#SQ Chapter 1
Kanina pa kami nandito sa tapat ng Naht Uggy Cafe-favorite coffee shop ko! Sobrang traffic! Nakabili na ko lahat lahat ng kape pati mani na nilalako sa tabi pinatulan ko na pero wala! Hindi pa rin umaandar ang mga sasakyan! Hay Philippines, kailan ka ba mag-iimprove?
Ayon sa usap-usapan ng mga jeepney drivers na nasa gilid ng sasakyan ko, may nagbanggaan daw na van at motorsiklo sa unahan kaya nag-cause ito ng traffic. Hays! Mag-aaway na lang sa gitna pa ng kalsada! Pwede namang gumilid na lang sila at doon magsuntukan e, diba? Bibili lang naman ako ng Sticky Note sa Book Store inabot na ako ng isang oras sa kalsada!
Dahil feeling ko keri ko naman at mga 10 minutes walk (I guess?!!) lang naman ang layo ng Book Store dito ay napagpasyahan kong lumabas na ng sasakyan. Keri na kahit may heels, maganda naman ako.
"Maam Jhuna! Saan po kayo pupunta?" sabi ni Manong John. Sinabi kong hindi ko na matagalan ang putok ni Manong kaya naisipan kong lumayas na don-syempre nagbibiro lang ako nu. Napakamot naman siya at sinubukan pa akong pigilan pero wala na siyang nagawa sa sobrang tigas ng ulo ko. Mwehehe.
Habang papalayo sa traffic doon, medyo nagsisi ako kung bakit ako lumabas sa kotse. Nakalimutan ko kasi magbitbit ng payong! Summer pa man din ngayon. Ang init init init init init tuloy sa Earth! Sorna guys! Ang hot ko kasi masyado. Ahihihihi. Pero seryoso, ang init talaga. Tapos hindi rin nakakatulong yung ganda ko dahil ang sakit sa paa ng heels ko. Namamanhid na tuloy sila. Huhuhu.
Lumiko ako sa isang eskinita. Ang alam ko kasi, may shortcut dito e. Tsaka nauubo na ako sa usok galing sa mga tambutso ng sasakyan. Amoy usok na tuloy ako.
Habang naglalakad, may naramdaman akong nakatingin sa akin.
Lunok laway.
M-may stalker ako? Holdaper? Kidnapper? O baka naman... Rapist? Omo! Di ko naman kasalanang maganda ako e!
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Bakit ba walang katao-tao dito?!
Huhuhu. Mabait naman po ako Papa God e. Tinulungan ko pa nga po yung isang kaklase ko na bullyhin yung nerd classmate namin e. Tapos binuhusan ko rin po ng juice yung panget na Grade 8 student kasi nakaharang siya sa daan ko at ang baho baho niya. Kaya ayun, bumango na po siya. Mabait po talaga ako, promise! Help me.
Ramdam kong may sumusunod pa rin sa akin. Huhuhu. Baka naman assuming lang ako at feelingerang may rapist nga sa likod ko?
Tumigil ako sa paglalakad at dahan dahang lumingon. Kaya mo yan Jhuna.
"Arf Arf!"
Napabuntong hininga ako. Hays! Akala ko kung ano na. Aso lang pala-aso?!
"Arf Arf Arf!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mata. Ohmygosh, takot ako sa aso! Nakatitig lang siya sa akin. Nakatitig lang din ako sa kanya. Mata sa mata.
Tumingin saking mata.
Magtapat ng nadarama.
Naks! Nagka-inlove-an pa o.
Ahh! Erase erase. Nagagawa mo pang magbiro samantalang may napakalaking aso ang nasa harapan mo?! Huhuhu. Feeling ko ready na siya para kagatin ako.
Kalma Jhuna. Aso lang yan.
Hindi ko kaya!
Tumalikod na ako sa aso at naglakad na ulit. Wah! Nararamdaman kong sumusunod siya sa akin! Na-inlove ba siya sakin? Love at first sight, ganun? At sa aso pa talaga?!!!
Lakad lang Jhuna. Huwag kang lilingon!
Lumiko ako dahil nagbabaka sakali akong tatantanan na ako nung aso pero pagliko ko, tenen! May aso ulit! At nag-aano pa yung dalawang aso! Gosh! Ang mata ko!

BINABASA MO ANG
Someone's QUEEN
Teen FictionMula nang i-arrange si Jhuna ng mga magulang niya sa ubod ng gwapo at parang greek god niyang fiance ay hinangad na niyang magustuhan din siya nito. Parehas naman silang single, so why not, diba? Sa kanilang dalawa kasi, siya lang ang may gusto sa m...