F O U R T E E N

2.6K 38 1
                                    

Michelle

TATLONG araw na ang nakakalipas ng mag usap kami ni Mathew at celebration ng 47th birthday ni Mateo. Napapansin kong iniiwasan ako ni Mateo. Pag nakikita niya ako ay kung hindi iiwasan ay hindi ako kinikibo. Paggabi naman lagi siya nauunang matulog pero halata namang hindi pa siya inaantok.


Nasa hacienda kami pansamantalang tumutuloy dahil ayun talaga ang plano namin. Nagulat si Nanang ng makita niya kami ni Mateo magkasama at may anak na, hindi ito makapaniwalang magkakatuluyan kami ni Mateo. Ang huli kasi nitong alam ay magpapakasal na kami ni Mathew. 


"Iha may problema ba kayong mag asawa?"tanong ni Nanang habang tinutulungan akong mag ayos ng pinagkainan namin kanina. 


"Wala naman po" sigurado ako dahil wala akong maalala na nag away kaming dalawa. Pati walang rason para mag away kami. 


"Ay bakit parang iniiwasan ka ng asawa mo?" hindi lang pala ako ang nakapansin pati narin si Nanang. 


"Iha dapat pag usapan niyo kung anong problema para masolusyunan niyo na kaagad" Bumuntong hininga ako. Paano naman kami makakapag usap eh iniwasan ako ni Mateo.  Instead na sabihin niya sa akin kung anong problema para mapag usapan namin ng masinsinan, ang gagawin niya bibigyan niya ako nang silent treatment. 


Pagkatapos namin ni Nanang sa pag aayos ny pinagkainan ay dumiretso ako sa master bedroom kung saan kami natutulog ni Mateo. Pina renovate ni Mateo itong mansion kaya mas lalo gumanda.


Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang sinusuot ang necktie na regalo ko sa kanya para birthday niya. Nilapitan ko siya "Ako na" hininto nito ang pag aayos at hinayaan akong magtuloy.


"Mateo may problema ba tayo?" tanong ko habang patuloy sa pag aayos sa necktie niya. Hindi ito umimik kaya napabuntong hininga nalang ako. 


Nang matapos ay tumingala ako dahil ang tangkad niya. Umiwas ito ng tingin ng magtama ang mata namin. 


"Mateo anong bang problema?" hinawakan ko ang magkabila nitong pisingi. 


"Nothing" naninibago ako pag ganyan siya.


"Hindi ako naniniwala Mateo, asawa mo ako kaya alam kong may problema" marahan kong hinahaplos ang magkabila niyang pisingi. 


"Honey, do you really love me?" tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. Seryoso ang tono ng boses nito. Is this about sa nangyari sa party? 


"Of course I love you; I always love you, Mateo."malambing kong tugon. Bumigat ang paghinga nito at pumula ng bahagya ang pisingi. 


Mahina akong natawa. "Kilig ka noh?"nang aasar kong wika. Mas lalong pumula ang pisingi nito. Napalitan iyun ng seryoso ng maalala ko kung ano ang problema.


"Iniisip mo ba na kaya ko na sabi na mahal kita kasi nandoon si Mathew o nadala lang ako nang emosyon?" seryoso kong tanong sa kanya. Gusto kong linawin sa kanya na wala na akong nararamdaman para kay Mathew. It's been four years, kilala ko ang sarili ko. Alam kong naka move on na ako sa nangyari sa amin ni Mathew. 

His Desire (Age Gap Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon