F O U R

4.2K 32 1
                                    

Michelle

"DAD aalis na kami" kahit naiilang parin ako dahil sa nangyari doon sa kusina ay pinapanatili kong umaktong normal. Lalo na nandito ang fiance ko, ayaw ko mag isip siya nang hindi maganda tungkol sa amin ng tatay niya. 


Nagpaalam narin ako kina Nanang at kay Tito Mateo kahit may ilang ako nararamdaman. Ayoko rin maging bastos especially pamilya siya ni Mathew. 


Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Naisipan ni Mathew na umuwi na kami lalo na may pasok pa siya sa opisina bukas. Gusto ko man irekomenda kahapon kay Mathew na umuwi na kami pero hindi ko na tinuloy dahil baka maghinala o kaya magtaka siya. Ayoko magkagulo o magkaroon ng alitan sila. Yung pagyakap ni Tito Mateo sakin, hindi niya ba alam na pwedeng masira ang relasyon namin ng anak niya kung nakita kami sa ganung sitwasyon. Hindi ko alam kung tumatakbo sa isip niya para gawin yon. Si Tito Mateo ang tipo ng tao na hindi mo malalaman ang tumatakbo sa isip unless kapag tinanong mo, ganun ang describe ni Mathew sa tatay niya. Unpredictable kung baga. 


"Babe, I'm sorry if you didn't enjoy our visit to my dad's mansion."paumanhin nito. Halos nagkulong kami ni Mathew sa kwarto buong maghapon bumaba lang kami nang maghapunan na, tapos bumalik kami kaagad sa kwarto pagtapos. Doon kami natulog sa kwartong tinutulugan ko dahil ayaw nito sa sariling kwarto sa kadahilanang wala raw ako doon.


Some point natutuwa ako na niyaya ako ni Mathew na umuwi na dahil hindi ko alam ang gagawin kong iwas sa daddy niya pagkatapos ng mga nangyari. Nanghihinayang ako na hindi ko man lang na enjoy ang ganda na meron ang hacienda. 


Pumasok sa isip ko bigla na bakit ganun umakto ang daddy ni Mathew sakin? Hindi naman siya ganun nung unang beses akong pumunta doon.


Umiling ako sa aking isip. Napalingon ako kay Mathew nang magtanong ito. "Babe are you okay?"bakas sa boses ang nito pag aalala.


"Ayos lang ako" tugon ko. 


"Are you sure?" tumango siya rito.


"Okay" Bumuntong hininga ito, mukhang may problema sa kompanya ah dahil halata sa itsura nito ang pagiging problemado. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad habang ang mga mata ay nasa unahan. 


"Babe, mawawala ako ng ilang araw because I have a business trip in Malaysia. Is it okay with you, babe?" ngumiti ako sa kanya. Kinikilig ako kapag ganto siya. 


"Yeah, that's okay; that's your job as a CEO, so you don't need to ask." ngumoso naman ito. Tsk napaka isip bata talaga.


"Of course, babe, I need to ask you para makampante ka."


"Tsk, baka naman may babae ka?" angil ko rito at ipinag singkitan ito ng mga mata. Natigilan ito saglit. 


"Of course not, babe; you know how much I love you kaya bakit ko naman gagawin yun" natawa naman ako, masyado siyang seryoso binibiro ko lang naman siya.


"Why are you laughing?" nakangiti akong umiling. 


"Wala, Masyado ka namang seryoso binibiro lang kita" natatawang wika niya.


****


NAKARATING na kami sa 2 storey house na sinasabi niya na binili niya at pinaayos para malipatan namin kung magsasama na kami sa iisang bubong. Actually wala akong alam sa plano niya pagbili ng gantong bahay, dahil ang usapan namin saka na kami bibili kapag magpapakasal na kami pero nagulat ako nang sabihin niya sa akin days after niya magproposed na may pinaayos na pala siyang bahay five months ago pa.


Since may bahay na kami naisipan namin na magsama na tutal ikakasal narin naman kami, pero noong panahon magkasintahan kami ay tumatanggi ako sa alok niya maglive in kami kasi ayokong ma invalidate ang privacy ko lalo't ako yung tipo ng tao na mas gustong mag isa. 


Pagkapasok namin bumungad sakin ang napakaayos na sala at magandang desinyo ng bahay.


Habang abala ang aking mga mata sa pagtingin tingin sa buong bahay ay napansin kong nandoon ang lahat ng mga kailangan sa bahay. Kahit appliances at groceries meron na rin. 


Hindi na namin masyadong nalibot ang bahay ngayong araw since ginabi narin kami sa biyahe kanina at masyadong malaki ang 2 storey house na binili ni Mathew para sa aming dalawa. Hindi lang sa bahay ako nagulat kung hindi sa titulo rin dahil nakapangalan sa akin iyon.


Kailangan na namin ni Mathew magpahinga kaya umakyat na kami sa pangalawang palapag. Sa pag akyat namin ay may nakita akong limang kwarto. Mayroong dalawang banyo sa ibaba at powder room. Plus yung storage room. Ang galing pumili ni Mathew nang architect at engineer na gagawa ng bahay, Polido ang pagkakagawa. Ang ganda ng kinalabasan ng renovation. 


"Babe, let's go. I'm excited for you to see our room." tawag sakin ni Mathew at hinila ako. 

His Desire (Age Gap Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon