ako nag aalala sayo" sambit ko at nilingon ito. 


Tumango ito at maingat na hinaplos ang pisingi ko. "I'm sorry, babe hindi na 'to mauulit pangako" ramdam ko ang pagiging sincere nito kaya ngumiti ako sa kanya. 


Sabay kami ni Mathew na napatingin ng marinig namin ang malakas na tikhim galing kay...Tito "Good morning dad" hinalikan muna nito ang tutok ng ulo ko atsaka umupo sa tabi ko.

His Desire (Age Gap Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon